SEVENTEEN
It is the last day of our school. Ibigsabihin, isang araw na lang bago kami makipagkita sa aming grandparents. We spent the rest of the week having fun, hindi lang bilang celebration kundi farewell na rin para sa mga kaklase na'ming lilipat. It feels so sad na mawalay sa mga taong kahit papaano, naging parte ng buhay ko. Ngunit wala naman akong magagawa. People come and go.
Nangibabaw ang ingay mula sa pagputok ng party pooper sa apat na sulok ng classroom na'min. Kahit ilang buwan lang kami maghihiwalay, pakiramdam na'min ay sobrang tagal na nito para ami'y matiis. Ang mga aalis at ang malapit sa aalis ay nag-iiyakan na, samantalang ang sabik sa bakasyon naman ay nagdiriwang. Habang ako, pinagmamasdan ko ang reaksyon ng bawat isa.
"Swimming?" Anyaya ni Ars.
"Oo, last day na 'to! Saka sa summer rin," Sagot naman ni Ace.
"Ang biglaan naman," Sabi ko at natawa.
"Bukas?" Naka-ngiting sabi ni Ars.
"Susubukan ko, pag hindi ako pwede kayo na lang." Sagot ko. Sumimangot naman siya.
"Ako na'ng bahala sa'yo! Ipapaalam kita kina tita, isasama na rin na'tin si Chiv." Masayang sambit ni Ars. Napa-iling na lang ako.
"Picture!" Sigaw ng isa na'ming kaklase. Lahat naman kami naglapitan at ngumiti. Nagbigayan rin kami ng regalo na pinaghandaan ko noong bumili rin ako ng regalo para kay Lola.
Matapos magusap-usap ay nagsayawan naman kami. Tila ako lumulutang habang sumasayaw. Hindi ko alam kung mangi-ngibabaw ba ang kasiyahan o ang kalungkutan sa nararamdaman ko ngayon. Bigla akong napatigil sa pagsayaw marahil sa aking naisip. Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong sumasayaw at nagkakasiyahan. It feels good to see them happy.
"Are you alright?" Tanong ng lalaki sa harapan ko. I knew that voice. I once loved that voice. Marahan akong tumango. "I'll miss you," Mahinang sambit niya ngunit mas malakas pa ang pagkakarinig ko rito kaysa sa kantang nagu-umapaw sa silid. 'Yung sayang nararamdaman ko ay tila napaso at naglaho at napalitan ng kirot at hapdi sa aking puso. I think this is my chance to move on. I'll grab the chance na hindi kami gaanong magkikita upang makalimot.
Ngumiti ako, "Ako rin," Sagot ko. Sa mundong sobrang labo, sa ngayon, siya lang ang tanging malinaw sa lahat. Sa ngayon. Dahil alam kong 'di rin magtatagal at lalabo ang imahe niya sa'kin at hindi na muling makikilala ng aking nararamdaman.
"Hindi ka naman siguro lilipat 'di ba?" Tanong ko.
"Hindi, ikaw ba?" Pagbalik tanong niya sa'kin. Umiling ako. "Good, then I'll still see you." Naramdaman ko ang pagbilis ng puso ko. Bakit ka ganyan? Tumango-tango ako.
"Excuse me," Sambit ko at tinalikuran siya. Lumabas ako sa classroom at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hininga.
"You still haven't moved on, aren't you?" Napa-lingon ako sa pinagmulan ng boses at nakitang muli ang kanina lang tinalikuran ko. "I'm sorry," So, it's true? Na tuwing huling araw mo aaminin ang lahat sa taong ginawan mo ng sala. But the case is different. It's my fault.
"No, I'm sorry. I promise, this will soon fade too. I mean, this is normal, right?" Ani ko at nagpeke ng tawa ngunit halata siguro ito. Hindi ko alam kung nangangarap lang ako o nakita ko sa mga mata niya ang matagal ko ng nararamdaman marahil ay saglit ko lang itong nakita.
"You look so beautiful," Sambit niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko na natiis kaya kumawala na sa aking dila ang matagal ko ng gustong sabihin.
"Look, I'm moving on. Can you just cooperate with me?" Diretsang sabi ko. "Goodbye, for a meanwhile." Sabi ko at tumalikod. 'Yon na ang huli na'ming pag-uusap sa party. Either nagkakatinginan o nagkakasalubong na lang kami. The rest of our time, nag-enjoy talaga kami.
Tuloy ang planong magswimming bukas at niyaya na rin nila ang section nila Chiv para siguradong makasama ako. Kahit hindi pa ako nakakapagpaalam ay sumangayon na rin ako marahil ay huling araw na rin naman na.
"Wow, ang dami mong regalo, Sel." Komento ni Ars sa mga regalong bitbit ko. "Tulungan na kita," Dagdag pa niya at kinuha lahat ng bitbit ko. Hindi na ako nag atubiling tumanggi marahil ay namumula na rin ang mga palad ko.
"Oo nga, hindi ko rin naman inaakala." Naka-ngiting sambit ko.
"Uwi ako sa inyo, ah?" Nakangising sambit niya. Tinaasan ko siya ng kilay at hinampas ang braso niya.
"Lagi mo namang ginagawa 'yan," Ani ko. Tuwing bakasyon kasi ay madalas siyang bumisita sa bahay.
"Eh, ang boring sa bahay. Saka mamimiss kita!" I rolled my eyes. Lagi-lagi ko na lang itong naririnig tuwing last day.
"Oo na, oo na! Wala ka namang gagawin sa bahay ngayon. Sa inyo na lang tayo," Naka-ngiting anyaya ko. Kilala naman kami ng magulang ng isa't isa kaya hindi problema ang pagbisita na'min sa isa't isa.
"Hmm.... Sige!" Pagpayag niya. Napangiti ako at pumalakpak. "Hatid muna na'tin 'to sa inyo, tapos ipagpaalam kita kina Mama then... Lakarin na'tin papuntang bahay!" Aniya. Napa-ngiti na lang ako ng tinawag na naman niyang 'mama' ang nanay ko.
"Sa inyo kaya ako matulog?" Tanong ko. Nanlaki ang pares ng kanyang mata.
"May balak ka bang maglayas?!" Napa-buntong hininga na lang ako sa mapaglaro niyang pag-iisip.
"Siguro, Oo. Tss," Sagot ko na ikinatawa naman niya. Ginawa na na'min ang plano na'min at agad rin naman na'ming napapayag sina Mama marahil ay kilala na naman nila si Ars. Diretso swimming na rin kami kinabukasan kaya nagdala na ako ng mga damit.
Kaya ngayon ay naka-upo kami sa sofa sa kanyang kwarto habang nanonood at kumakain ng snacks. Action movie ang hilig na'ming panoorin kaya ngayon ay halos wala ng humihinga sa'min sa sobrang tutok sa panonood. Nakaramdam ako ng pangangalay sa pagkaka-upo kaya humiga ako sa hita ni Ars. Wala naman itong problema o hadlang sa'ming dalawa marahil ay sobra kaming nalalapit sa isa't isa. Naramdaman ko naman ang mga daliri niyang sinusuklay ang buhok ko. It sent comfort into me. Lahat ng pagod ko ay biglaang kong naramdaman.
"Your hair is so soft," Biglang sambit ni Ars. May kakaiba sa kanyang boses na hindi ko mawari.
"Hmm, you want it?" Sagot ko at bahagyang tumawa.
"Pwede na... Pero mas gusto ko 'yung ganito." Sagot niya at kiniliti ang baywang ko. Sa sobrang kiliting naramdaman ko ay nahulog ako sa sofa na nasundan naman ni Ars. I love this. Ganito kami lagi dati. Sa hindi ko malamang dahilan, pakiramdam ko, matagal akong nalayo sa bestfriend ko kahit sobrang lapit lang na'min.
Nakapatong ang ulo ko sa braso ni Ars at pareho kaming nakahiga sa carpet. Humilig ako paharap sa kanya at nginitian siya. Sa lungkot at halu-halong emosyon kong naramdaman ay nakapagbigay bigat sa mga talukap ng aking mga mata.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomanceI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...