Chapter Ten

23 0 0
                                    

TEN

Ilang araw lang makalipas ng birthday ni Ars ay Valentine's day na. Naging maayos kaming lahat, mas naging close kami nina Ace matapos ang birthday ni Ars.

Actually, we use to celebrate this day with my family. Rather, kami ni Chiv at si Mama at Papa ang magkasama.

Pero may pasok ngayon kaya... Para akong namili ng chocolates at bulaklak sa supermarket. Hindi naman sa sobrang ganda ko, I think this is just usual lalo na kapag marami kang kaibigan.

"Ehem," Napa-lingon ako sa nagpeke ng ubo. Nililibot ko kasi ang cafeteria na'min na puro naglalandian-- I mean puro sweet ang mga students. "Chocolates? Gawa ko 'yan, tikman mo na!" Agad na sabi ni Ars pagka-lingon ko sa kanya. Tumawa ako at kinuha ang nilahad niyang chocolate.

"Amoy masarap, ah?" Komento ko at binuksan ang chocolate. Eh, pamilyar 'yong amoy?

"Anong amoy? Masarap talaga 'yan!" Singhal niya at na-upo sa harap ko. Kami pa lang ang nandito ni Arsen. Hindi ko alam kung sasabay si Ace at si Chiv.

"Hmm, talaga ba? Sa bahay ko na lang titikman," Pagbiro ko at aktong isasara na 'yong hugis pusong takip ng lalagyan. Nakakatawa talaga itong si Arsen.

"Hoy, hoy! Dito mo na tikman kasi," Aniya at kumuha na ng isang piraso. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero hinawakan niya ang panga ko at hinulog doon ang chocolate na gawa niya. Nahirapan pa ako sa pagnguya dahil sa kakatawa.

"Bastos ka!" Biro ko at tumawa.

"So, ano?" Aniya at pumalumbaba. Natawa ako.

"Binibiro mo ata ako, eh! Lasang hershey's 'to, baka tinunaw mo lang?" Sabi ko at tumawa. Totoo naman lasang hershey's. Napatayo siya at tinuro ako. Cute nitong baklang 'to.

"Hoy, hindi, ah! Hershey's kasi 'yong ginamit kong panggawa kaya gano'n! Akin na nga 'yan, dapat nga sa crush ko 'yan, eh!" Inis na sabi niya at inagaw 'yong chocolate na binigay niya sa'kin. Humagalpak ako at kinuha sa kamay niya 'to.

"Joke lang! Ito naman! Porke't nakahanap ka lang ng gwapo, ganyan ka na!" Reklamo ko sa kanya.  Agad naman siyang naupo at ngumuso.

"Oo nga, eh. Sayang rin nakakahiya kasing magbigay ng chocolate sa lalaki," Aniya at nagkamot ng ulo. Humagalpak ako ng tawa. "Tseh, 'wag ka ngang tumawa dyan. Ikaw? Ready ka na ba?" Tanong niya. Tumango lang ako.

"Text ko na?" Tanong ko kay Ars at kinuha ang phone ko sa bulsa ng blouse. Pagtingin ko sa kanya ay may kung ano sa mata niya 'di ko mapagtanto. Tinanguan niya ako.

"Chivalry might get mad at you. Lalaki ang gumagawa ng unang step, East." Seryosong sambit niya. Ibinaba ko ang phone ko at ngumuso.

"Hindi rin, saka... Paminsan maganda na ring ako ang mag-effort? Wala naman kasi 'yon kung sino ang mauuna, at kung sino ang kumikilos. Sa nararamdaman 'yon 'di ba?" Pagpapaliwanag ko. Yumuko siya.

"Oo, pero sigurado ka na ba dyan?" Tanong niya. Tumango ako kahit hindi niya kita dahil naka-yuko siya. Tinext ko na lang si Ace na pumunta sa auditorium, madalas kasing walang tao do'n.

"Tara na?" Anyaya ko kay Ars at kumuha pa ng chocolate niya. Tumango siya at tumayo na, kinuha niya ang mga bitbit ko at inunahan niya pa ako sa paglalakad pero hinabol ko siya. "Alam mo, ayaw kong kainin ang chocolate mo." Utas ko at tinignan ang magandang langit. Nakiki-sama yata ang weather ngayon? Pagtingin ko kay Ars ay matalim na ang titig niya sa'kin. I chuckled.

"Bakit naman? Kasi 'di masarap?" Tanong niya. Sumimangot ako.

"Hindi! Masarap kaya, ayoko lang ubusin kasi gusto kong tumatak sa alaala ko na bigay mo ito." Pagpapaliwanag ko at nginitian siya. Mahilig kasi ako magbigay halaga sa maliliit na bagay. Iyon naman kasi talaga ang dapat, hindi ba?

"Asuuuus! Kahit araw-araw pa kitang bigyan niyan, ano?" Naka-ngiting sambit niya. Umirap ako.

"Wag na 'no! Okay na sa'kin 'to." Sabi ko at lumapit sa kanya. Bigla namang nawala 'yong ngiti niya. Hala?

"Damsel..." Aniya na nakapagpa-tigil sa'kin sa paglalakad. Tinitigan ko siya.

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya na parang ikina-bagsak ng sistema ko. Umiling siya.

"Sana maging maayos kayo ni Ace, kasi kung hindi, hindi ko alam ang maaari kong magawa sa kanya," Seryosong sabi niya. Konti na lang maniniwala na akong straight siya. Pero ano nga ba ang maaaring mangyari ngayon? Hindi ko napag-isipan 'yon sa sobrang excited ko.

"W-wag kang mag-alala," Sagot ko kahit na ako mismo ay nag-aalala para sa sarili ko. Tahimik kaming pumunta sa auditorium. Sakto namang wala pa si Ace. Pinapatay ko lahat ng ilaw dito. Sobrang dilim at nangangalay na rin akong hawakan itong cake. Simple lang naman ito, walang disenyo 'yong paligid. Nagustuhan ko lang dito kasi kami lang ang tao. Nangangatog ang mga binti ko sa kaba. Lalo pa nang narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko.

"Sel?" Pag-ulit niya. Anong nangyati kay Arsen? Dapat ay bubukas ang mga ilaw dito sa stage! Maya-maya ay bumukas na nga ito at naka-hinga ako ng maluwag. Akala ko kasi iniwan na ako ni Ars. Nagulat si Ace nang makita akong may hawak na cake. Tumakbo siya palapit sa'kin at nang makatapak na sa stage ay bumagal ang hakbang niya. Nangi-nginig na ako sa kaba.

"H-happy Valentine's day!" I failed. Hindi naging masigla ang tono ng boses ko. Nakita ko ang hawak niyang mga bulaklak. Ayoko mag-assume pero...

"A-ano ito?" Tanong niya. Napa-iwas ako ng tingin.

"Ah, ano kasi. Ace..." Kinakabahan ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko na alam. Bahala na. "I like you," Utas ko at yumuko. Nagulat siya at nalaglag ang bulaklak na dala.

"S-sel," Aniya at unti-knting umatras. Tumulo ang luha ko. Ayaw niya sa'kin? Hindi naman ako nag-eexpect ng kapalit, eh.

"A-ano... Kasi..." Wala akong masabi.

"I'm sorry," Nalaglag ko ang cake na hawak ko nang marinig iyon mula sa bibig niya. "Sel, I don't want to hurt you pero... H-hindi kasi kita gusto. S-sana maging magkaibigan pa rin tayo," Hindi na ako maka-kita. My eyes were clouded by tears. Yumuko ako para itago ang mga luha ko. Pero agad rin akong napa-angat ng tingin nang may narinig akong malakas na kalabog. Nagulat ako nang makita kong naka-handusay si Ace sa sahig ng auditorium at si Ars na nangi-nginig ang kamay sa galit.

"G*go!" Singhal ni Ars kay Ace. Gulat pa rin si Ace at pinunasan ang dugo sa labi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero imbes na pigilan ko sila ay napatakbo ako palabas ng auditorium.

Chiv... I'm Sorry.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon