FOURTEEN
Uwian na na'min at hindi pa rin ako gaano mapakali kaya naman binibilisan ko ang pagliligpit ng gamit ko. Ngunit bago pa ako makatapos ay may humablot na nito at hinila ako patakbo.
"Ace! Saan mo dadalhin si Sel?!" Rinig kong sigaw ni Arsen. Narinig ko na rin ang mga yapak ng takbo nito. Sinubukan kong magpumiglas pero masyadong malakas si Ace. Ano ba'ng problema nito?!
"Ace, ano ba?! Saan mo ako dadalhin?! Bitiwan mo ako," Mariin kong sabi havang nagpupumiglas ngunit wala manlang itong epekto sa kanya at imbis na tigilan ako ay binuhat pa ako. Napatili na lang ako at nakaramdam ng konting hilo sa pagkabigla. Pinagsasapak ko ang likod ni Ace pero wala talagang epekto kaya itinigil ko na lang. Nakarating kami sa parking lot at saka ako ibinaba.
"Sorry," Sambit ko at sinampal siya. Hininaan ko naman, ng konti. Naiinis kasi ako. "Kung may kailangan ka, sabihin mo na lang sa'kin hindi 'yong bigla-bigla kang nanghihila! Ano ba'ng problema mo?" Hindi ako ganito. Never akong naging ganito. Siguro nag-iiba talaga ang tao base sa mga nararanasan nila.
"I'm sorry, pero mamaya ko na ipapaliwanag, just this day, okay? Hayaan mo ako, please." Aniya at hindi pinansin ang pagsampal ko sa kanya.
"Bakit mo ginagawa sa'kin 'to? Hindi tayo okay noong nakaraang mga araw! Pero bigla ka na lang lalapit na parang walang nangyari?" Sambit ko sa kanya na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari at sa ginawa niya. Nakita ko ang bakas ng lungkot sa mga mata niya.
"Gusto ko sanang kausapin ka, pero laging nakabantay sa'yo ang kambal mo pati na rin si Ars. Tingin ko ayaw mo rin akong kausapin... Kaya ito na lang ang naisip kong paraan," So, may kasalanan rin pala ako? Tama naman siya, eh. Iniiwasan ko talaga siya nitong mga araw. "Sorry sa ginawa ko, kung ayaw mong sumama, okay lang naman. Sorry talaga," Aniya habang nakayuko. Napabungtong hininga ako.
"Tara, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin ng nanlalaki ang mata.
"Payag ka? Yes!" Oo, hindi naman siguro masamang magkaroon ng huling alaala sa'yo hindi ba? Gusto ko rin kasing makalimot. At mahirap gawin ito kung lagi siyang nasa harap mo. Sumakay kami sa kotse niya at tahimik siyang nagdrive. Hindi na rin ako nagtanong kung saan kami pupunta, kung bakit, o anong gagawin. Hahayaan ko na lang siya ngayon.
Nagtaka ako nang huminto kami sa isang gasonalihan. Ngunit hindi na ako nag abalang magtanong kasi baka magpapagas lang siya. Pero nagulat ako nang may inabot siyang paper bag sa'kin.
"Change your clothe, nadumihan ka kanina sa pag-upo sa may eskinita." Aniya at lumabas na. Teka... Pano niya nalaman? Nagulat ako nang bumukas ang pinto sa side ko. "Baba na, time's running. Maghahanda pa ako sa kapatid mo," Seryosong sambit nito. Kumunot na lang ang noo ko at bumaba sa kotse.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko at tinignan siya. Siya naman ang kumunot ang noo ngayon.
"Aye, aye, magbihis ka na lang!" Aniya at tinulak ako papasok sa cr saka sinarado ang pintuan. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa kanya, at sana hindi ako nagkamali.
Binuksan ko na ang paperbag na inabot niya sa'kin at halos malaglag ang panga ko sa gulat nang makita ang laman nito. Nagsusuot naman ako ng dress pero hindi ganito, pakiramdam ko ay masyadong kita ang hulma ng katawan ko pagsinuot. Napabuntong hininga na lang ako ng mapagtantong wala naman akong choice. Sinuot ko ito pati ang pares ng sandals na saktong-sakto sa paa ko. Napaisip tuloy ako kung hiniram niya ito o binili? Kung kailangan ko pa bang bayaran or what? Mukha pamanding mamahalin. Matapos kong magbihis ay tinignan ko ang replekasyon ko sa salamin. Maganda naman 'yong dress, pakiramdam ko hindi nararapat sa'kin. O baka hindi lang ako sanay. Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang katok sa pinto.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomansaI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...