Epilogue

23 0 0
                                    

I closed the diary I wrote decades ago in order to stop my tears from falling. Hinawakan ko ang cover nito at pinagmasdan.

"Mom!" Agad kong itinago ang notebook at pinalis ang luha ko. Tumakbo sa'kin palapit ang isang batang limang taong gulang, sa likod nito ay isang mas batang babae, tatlong taon. My children. They hugged me and played with everything they can see.

"Daddy!" Tawag ni Moon nang makita ang kanyang ama. She's learning how to speak. Nainggit naman ang anak na'ming si Sun kaya agad na lumapit sa'kin at niyakap rin ako. I laughed.

"Woah, lumalaki ka na talaga." Bulong ko kay Sun. Hinimas nito ang mukha ko at hinalikan ako sa pisngi. I chuckled. Paglingon ko sa'king asawa ay pinapanood ako nitong nakangiti. I smiled back.

"We're going to leave," Utas nito. Agad na napalingon ang dalawang bata.

"Are we going to play?" Sabay na tanong nito. Dahan-dahang tumango ito at tumawa. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako mula sa likod.

"I'll wash Sun, ikaw na bahala kay Moon." Bulong nito sa'king tenga. Para akong nakikiliti. Nilingon ko siya at nginitian.

"Sure," Sagot ko.

"Kiss!" Nako, mga bata pa, eh. Kung anu-ano na natututunan! Lumapit sa'min si Moon at hinalikan ako sa labi, saka humalik sa kanyang ama. Nagkatinginan kami at natawa. Pumalakpak lamang ang aming anak. Lumingon ako sa'king asawa, I gave him a quick peck on his lips.

"Let's go?" Tanong ko. Tumango lamang ito. Tumayo na kami at binuhat ko na si Moon nang may nakita si Sun.

"Who is this man?" Tanong niya nang makita ang nakahilerang picture. My heart thumped. Ngumiti ang katabi ko.

"You'll know soon," Sambit nito at binuhat si Sun. He groaned nang nahirapan na itong buhatin. "Bumibigat ka na!" He exclaimed. Tumawa lamang ang anak na'min kaya lumabas na kami sa kwartong ito at pumasok na sa kwarto na'min. Sabay kaming naligo ni Moon dahil inasikaso ko rin siya. When we are both done bathing, naupo naman kami sa harap ng tukador at nagblower.

"Can you tie my hair?" Aniya. I chuckled.

"No, honey. That looks good on you," Sambit ko at hinawakan ang baba niya para makita ang buong mukha na kasama ang kanyang buhok na nakalugay.

"Oh? Okay!" Wika nito at ngumiti. I smiled, too. Nakagagaan talaga sa pakiramdam na may bata kang kasama. Pareho ang damit na sinuot na'min ni Moon. We are both wearing dress with also the same shoes.

"We look pretty! Daddy will fall for you so... So... Deep!" Natawa ako sa narinig at tinapatan siya.

"You're also pretty! Like me, that's why Daddy loves you too." Sambit ko at nilapat ang ilong ko sa ilong niya.

"I know, thank you." Sagot nito at nagcourtesy pa. I took her hand at sabay na lumabas sa kwarto. Agad na bumungad sa'min ang dalawang lalaki na pareho ang suot at parehong naka-shades habang nakasandal sa railings. Natawa ako sa kanila. Naglahad agad ang dalawa ng kamay kaya naman nilapat ko ang kamay ko sa kamay ng asawa ko. Reminds me of my wedding day. Napalunok ako at muling ngumiti.

"Ew," Komento ni Moon nang tanggapin ang kamay ng kanyang kapatid na si Sun. Agad namang pumulupot ang isang kamay nito sa bewang ng kapatid, gaya ng kamay ng kanyang ama sa aking bewang.

"Where are we going?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa kotse na'min na nakaparada na sa harap ng pinto.

"You'll see," Utas nito at ngumiti. Bago kami sumakay ay inalalayan muna na'min ang mga anak na'min at nilagyan ng seatbelt. Saka ako sumakay sa front seat, at siya naman sa driver's seat.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon