TWENTY THREE
"Why don't you look for a new hobby instead of idling?"
Pambungad ni Lola bago pa man ako bumati at humalik sa kanyang pisngi. Halos isang linggo na rin nang magkita kami. Well, hindi niya kami gano'n katanggap but still, she accepted us. I think ito lang 'yong sinasabi ni Papa na kailangan kuhain ang loob ni Lola.
"Good morning, La." Bati ko at humalik sa kanyang pisngi. Umupo ako sa hapag at kumuha ng tinapay. "Tingin ko tama po kayo, pero hindi ko po kasi alam ang mga lugar dito." Sagot ko. Naghihintay lamang kasi ako ng pasukan para sa kolehiyo. Which is one month pa at isang linggo na akong tumu-tunganga sa malaking kastilyo. Binitawan niya ang newspaper na hawak at bumaling sa'kin.
"Uutusan kong samahan ka ni Hailey. You can travel into different countries if you want," Aniya at bumalik sa pagbabasa. Agad na nanlaki ang mata.
"Isn't that too much?" Tanong ko. Muli siyang tumingin sa'kin at pinagtaasan ako ng kilay.
"Well, your body stopped doing work this week. Mas mainam kung mag-gym ka muna bago ka magtravel," Sambit niya at kinilatis ako. Napatingin ako sa aking katawan, hindi naman ako mataba. Pero I think tama si Lola at dapat kong pagandahin pa ang katawan ko.
"Sige po, Lola!" Masiglang sagot ko. "Pero pwede niyo po ba akong samahan tuwing aalis ako?" Tanong ko.
"You should buy new clothes too," Wika niya at hindi pinansin ang tanong ko. She's really perfectionist. Gusto niya ay maayos ang lahat base sa kagustuhan niya. Pero maya-maya din ay nagsalita, "Matanda na ako, Easel." That's how she wanted to call me. Sila Mama at Papa ay gumagaya paminsan.
"Maybe we can shop together?" Sambit ko at ngumiti ng malaki. Nagpakawala ng buntong hininga si Lola.
"I don't think I can make it," Sagot niya. Sumimangot ako. "Nasaan nga po pala sina Mama? Si North?" Tanong ko.
"Maagang umalis ang parents mo para sa pag-aaral sa business. Sumama ang kapatid mo tutal doon ang interest niya. Ikaw, what's yours?" Aniya. Matagal na sila Lola dito sa London pero bihasa pa rin sila sa pagtatagalog.
"Gusto ko po maging doctor," Sagot ko which is totoo naman.
"Doktora pala ang gusto mo? Tamang-tama pala sa business na'min," Napa-lingon ako kay Lolo. Agad kong ibinaba ang kinakain kong bread at nagmano saka humalik sa kanyang pisngi. Inalalayan ko siya papuntang hapag kahit malakas pa naman ito. "Talagang namana ka sa amin," Dagdag pa biya at bahagyang natawa. Hospital kasi ang pagmamay-ari nila Lolo. Sinuklian ko na lamang ito ng ngiti dahil aaminin ko, hindi pa ako gano'n ka kumportable rito.
Sa isang linggo ko dito, kalahati ng araw ay pagmu-mukmok. Hindi ko na lamang ipinahalata ito sa parents ko at kina Lolo dahil ayokong mag-alala sila. Gusto kong humanap ng paraan upang ma-contact sila Ars. Subalit nawawala 'yong sling bag ko. Nandoon lahat ng mga personal na gamit ko, pati na ang phone ko. Hindi ko ugaling magkabisado ng numero at passwords dahil lagi namang naka-bukas ang accounts ko sa phone ko at madalang ko rin naman itong gamitin. Sinubukan kong gumawa ng bagong account ngunit nang makita ito ni Lola ay pinagbawalan niya ako, sapagkat ang atensyon ko daw dapat ay sa career at sariling buhay ko, gano'n na rin ang nangyari kay Chiv. Ang mga telepono naman dito ay hindi na naka-lalabas ng bansa kung kaya't hindi rin ako maka-tawag. Hindi ako nagkaroon ng chance na kausapin ang mga kaibigan ko sa Pilipinas. At gusto naman ni Lola na putulin ang koneksyon doon ng tuluyan.
"Anong gagawin mo pagkatapos mong kumain, Hija?" Tanong ni Lolo. Bago pa man ako sumagot ay naunahan na ako ni Lola.
"We'll go to mall to buy some new clothes," Sagot ni Lola na ikinagulat ko. Pumayag siyang sama kami!
"Sasama ka po, Lola?" Masiglang tanong ko.
"Oh, I'm afraid you might choose the wrong clothes." Sagot niya. Ngunit kahit ano pa mang sabihin niya ay masaya pa rin ako. Tingin ko tama si Lola, ipagpaliban ko muna ang naiwan ko dahil wala naman akong ibang paraan, at gusto ko ring maka-bawi sa mga oras na wala sina Lolo't Lola sa buhay ko. Kaya hanggang maaari, sisikapin ko munang makuha ang tiwala nila. Saka ako maghahanap ng paraan para kausapin si Arsen at iba pang kaibigan. Dahil kung iisipin ko lamang ito ay mas lalo akong malulungkot. Si Chiv ay nakapagpaalam na sa mga kaibigan niya. Only that he forgot to tell them kung saang bansa kami. Hindi ko lamang alam kung nagkakausap pa sila since Lola confiscated our gadgets.
"Tamang-tama at susunod ako sa sa mag-ama para bantayan sila," Ani Lolo. Pagkatapos na'min mag-usap at kumain ay naligo na agad ako para maka-alis na kami dahil sa gym ako pupunta mamayang hapon.
Dumiretso na kami ni Lola sa mall. Sinuot ko 'yong damit na ibinigay ni Stef sa'kin dati para hindi na magreklamo si Lola. Pumunta kami sa favorite na boutique ni Lola. Namimili siya at iniaabot sa saleslady lahat ng magustuhan. Habang ako ay tumitingin-tingin din.
"I like this one too, and also this." Sambit ni lola at ipinatong sa saleslady ang dalawang dress na kinuha na saktong natabunan na ang mukha ng saleslady. I gasp.
"Grandma, I think that's enough." Pag-awat ko.
"Oh, you think so? Now, hurry and try all those!" Singhal niya. Agad akong pumunta sa fitting room at sinukat ang mga damit na pinili niya. Bawat damit ay lumalabas ako para ipakita kay Lola. May dalawang racks sa magkabilang gilid ni Lola, one for rejected at isa para sa mga kukuhain namin.
Lumabas ako ng pagod sa fitting room at hinarap si Lola, "La, I get it, okay? You want me to wear elegant dresses but does it have to be showy?" Tanong ko at tinignan ang suot kong dress na backless at maikli.
"That's fashion, Easel." Sagot niya. "Now try all of these," Sambit niya at tinuro ang tatlong racks sa gilid. I gasp. This is tiring than working out!
Pagkatapos na'min bilhin 'yong buong boutique, I mean 'yong mga damit, ay naglakad-lakad kami sa labas. Grandma is still strong. Everytime na sinasabi niyang hindi na niya kaya ay kaartehan lamang. Habang naglalakad kami ay may nakapukaw ng atensyon ko. Humarap ako sa salamin ng boutique.
"This looks so wonderful," Bulong ko habang naka-tingin sa long gown.
"You like that?" Napa-lingon ako kay Lola. "May fashion taste ka rin pala," Dagdag pa niya. I chuckled.
"Hindi po, wala naman po akong pagsusuotan niyan." Komento ko at ngumiti.
"Oh, wait." Aniya at kinuha ang phone sa bag at saka lumayo ng konti. Ibinalik ko ang tingin sa gown habang nakikipag-usap si lola. I do like it pero totoong wala akong pagga-gamitan. Sayang lang ang pera ko. "C'mon, let's go." Tawag sa'kin ni Lola matapos niyang makipag-usap sa kabilang linya. Habang naglalakad kami ay ngingiti-ngiti ako.
"What's the matter with you?" Tanong ni Lola sa'kin.
"Salamat sa pagsama, La." Sabi ko at ngumiti.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
Storie d'amoreI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...