TWENTY FOUR
Pinalipas ko ang oras ko sa pag-gym. Hindi ko alam na sobra pa lang nakakapagod 'yon at nilagnat pa ako noong unang beses. Pero hindi rin nagtagal ay nasanay rin ako dahil may instructor naman ako.
"Break!" Sambit ng instructor ko. Agad naman akong pumunta sa locker para magpunas ng pawis ko.
"Easel, your grandma called awhile ago. She said you'll have flight at five," Ani ng tiga-bantay kong si Elisse. Nagtaka ako.
"Flight?" Tanong kong muli.
"Yup, France, Paris. She said it would be better if you will have another entertainment other than working out," Pag-explain niya. I sighed. Si Lola talaga. Although nasabi na niya noong nakaraan ito.
"Alright, I'll be done at an hour." Sagot ko at bumalik sa pwesto. Sinulit ko na ang oras ko sa pag-gym. I must say, feeling ko mas lumakas pa ako. At naka-tulong rin kto sa pagdivert ko ng atensyon.
Tinupad ko ang sinabi ko, after an hour naka-ayos na ang mga gamit ko. Bumalik na kami sa kastilyo at nadatnan ko ang iilang maleta na naka-empake. Sinalubong ko si Lola at nagbigay galang.
"La? Bakit ang dami naman po ata nito?" Tanong ko.
"You'll be with Orly, of course. Go, and fix yourself! You should leave by three," Sambit ni Lola. Tumango ako at nag-umpisang maglakad ngunit tumigil rin at naglakad pabalik sa harap ni Lola.
"You won't come with us?" Tanong ko. She rolled her eyes at winagwag ang pamaypay niya.
"I'm busy," Sagot niya at inunahan ako sa pag-alis. I frowned. Pag-akyat ko sa kwarto ko ay naligo na ulit ako. I'm glad na kasama ko si Chiv. I missed him so much kahit nasa iisang bubong kami. It's just magkahiwalay na kami ng room dahil mala-laki na raw kami, katwiran ni Lola. Totoo naman kaya naiintinihan ko. It's just good that he didn't forget to always kiss me goodnight.
I wore simple faded pants and white long sleeves polo at white pumps. I feel so excited kasi sa Paris pa ako maghahanap ng gusto kong gawin. I feel like this would be so special. Dati pina-pangarap ko lang ang ganito. Bumaba ako sa mahabang stairs at naabutan si Chiv, parents at grandparents namin na nag-aabang.
"Goodness, always late." Bulong ni Lola. I chuckled. Kahit na mukhang ayaw niya sa'min, nakikita ko ang pag-aaruga niya.
"We have to go, Ma, Pa. Lola, Lolo." Paalam ni Chiv.
"Mag-iingat kayo," Sabi ni Lolo at niyakap ako. It's just he's really sweet.
"I will miss you all," Bulong ko kay Lolo and he chuckled.
"You will only be there for one week and three days. Don't be so overreacting," Ani Lola.
"Hindi mo po ba kami mamimiss?" Pagbiro ko. She rolled her eyes and I laughed. Lumipat naman ako kina Mama at Papa at nagbigay ng kiss sa cheeks nila.
"Take care, will you?" Sambit ni Papa. Tumango ako.
"Sige na, umalis na kayo at baka mahuli pa kayo." Ani Mama.
"Alis na po kami, ako na po bahala kay East." Wika ni Chiv at humalik kina Mama at kina Lolo. Kumaway naman ako sa kanila.
"Mag-iingat po kayo, ah? Kumain po ng tama! Lola, Lolo, take your meds at right time." Sabi ko na ikinatawa nila.
"Tunay ngang mgiging doktora ang apo ko," Sambit ni Lolo at tumawa. Nagpaalam ulit kami bago umalis.
"Are you excited?" Naka-ngiting tanong ni Chiv.

BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomanceI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...