SIXIlang araw pa ay madalas kaming magkasama ni Ace kahit pa masyado kaming busy sa pag-aaral at alam kong matatagalan pa ang akin dahil pagdu-doktor ang aking kinuha. Hindi na rin kami nakakapagbonding ng pinsan kong si Stef maski ni Ars. Pero madalas kaming hindi nagkakasama ni Ars sa hindi ko malamang dahilan. Mailap siya ngayon kahit pareho kami ng kurso. Aaminin ko, namimiss ko siya. Best friend ko 'yon, eh! Pakiramdam ko tuloy ay baka mawala rin siya sa'kin tulad ni Tin. Natatakot ako sa ganito.
"Okay ka lang ba, Sel?" Tanong sa'kin ni Ace nang maka-upo kami sa isang bench sa school grounds. May thirty minutes break kami ngayon at magpapatuloy na ang exam na'min.
Dahan-dahan akong tumango. "Namimiss ko lang si Ars," Sabi ko at ngumiti kahit na alam kong bakas ng lungkot ang ngiti ko. Naramdaman ko ang titig niya sa'kin. Nakikita ko sa gilid ng mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Nag-uusap naman kayo, ah?" Tumango muli ako.
"Pero saglit lang. Tingin mo ba may problema siya sa'kin?" Kasi hindi ko kakayanin. Ayoko na mawala siya, tama na si Tin. Kinalimutan ko na lahat ng nangyari matapos niyang bumalik para magsorry. Baka nga bumalik lang siya para talaga magsorry lang.
"Tingin ko naman wala. Napa-paranoid ka lang, Sel." Sabi niya at nginitian ako. Huminga ako ng malalim. Nagpapasalamat ako at kahit papaano ay nandito si Ace at si Chiv. Kundi panigurado ay malulungkot ako.
"Sana nga, Ace." Tangin sabi ko. Kahit na lagi kami magkasama hindi pa rin nakakalma ang puso ko. Tumitindig rin ang balahibo ko tuwing nauuna siyang magsalita sa'min. Hindi ko alam kung ano na 'tong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, patungo na ito do'n o baka nga nakatungtong na. Sana wag lang akong mahulog.
"I don't like seeing you upset, bumili tayong ice cream?" Anyaya niya sa'kin. Sumaya agad ang pakiramdam ko. Feeling ko napapanatag ako sa bawat salita niya. Nakakalunod. Tumayo na siya at naglahad sa'kin ng kamay. Sana 'wag mo ng bitawan.
"Uhm, baka naman hinahanap ka ng mga kaibigan mo? I mean, ayos lang naman sa'kin kung sa kanila ka sumama minsan. Hindi naman ako pinapabayaan ni Chiv." Sabi ko at ngumiti.
"Alam ko naman 'yon. Pero masyadong busy rin ang mga kaibigan ko ngayon dahil gusto raw nilang magkatrabaho," Sabi niya at tumawa. Grabe, naman. Parang tugtog ng mga anghel ang tawa niya, ang sarap pakinggan. Napangiti rin ako.
"Sus, mayayaman naman kayo. Pwede na lang kayong magtrabaho sa kumpanya ng mga magulang niyo," Komento ko at ibinaling ang tingin sa daan. Nagkibit balikat siya.
"Mas maganda pa ring makatapos ng may magagandang grades at makakatayo ka sa sarili mong paa hindi 'yong didipende ka sa mga magulang mo." Napatango ako. Ito ang gusto ko sa kanya, eh. Mature mag-isip. Bumili na kami ngice cream pagrating sa cafeteria.
"Tama ka naman. Sinasabi ko lang naman na hindi man kayo makagraduate ay paniguradong may magandang buhay kayo! Hindi kagaya ko... Kailangang gumapang sa putikan." Sabi ko at humina ang boses sa dulo. Kinuha na niya ang ice cream namin at tinitigan ako ng seryoso. Inabot niya na rin yung akin at agad kong tinikman ito.
"You think I would let that happen?" Napalingon ako sa kanya. Kikiligin sana ako kaso may dinagdag pa siya. "You think we would let that happen?" Hindi ko alam kung tinama niya o ano 'yung sinabi niya. Pero natutuwa pa rin ako. Stupida!
Nagkibit balikat muli ako at pinigilan ang ngiti. "Hindi ko sigurado," Sabi ko at umiling. Umakto siyang nasaktan kaya natawa ako. Sinapak niya pa ang kaliwang dibdib niya sa parte ng puso.
"Ouch! Parang shotgun naman 'yon, Sel!" Pagbibiro niya. Umirap ako at tumawa.
"Tumigil ka nga," Sabi ko at umiling-iling habang tumatawa. Napatigil siya at tinitigan ako ng seryoso.
"Hinding-hindi ka namin hahayaan na magkaganon." Diretso ang tingin niya sa mata ko nang sinabi iyon. "Hinding-hindi ko hahayaang mangyari iyon." Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"S-salamat," Sabi ko at itinaas ang cup ng ice cream upang ipakita sa kanya.
Hindi na kami nag-imikan matapos noon at dumiretso na lang sa kanya-kanyang classroom namin upang ipagpatuloy ang exam. Hindi ako maka-focus pero nakatatak na sa utak ko ang mga sagot kaya mabilis lang akong natapos uwian na rin naman na kaya nagligpit na ako at ipinasa ang papel ko. Pagkalabas ko ay agad na bumungad sa'kin ang pagmumukha ni Chiv.
"Disappointed?" Aniya. Ngumiwi ako. Medyo.
"Hindi, ah." Sabi ko at naglakad kami ng sabay. Inakbayan niya ako at nilapit sa dibdib niya. Kumapit naman ako sa baywang niya kahit nagtataka ako kung bakit niya ako inakbayan.
"I missed you. Lagi mo na lang kasama 'yung crush mo. I'm scared. Baka magkalayo na tayo," Napangiti ako sa sinabi niya. Sweet talaga nito! Sinapak ko ang tyan niya gamit ang isang kamay ko.
"Hinding-hindi mangyayari 'yon kahit makasal pa tayong dalawa! Magkadikit bituka natin 'no!" Sabi ko at niyakap siya. He frowned.
"Bakit may balak ka na bang magpakasal?" Tanong niya. Tumawa ako.
"Syempre, wala. Ikaw, baka meron." Sabi ko at kumindat. "Miles," Dagdag ko at ngumisi. Namula ang tainga niya. Cute! Pinisil ko ang magkabilang tainga niya.
"Hey, stop that!" Aniya at inalis ang dalawang kamay ko sa magkabilang tainga niya. Ngumuso ako.
"Wala namang problema kung magkagusto ka, eh. Tutulungan pa kita!" Sabi ko at tinalikuran siya para tignan ang dinaraanan namin. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng jeans niya. Gwapo ng kapatid ko! Naka simpleng plain V-neck shirt lang siya at pantalon. Bakat na bakat ang malaking dibdib niya at halos mapunit na ang sleeves ng shirt niya dahil sa malaking braso niya.
"Hindi pa ngayon, masyado pang maaga." Kalmadong sabi niya. Nanlaki ang mata ko at napatigil sa paglalakad. Well, dahil na rin ay muntik akong bumangga sa nagba-bike sa harap ko, buti naka preno agad siya. Narinig ko ang hagalpak ng kapatid ko at hinila ako. Siya na mismo ang humingi ng tawad sa nagba-bike. Tss.
"Hoy, may balak ka bang magpakamatay?!" Pahabol nung nagba-bike na may ka-edaran na nang maka-recover sa pagkagulat. Nagkatinginan kami ni Chiv at tumawa.
"Wala po!" Sigaw ko pabalik kahit wala na 'yong nagba-bike. Tumawa ulit kami ni Chiv. Nang kumalma na kami ay ibinuhol ko ang braso ko sa braso niya. Hindi naman kasi ako mamatay sa bike.
"So, may pag-asa si Miles sa'yo?" Tanong ko at tiningala siya. Magkasing-taon lang naman kami, bakit mas matangkad siya? Likas na talaga sa lalaki 'yon. Ngumuso siya at hindi sumagot. Napangiti na lang ako at maya-maya ay nagkibit balikat siya.
"I'm not sure," Nanlaki na naman ang mata ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako kapag nagka-girlfriend 'tong kapatid ko. Baka mabawasan ang kasweet-an niya sa'kin. Hindi ko rin naman siya ipagdaramot.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
عاطفيةI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...