Chapter Fourty One

8 0 0
                                    

FOURTY ONE

Kinabukasan ay ang flight na'min. Madaling araw ang alis ngunit nakahabol ng ticket si Ars kaya kasama siya ngayon ng pamilya na'min. Lola was so happy tho. North want to sit beside me kaya nagkaroon pa ng konting gulo bago kami makaupo lahat. Lola wants Ars to sit beside me, pero dahil gusto ni Chiv at ayos lang naman kay Ars, iba ang nakatabi ni Ars.

"Are you hungry?" Bulong sa'kin ng kambal ko. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Umiling-iling ako.

"I'm sleepy," Utas ko. Napalingon ito sa'kin at hinagod ang buhok ko.

"Sleep now, then." Aniya at umayos pa ng upo para makumportable ako. Patuloy siya sa paghagod ng buhok ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

"I know you are all hungry, sa mansion ay nagpahanda ako ng mga pagkain. Doon ka na rin manatili, Ars. You don't have to check in on nearest hotel." Wika ni Lola habang naglalakad kami sa airport. We just landed at kagigising ko lang din at ngayo'y puro paliwanag na si Lola.

"I might be a bothersome, it would be better if maghotel na lang ako, Lola." Sambit naman ni Ars.

"Oh, no, hijo. Sa mansion ka na, no buts!" Napataas na lamang ang kilay ko sa narinig. Nang dumating ang sundo na'min ay agad akong inalalayan ni Chiv papasok sa loob ng van. This time, pinagigitnaan na nila ako ni Ars.

"Is this your first time here, hijo?" Tanong naman ni Lolo. Bahagyang ngumiti si Ars.

"No, I went here before to look for Sel." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya at napangiti naman ang mga kasama namin. Alam naman nila na matagal na kaming magkakilala.

"Really, hijo?" Masiglang tanong ni Lola. "Tell me, are you in love with Easel?" Diretsahang tanong nito kaya lahat kami'y napatingin sa kanya na ngayo'y nakatingin sa singsing sa aking daliri. Napalunok na lamang ako.

"Ma!" Suway ni Papa at agad naman itong natawa.

"Nevermind, you don't have to answer." Ani nito at bumaling kay Papa. "I know you're going to ask that question, too. Sooner or later, kaya inunahan na kita." Lahat kami'y napasinghap. Tunikhim ang katabi ko at ngumiting muli.

"Lola, you don't have to ask what's obvious already." Sagot nito na may malokong ngiti. Tumaas ang kilay ni North at natigilan ang mga magulang ko. Tumawa naman si Lola at napailing naman si Lolo. "Ngayong nandito naman na po tayo at sama-sama. Gusto ko po sanang humingi ng pahintulot mula sa inyo," Marahan kong kinurot ang balikat ni Arsen ngunit ngumiti lamang ito at hinawakan ang kamay ko.

"Well, we'll talk about that later. I have a big announcement," Ani Lola at ngumisi.

Nakarating kami sa mansion at agad na ipinaubaya ang mga bagahe sa kasambahay at dumiretso sa dining area. Marami ang nakahanda doon. Kahit nagbalik lamang kami.

"Lola, what are these for?" Tanong ni Chiv at naupo. Sinalinan kami ng mga kasambahay ng wine. Ngumisi si Lola.

"You'll know later, apo." Nakangiting sagot nito. "For the meanwhile, kumain muna tayo." Kumain na kami at nag-usap usap. Hindi ako gaano mapakali dahil lagay ng lagay ng pagkain sina Papa at Ars sa plato ko. If Lolo was only near me, I bet, maglalagay rin ito. Ngunit dahil magkalayo kami ay nakiki-suyo na lamang ito na lagyan ang pinggan ko ng pagkain.

"Uhm, I think this is okay." Sabi ko at isa-isang tinanguan si Mama, Papa, Chiv at Ars. Ngunit agad rin namang naagaw ang atensyon nang may nagsalita.

"Oh, sorry! We are late," Ani Tiffany kasama si Stanley at si Miles.

"You've got that attitude from Easel?" Utas ni Lola at lahat sila'y natawa liban sa'king sumimangot.

"Well, yes. I think so. Lola, I'm together with Stanley and Miles." Pagpapakilala nito at ngumiti kay Chiv nang banggitin ang nahuli. Lumapit ang dalawa kina Lolo at Lola, pati na rin kay Mama at Papa para magbigay galang at bumati.

"Take a seat," Ani Lola kaya naman naupo na ang mga ito at nag-umpisang kumain. Hindi ko inaasahan na nandito pala sila Tiffany kaya naman nagkamustahan kami at panay ngisi naman ito sa'kin.

"Dito ba kayo maninirahan?" Tanong ni Papa kina Miles na si Tiffany naman ang sumagot.

"I wish so," Utas nito.

"That would be great, Easel won't feel lonely in that way." Sambit ni Lolo. Tumikhim si Lola.

"Arsen, hijo... Gaano katagal ka ng may gusto kay Easel?" Nabilaukan ako sa narinig at natigilan naman ang lahat. On the other hand, Arsen seems to be cool with it.

"Back when we were higschool, Lola." Preskong sagot nito. Pakiramdam ko ay inakyatan na ako ng dugo. Tumingin sa'kin si Lola at pinagtaasan ako ng kilay.

"You didn't acknowledge him?" Tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko ngunit si Ars na ang sumagot.

"Ah, no. Actually, I pretended to be gay para hindi niya mahalata..." Nahihiyang sambit nito. Nagtawanan ang lahat.

"That's what love can do, huh?" Sambit ni Mama at nginitian si Papa. Oh, please. Napunta ang lahat ng atennsyon kay Lola nang nagtap ito ng fork sa wine glass.

"Listen, everybody." Pormal na wika nito. "I invited Tiffany and some of your colleagues here for some very important reason. However, I guess, there's no need for us to do this." Naka-ngiting sambit nito. Ngunit Iki-nagulat ko ang sumunod na sinabi nito, "Easel, my charming granddaughter, is actually bound to marry a very noble man, Arsen. But!" Pagpigil nito sa'kin nang makitang aalma ako. Matamis itong ngumiti. "Her parents actually disagree with this, although, I guess there's no need to push this one... because everything will fall into place," Ani nito at humina ang boses sa huling pangungusap. "Mind to share us about your ring," Nakangiting utas nito sa'kin. I pursed my lips before I spoke.

"Arsen... Proposed to me yesternight. Uhm, I still haven't give him answer, yet. But he is willing to wait," Natahimik ang lahat, tila ba may hinihintay pa mula sa'kin. "Well, I'm... I'm starting to feel something special for him. And I don't want to hurry so... Hindi pa ako sumasagot." Wika ko at pinaglaruan ang singsing. Sandaling natahimik ang lahat bago nag-ingayan at nagtawanan. Some tapped their glass using fork, sina Tifanny ay nakipag high five while my parents only laughed on what I've said.

"Very wise, apo." Komento ni Lolo. Ngumiti na lamang ako.

"How about you, Orly?" Natahimik ang lahat sa tanong ni Lola. Especially, Miles na tila nawalan ng dugo sa pamumutla. "Your girlfriend is here," Napayuko si Miles. North only smirked.

"Pinapangunahan mo naman ako, Lola." Sambit nito at tumayo. Naglakad ito palapit kay Miles at lumuhod. Lahat kami ay napasinghap, maski si Miles ay nandilat ang mga mata. "Uh, where is the ring..." Bulong ng kambal ko habang may kinakalikot sa bulsa. Napangiwi ako ngunit maloko itong tumawa. "Kidding, will you marry me?" Ani nito ay nilahad ang isang singsing na nasa maliit na box. Pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko! Nagtakip ng mukha si Miles sa sobrang gulat. "Of course, you will." Utas nito at kinuha ang isang palad ni Miles at kusang sinuot ang singsing doon. Nagtawanan ang dala dahilan upang matawa rin kami. They hugged each other at halos maluha naman ang parents na'min.

"They've grown so fast," Naiiyak na sambit ni Mama. Arsen fished for my hand at pinagsiklop ito. Pinaglaruan niya ito kaya naman nakiliti ako. Naibaon ko ang ulo ko sa balikat ni Arsen dahilan upang mas lalong mapahagulgol si Mama.

"How about you, Tifanny?" Panimula muli ni Lola. Nagkatinginan sila ni Stanley at parehong sumimangot.

"Wala po!" Sagot ni Tifanny.

"Soon, after I settle everything." Sagot naman ni Stanley. Mas lalong umingay sa pasilyo. Arsen and I smiled with each other.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon