THIRTY SEVEN
Ace is a nice friend. Kaya ko nga siya nagustuhan noon dahil sa magandang pag-uugali nito. Kahit nalaman niyang may gusto ako sa kanya ay ayaw niyang magtapos ang pagkakaibigan na'min.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Siguro dahil lumipas na 'yong akin?
Ano ang dapat kong gawin? Bigyan ulit siya ng chance? O sabihing hanggang kaibigan lamang ang maibibigay ko?
Paano kung lasing lang siya no'n? Paano kung binibiro lamang niya ako at nag-aassume lang ako? Pero hindi siya gano'ng tao!
Nagtalukbong ako ng kumot. Naiirita ako dahil alas dos na ng madaling araw ngunit hindi pa ako makatulog sa pag-iisip ko.
Kinabukasan ay maagang nanggising sina Lizzy ngunit hindi naman ako makabangon sa sobrang antok.
"Susunod na lang ako," Wika ko. Nag-aaya silang bumaba na para kumain ng breakfast pero hindi talaga ako makabangon. Ilang saglit pa ay dinubukan ko ng tumayo ngunit muntik lamang akong matumba. Sumandal muna ako sa pader saglit bago pumasok sa comfort room. I took a shower at nagbihis ng rompers at one piece swimsuit sa loob.
Pagkalabas ko ng comfort room ay mayroon ng tray sa side table. Lumapit ako doon at kinuha ang isang note.
'Good morning, My lady! Nagpadala na ako ng pagkain dyan para 'di ka na mahirapan. - Arsen'
I sighed at nilipat ang tray sa kitchen at saka nag-umpisang kumain. Sumimsim ako ng gatas at saka tinapos ang pagkain. Pagkababa ko ay nag-order ako ng coffee para naman magising ako ng konti.
I just wanted to relax kahit na nasa ganito kaming lugar. I still feel suffocated. Ayokong maging selfish dahil kung tunay man ang dinabi ni Ace ay paniguradong bumabagabag rin ito sa kanya. But mapipigilan ko ba kung gusto kong maging masaya?
Mula pag-alis ko ay tinakasan ko lahat ng problema ko. Si Ars, si Ace at si Christine. Now that I'm back, they are all haunting me. Alam ko na ito simula pa lang. Running away from your problems won't solve it. But I have no choice but to leave it. Somehow, nakapag-isip na ako kung paano ko ito haharapin. Pero ang tanong, kaya ko ba?
"Hey, nakain mo ba 'yong pinadala ko?" Tumigil ako sa pamumulot ng bato at hinarap ang taong nagtanong. Tumangu-tango ako.
"Maraming salamat," Tanging sabi ko. It's so comforting na nandito si Arsen sa tabi ko. But knowing the real him? Pakiramdam ko ay ngayon lamang kami nagkakilala. Time can really change everything. Pero oras nga ba talaga ang nagbabago sa tao?
Hindi nagtagal ay nagkaroon na naman ng party sa isla dahil sa pag-iingay ng mga kaklase. Masyadong tahimik ang lugar na ito na pakiramdam ko, konting ingay lamang ang nagagawa na'min ay nagdurusa na ito.
"Ang ganda dito," Komento ni Lizzy na naka-higa sa tabi ko. "If only I could live here," Aniya.
"Tama ka," Komento ko kahit na hindi ko ma-appreciate ang kagandahan nito sa dami ng problemang dinadala ko. Siguro gano'n talaga. Hindi mo talaga mapapansin ang ibang bagay kung busy ka sa isa.
"What are you thinking again, Sel? Come on! We're on a vacation! Let's have fun," Ani Lizzy at tinapik ako. Ngumiti ako. Tama siya. Ano ba ang nangyayari sa'kin? "Pagkatapos nitong bakasyon natin, saan ka?" Tanong niya.
"Sandali lang ako dito. One week after this, balik London ako." Ngumiwi ito.
"Aalis ka kaagad?! 'Wag mo ako kalimutang tawagan, ah! Bibisitahin din kita doon tuwing libre ako," She said then giggled. Nagpapasalamat ako at nakilala ko si Lizzy. I think I needed a break from anyone pero dahil andito si Lizzy ay kahit papaano naiiba ang environment.
"Umuwi lang naman kami para dumalo sa isang party at magbakasyon na rin," Wika ko at iniwas ang tingin. Pagkatapos na'ming mag-usao ay pinasaya ako nina Lizzy. Ngunit naupo rin ako sa malapit nang magsugat ang paa ko sa gaspang ng buhangin.
"What happened?" Agad na sumilay ang kaba ko nang makita si Ace. We didn't talk that much today. Magkakasama silang lalaki at magkakasama kaming mga babae.
"Wala, nasugatan lang ang paa ko." Sambit ko at tinago ito ngunit hinila naman ni Ace at tinignan. Napatitig ako sa seryoso niyang mukha habang tinitignan ang paa ko. Ganito ba siya kung sakaling okay kami dati?
"Wag ka munang maglakad," Aniya at nagbuntong hininga. "Nagugutom ka ba?" Tanong niya. Hindi ako makasagot dahil naalala ko ang mga sinabi niya kagabi. He's acting okay. Only that may kakaiba sa kanyang mga mata.
Umiling-iling ako, "Ayos lang ako," Sagot ko at pilit na ngumiti. Nag-iwas ako ng gingin nang salubungin niya ang mga mata ko.
"Sel, about last night---" Mariin akong napapikit at inunahan siya. Ito na ang kinatatakutan ko.
"Lasing ka lang noon, 'di ba? Ayos lang," Sabi ko at pinilit muling ngumiti. Muli itong bumuntong hininga at lumipat sa harap ko.
"Everything I said last night was true. Is this a no, Sel?" Tanong niya at mariing napapikit. "Indeed, I am late." Sabi niya sa sarili.
"Ace," Tawag ko sa kanya at tinignan siya ng may simpatya sa'king mga mata. "I'm sorry but I have moved on years ago," Sambit ko.
"Binabawian mo ba ako, Sel? Okay lang, tatanggapin ko naman lahat. Just give me a chance. Buburahin ko lahat ng sakit na dinulot ko dati, I promise." Pagmamakaawa nito. Niipat ko ang tingin sa aking mga paa.
"I don't go after revenge, Ace." Sabi ko at tinignan siya nang banggitin ang pangalan nito. "I can understand, I understand you. But mine was just a puppy love, Ace. I can't just bring back the old feeling I had. I am in mess right now, Ace. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Kababalik ko lang and I was so frustrated sa mga sumalubong sa'kin," Sinapo ko ang noo at hinilamos ang palad sa'king mukha. I feel like I'm so useless right now.
"Do you like Arsen?" Diretsahang tanong nito habang hindi nilalayo ang tingin sa mga mata ko. Napapikit ako at bumuntong-hininga.
"Look, Ace. I don't really know. You are my first love, Ace. They say first love never dies, but why mine did? First love may be really so different from true love. I was so young and innocent back then. And right now, I don't know. I got lost in a large maze. Sabi nila kapag tumibok ang puso mo, mahal mo na 'yong tao. Hindi ko maintindihan," I am so confused. Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko alam ang gagawin ko.
"So, this is how it hurts?" Aniya at nag-iwas na ng tingin. "Ten years ago, natakot ako nang malamang umalis ka. I was still trying to figure out kung ano talaga ang nararamdaman ko. This is my first, too. Alam mo noong nalaman ko? I was so happy. Iniisip ko na ang mga bagay na pwede nating gawin. 'Yon pala nagkamali ako. I should've told you earlier pero natakot ako na baka paasahin lang kita. Natakot ako na baka mali lang itong nararamdaman ko. At ngayon? Nananalangin akong sana nga mali." Huminga ito ng malalim at tumingin sa itaas para pigilan ang mga nagbabantang luha. "Hindi ko alam na mas masakit pala ang mabiro ng tadhana kaysa one sided. Because the fact that you are once mine but I let you slip away through my arms breaks my heart into thousand pieces." Mariin niyang sabi.
"I'm sorry," Bulong ko na halos hindi na rinig. Wala akong masabi. Sakit lang ang tangi kong naraamdaman at naiintindihan sa lahat.
"Sa gitna ng sampung taon, sinubukan kong maghold on at maghintay. At ikaw, sa gitna ng sampung taon, sinubukang kumalimot." Aniya. "Hindi ako nanghihingi ng kahit anong kapalit, Sel. I will stay by your side and I'll try to fix our broken fate." That was the last words he said before he planted a kiss on my forehead and left me with my body shivering in emptiness I'm feeling.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. If hindi nagsabi si Arsen sa'kin, will it be okay? Will it be okay na ipagpilitan na'ming ayusin ang nagkalayong tadhana? Why do I feel like I'm cheating? Why do I feel like every part of this are wrong?
![](https://img.wattpad.com/cover/3613048-288-k647618.jpg)
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomanceI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...