Chapter Sixteen

12 0 0
                                    

SIXTEEN

"Magandang umaga sa'yo! East Damsel," Bati ng aking kaibigan.

"Ang aga pa, ang ingay mo na." Komento ko. Ito na ang unang araw ng isang linggo na'min. Anim na araw na lang at makikita na na'min ang grandparents ko.

"Kaysa naman sa'yo, ang aga pa tila sinukuan na ng araw ang umaga mo." Bawi naman niya sa'kin. Napa-busangot ako.

"Talent mo talaga 'yan, eh, 'no?" Ani ko. Bahagya siyang humalakhak at inakbayan ako.

"Well, sinabi ko naman na sa'yo na magaling akong magsulat." Aniya. Which is true. So far, siya pa lang ang lalaking--- scratch that, baklang kilala ko na malaki ang pagmamahal sa mga salita. Tuwing hidi niya ako kasama, nagbabasa lang siya ng dictionaries at novels o 'di kaya'y nagsusulat na never pa niyang ipinabasa sa'kin.

"Yeah, I know." Sagot ko at nagbuntong hininga.

"Gusto mo ice cream?" Napalingon ako sa kanya. Ano naman ang naisipan nito? Ngunit bigla kong naalala 'yung araw na nilibre ako ng ice cream ni Ace.

"Ayoko," Kahit gusto ko. Mas pipiliin kong makalimutan muna 'yon.

"How can you do this to me, Sel? I want to eat ice cream," Pagmamaktol niya. "Treat ko naman, ah?" Pangungulit niya. I just knew that whatever happens, i would not be able to resist him.

"Unli?" Tanong ko sabay ngiti. Ngumuso siya at nagbuntong hininga.

"Whatever," Tumawa na lang ako saktong dumating ang guro na'min kung kaya't nakinig na lamang ako. Dumating ang lunch time at agad naman kaming nagtipon para kumain.

"Sa garden tayo kumain," Anyaya ni Chiv na ikinapagtaka na'min. Pero ni isa'y walang umawat. Kaya bumili kami ng pagkain sa cafeteria at kumain sa garden.

"Haist, ang boring talaga ng klase ngayon." Reklamo ni Ars. Kaswal silang nag-uusap ni Ace.

"May problema raw kasi ata sa faculty kaya problemado si Ma'am," Sambit ni Ace na ikinainis ni Ars.

"Aish! Kailangan pa ba niyang idamay ang klase?! Paano na lang kinabukasan ko?! Sana nagresign na lang siya!" Natawa kami sa reaksyon niya.

"Wala ka namang kinabukasan," Pagbibiro ng kambal ko.

"Ouch," Ani Ars at nagkunwaring iiyak na.

"Hmm, kumusta nga pala ang balita?" Tanong ni Ace sa'kin.

"Huh?" Pagbabalik-tanong ko marahil ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Your grandparents," Pagpapaalala niya. Tumangu-tango ako.

"What about your grand--- Ano?!" Gulat na sabi ni Ars. "Grandparents mo? Bakit hindi ko ito alam?" Tanong niya. Napakagat ako ng labi.

"Nawala sa isip kong ikwento sa'yo. I was too pre-occupied," Pagrarason ko.

"Nagtatampo na ako, ah! Pero anong meron?" Aniya.

"Hmm, we're going to meet at the end of school year." Sabi ko. Nanlaki ang mata ni Ars.

"Talaga?! Wow, that's a good news!" Aniya. Napa-ngiti ako.

"Oo nga," Sabi ko.

"Dapat pala tayong magcelebrate kung gano'n?" Anyaya ni Ace.

"Oh, hindi pwede mamaya!" Ani Ars at pinandilatan ako. Ngumiti ako at tumango.

"Hindi rin ako pwede mamaya, may laro kaming magka-kaibigan.  Ars, pahatid na lang sa bahay si Sel," Ani ng kambal ko. Nadismaya naman ako sa narinig ko. Hindi kami sabay uuwi?

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon