Chapter Twenty Eight

7 0 0
                                    

TWENTY EIGHT

"Wow! Ang galing naman ng apo ko," Wika ni Lolo nang salubungin nila ako sa backstage. Inabutan niya ako ng bouquet of white and pink roses. Inamoy ko ito at napangiti. I have to take care of this.

"Thank you po, kung hindi dahil sa inyo hindi ko po ito masusubukan." Sabi ko at ngumiti.

"I don't like the idea of you modeling. A lot of boys are talking about you," Komento ni Chiv. I frowned.

"Well, dapat masanay ka na sa gano'n." Utas ni Lola. Na agad namang sinangayunan ni Mama.

"Maganda kasi ang kapatid mo, at ikaw rin naman gwapo." Sambit ni Mama at hinimas ang balikat ni Chiv. Nagtawanan kami sa sinabi ni Mama.

"Ano? Let's celebrate?" Anyaya ni Lolo. "Nagpareserve kami sa favorite restaurant namin dito para sa inyong dalawa," Ani Lolo.

"Let's go," Sambit ni Lola at naunang naglakad. Nalulungkot pa rin ako pero hindi ko ito ipinahalata.

Sa mga natitirang araw na'min ay nanatili na sila dito kaya pinalipas na'min ito sa pamamasyal sa iba pang mga lugar dito sa Paris. Habang nag-iikot rin kami ay nakakita kami ng free trial sa pagbi-bake ng french cuisines kaya sinubukan ko ito. Huminto muna ako sa pag-aaral ng modeling at harp, ngunit ipagpapatuloy ko ang pag-aaral nito sa London.

Nang maka-uwi na kami sa London ay imbes na manumbalik ang maluwag kong schedule ay mas lalo pa ata itong nahapit. Si Lola ay dinagdagan ang level ng modeling ko. Samantalang pinagpatuloy rin naman niya ang pag-aaral ko ng harp at baking. Kasabay rin nito ang pag-gym ko araw-araw. Kaya naman halos doon na naka-tuon ang atensyon ko.

Ngayon ay nagbake ako ng healthy cupcakes para kina Lola. Nilagay ko ito sa maganda at nilagyan kong disenyong plato. "Salamat, Hailey, Elisse." Sambit ko marahil ay sila ang tumulong sa'kin sa paghanda nito. Tinanguan lamang nila ako at nagsimula na akong maglakad papunta kila Lola sa sala dala-dala ang tray.

"Meryenda po," Masiglang sabi ko at inilapag ang cupcakes at carrot shake, "Wag po kayong mag-alala. Hindi po nakakasama sa inyo ang cupcake kasi 'yong mismong bread po niyan ay ginawa ko mula sa barley grass which is anti-oxidant po, hinaluan ko rin po ng almonds at ang icing po niyan ay gawa sa malunggay." Pagpapa-liwanag ko.

"Aba! Napakagaling talaga ng apo ko, I'm so proud of you." Masiglang sabi ni Lolo.

"That's still a cupcake, it's not good for our health." Ani Lola na hindi man lamang lumingon sa'kin.

"Sige po, Lolo, Lola. I'll go upstairs para bigyan rin po sina Mama," Sabi ko at umalis na. Narinig ko pa ang pagtatalo nila na sabi ni Lolo ay hindi dapat sinabi ni Lola 'yon. Mas lalo lamang akong nalungkot.

"Kumusta?" Tanong ni Hailey pagbalik ko.

"Okay lang, ibibigay ko na ito kila Chiv." Sagot ko at ngumiti. Agad akong umalis at narinig ang bulungan ng dalawa na nagtatalo kung dapat ba akong lapitan. I sighed. Inuna ko ng puntahan si Chiv dahil para sabay kaming pumunta kila Papa. Kumatok ako sa kwarto na agad rin naman niyang binuksan.

"I've been waiting for you," Sambit niya at sumimangot. Kinuha niya ang tray sa kamay ko at saba kaming naglakad papunta sa kwarto nina Mama. "This smells delicious," Komento niya. Blueberry cheese ang flavor ng kanya at ang kila Mama naman ay gaya ng kila Lola.

"I think it tastes delicious too, mukhang hindi nga lang nagustuhan ni Lola." Malungkot kong sabi. Kumatok ako sa kwarto nina Mama at binuksan ko na rin ang pinto.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon