Chapter Thirty Four

10 0 0
                                    

THIRTY FOUR

Pagka-uwi sa mansyon ay si Arsen na ang nagkwento kina Mama. Siya na rin ang nagpaalam sa'kin sa balak ng mga kaklase na'min.

"It's good to know that you're heading out with your friends, Easel." Taas-noong sambit ni Lola.

"Masyado ka kasing tutok sa pag-aaral noon, maigi na lamang at bumalik tayo dito." Komento naman ni Lolo. Panandalian. Nakalimutan ko pang banggitin ito kay Arsen at hahanap pa ako ng tiempo.

Opisyal na akong doctor ngayon. Ngunit pansamantalang tumigil muna dahil una, ang trabaho ko ay nasa ibang bansa. Hindi ako pumasok sa sariling hospital namin. Katwiran ko'y gusto kong maghirap muna sa mga sarili kong paa. Sabi ko'y paghihirapan ko ang lahat ng makukuha ko hanggang sa kumportable at kontento na ako para mag lie-low.

True enough, nakahanap ako ng sarili kong trabaho sa isang public hospital sa London. Medyo mahirap dahil talagang nasubok ang kakayahan ko do'n ngunit masasabi ko namang 'yon ang nagdala sa'kin ngayon sa kinalalagyan ko. Kasisimula ko lang ngunit marami na akong narasan. Masasabi kong time cannot and really won't measure anything.

Thankful rin ako at masaya noong nalaman kong nailigtas ko si Lola. Hindi ko inaasahan 'yon. She was my first. Dahil doon ay nagkaroon pa ako ng medal ko at madali akong nakahanap ng trabaho. Nakasubok muli ako ng gano'n, at kahit pang-ilan ko pang gawin ang operasyon ay nagkakaroon ako ng parehong pakiramdam. I am not sure if I'm nervous or excited because this was just a dream before. This was just a cloud floating in air until I finally reached it.

Dumating ang araw na itinakda nila para sa Cebu. Minadali nila 'yon dahil lahat sila ay excited. Sa lahat ng nakakuha ng number ko, si Ace at si Lizzy lamang ang madalas kong nakakausap. I am glad though. I find Lizzy as a good friend. Maliit lamang siyang babae, kung saan bumagay ang mga pormahan niyang high-waisted shorts and skirts na mas lalong pinagmukha siyang bata. Her hair is always tied in pony tail at may bangs. Dyed rin ito sa kulay na honeycomb. While mine is natural shiny black and wavy. Ang buhok niya ay katamtaman lamang ang haba. Samantalang ang akin ay dumadampi na sa aking balakang. I would lie kung sasabihin kong hindi attractive si Lizzy. I think madali lamang siyang magustuhan.

"Are you hungry?" Tanong ni Arsen sa aking tabi. Nakasakay kami ngayon sa eroplano at naka-ilang gising na si Ars ngunit ako'y nananatiling dilat ang mata. Hindi lang talaga ako makaramdam ng antok sa kakatitig sa mga langit. Palagi akong nagtataka kung ano ang pakiramdam na maging isa sa kanila at panuorin ang buong nangyayari sa ibaba. But I know that question will never receive an answer kahit magmaktol pa ako.

"I just ate. Ikaw siguro ang gutom na," Sagot ko at hinalungkat ang pastry na gawa ko sa sling bag ko. I handed it to him at agad naman niya itong tinaggap.

"Woah, thanks. You made this?" Tanong niya. Tumangu-tango ako. "Masarap, nagtataka pa rin ako kung bakit hindi ka naging chef." I frowned.

"Siguro ay dahil may iba akong gusto," Sa sagot ko ay agad siyang nabilaukan. Agad kong kinuha ang tubig sa tabi ko at inabot sa kanya.

"What do you mean?" Tanong niya matapos uminom. Agad na nandilat ang mga mata ko nang napagtanto ang kanyang naiisip.

"Hindi 'yon ang ibigsabihin ko! I'm sorry, I mean iba ang pangarap ko." Paglilinaw ko. Tumaas ang isa niyang kilay habang nakatitig sa mga mata ko. I find it awkward marahil pakiramdam ko ay nakikita niya ang lahat sa mga mata ko.

"So... Does it mean na gusto mo ako?" Tanong niya at ngumuso. I gasp at agad na umiling. Nakita ko ang lungkot sa mukha niya, sa mga mata niya.

"Uhm, I don't mean that. Medyo nakalilito lang ang mga tanong mo," Paliwanag kong muli. Tumangu-tango siya at 'yon na ang huli naming pag-uusap sa eroplano. Pakiramdam ko tuloy ay naguilty ako sa mga sinabi ko.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon