Chapter Thirty Eight

10 0 0
                                    

THIRTY EIGHT

Naisipan nilang h'wag na lang matulog. Pero ako, nagpaalam ako na masama ang pakiramdam ko para maka-akyat na. Hindi ako makakapagtagal doon ng nakikita si Ace at Arsen.

Ngayo'y nandito ako sa suite na'min at halos makabisado na ang bawat sulok nito sa kakasubok kong hindi mag-isip ng malalim. Hindi ko na kasi alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Kanina pa ako nakatunganga dito at pakiramdam ko walang saysay ang pagsama ko sa kanila dito kung nagkakaganito lang rin naman ako.

Bukas na lang ako babawi. Halos mabilang ko na kung ilan ang appliances dito nang magring ang phone ko. Agad akong napabalikwas at kinuha ito sa side table. Nang mabasa ang caller ay halos makaramdam ako ng tuwa.

"Hello?" Sabay na'ming bungad.

"I miss you!" Sambit ko sa kambal ko. Narinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya.

"Come back home, please." Aniya na ikinatawa ko ngunit kasabay nito ang luha na pumatak. "I'm sorry if I called tonight. I just wanna check my twin," Utas nito.

"Why aren't you asleep?" Tanong ko at pinipigilang magcrack ang boses.

"I should be the one asking you that. Are you okay?" Sambit nito. I can't help but smile. At least, a member of my family called. I felt relieved.

"I'm okay, North. How are you? How's Mom and Dad? How's Lola and Lolo?" Tanong ko. I heard him chuckled.

"We are doing good. While I know you're not. You can't hide that to me, East." Aniya. Syempre, mula pagkasilang ay magkasama na kami.

"I'm fine, North. I just miss you, magkwento na lang ako pagnakauwi na ako, okay?" Sambit ko saka kinagat ang labi para pigilan ang hagulgol.

"I can't let you sleep upset. Do you want me to sing for you?" Tanong niya. Nakangiti ako kahit hindi naman niya nakikita.

"Please do," Ani ko at pumikit. Nag-umpisa itong kumanta ng Scene Four ng Sleeping with Sirens. Sobra akong nakalma nito at hindi nagtagal ay nakatulog na lamang.

Kinabukasan ay late ako nagising. Mayroon na namang pagkain at as usual, sticky note sa side table ko. Pagkababa ko ay nag-order muli ako ng kape.

"So, you like caffeine?" Napatingin ako kay Arsen na ayos na ayos. Ganito naman siya lagi. Laging nakaayos ang buhok, matipuno at gwapo. Tumango na lamang ako bilang sagot. Maya-maya ay aalis na kami para mag-island hopping muli. "Good morning, how's your sleep?" Tanong niya. It's a small gesture. Why does it makes my heart flutter?

"Fine?" Sagot ko. Nakarinig kami ng tawag mula sa mga kaibigan kaya naman tumayo na kami at lumapit sa kanila.

"Why aren't you sure? Namamahay ka ba?" Tanong niya. Natawa ako.

"Kinda," Tanging sagot ko at binati ang mga kasama. Sumasakay na sila sa bangka at kami ni Arsen ang nahuli. Inalalayan ako nito pasakay at saka sumakay.

Nakakagaan ng pakiramdam ang maglayag sa gitna ng napakalawak na dagat. Pakiramdam ko'y walang maglalagay sa'yo dito sa pahamak.

Hindi nagtagal ay narating na'min ang tahimik na isla. Bago pa man makalaot ang bangka ay nagtanggalan na sila ng damit na ipinatong lamang sa kanilang swimsuit at agad na tumalon sa malamig na tubig ng isla. Naiwan lamang kami ni Ace at Arsen.

"Hindi ka ba lalangoy?" Tanong ni Ars kay Ace. Ang tingin nila ay makahulugan at mabibigat hindi naglalayo ang kanilang tingin.

"Hindi, ikaw na lang." Sagot nito. Tuluyan nang huminto ang bangka at napagpasyahang unahan silang bumaba dahil sa tensyon kong naramdaman. Agad lamang naputol ang kanilang sukatan nang makitang pababa na ako.

"Hey, be careful!" Utas ni Ars.

"Sandali! Aalalayan kita," Wika ni Ace. Ngunit huli na silang dalawa at nakababa na ako. Lumingon ako sa kanila at naabutan na naman ang pagsukat nila ng titig at ang pag tiim ng bagang ni Ars.

"Tara na," Sabi ko upang tumigil ang dalawa. Halos 'yan lang ang nangyari ngayon. Muntik na ring magbangayan ang dalawa nang isang beses ay inalalayanan ako maglakad ni Ace pabalik sa kubo dahil mas lalong lumala ang sugat ko sa paa. Nang makita ito ni Ars ay agad niya akong hinila.

"Anong nangyari?!" Tanong nito at tinignan kaming dalawa.

"Brad, may sugat si Sel sa paa niya. Tinulungan ko lang kasi wala ka para tulungan siya," Nagulat ako sa naging sagot ni Ace at tila napikon naman si Ars. Nilingon ako ni Ars at tinignan ang paa ko.

"Is it true?" Tanong niya at dahan-dahan akong tumango.

"Would I lie?" Maangas na sagot ni Ace. Matalim na titig ang ibinigay ni Ars sa kanya.

"Bakit hindi?" Mapanuyang sagot ni Ars. Ace huffed.

"Bakit hindi? Hindi mo naman ako kagaya na mapagpanggap," I think that was too below the belt kaya agad na nag-alab si Ars.

"I have reasons, Ace! And you don't have to meddle with it!"Susugod sana ito kay Ace ngunit agad kong pinigilan ito. Tinignan ko si Ace ng may pagmamakaawa sa mga mata ko.

"Ace, can you leave for a meanwhile? Please?" Utas ko. Kumalma ang itsura nito at dahan-dahang tumango sa'kin saka tinignan ng masama si Ars na nakangisi bago umalis si Ace. Kunot-noo akong tumingin sa kanya.

"What was that? Magkaibigan kayo ni Ace," Wika ko at huminga ng malalim. It pains me to see them like this.

"Eh, kayo? Bakit ba siya nakiki-buntot sa'yo, Sel? Ano? Papahulugin ka niya ulit sa kanya at sasaktan?!" Galit niyang utas. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito! Kung bakit niya sinasabi 'yon!

"Ace is a good friend! Ano ba 'yang mga sinasabi mo, Arsen?!" Sambit ko at napasapo sa noo.

"He likes you! I can see it! The way he looks at you is same as mine!" He hissed. I took a breathe heavily at pinasadahan ng palad ang buhok.

"And so what if he likes me?" Hindi makapaniwalang tanong ko. He huffed.

"Yeah, so what if he likes you? Yeah! I am just jealous! So what, right?" Aniya na para bang hindi makapaniwala. Nagulat ako sa sinabi niya.

"You-- you are jealous?" Pag-ulit ko. Tila nabingi ata ako sa narinig at lahat ng inis na nararamdaman ko ay humupa.

"Of course, I will be! I told you that I love you, Sel." Utas niya at huminahon ang boses sa huling pangungusap. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napatitig na lamang ako sa kanyang mga matang sumisigaw ng sinseridad. Those eyes aren't liars, right? My heart beats with the waves of the sea. Natahimik ang buong paligid ngunit binasag niya ito sa pananagitan ng pagbuntong hininga. "I know you aren't ready... Yet," Dagdag niya pa. Tumangu-tango ako.

"That's because I can't be with someone who seemed to be a puzzle to me. I... I think I'm falling for you, Ars. It's just... Uhm," Damn! I can't say the words. Alam kong mahirap na ito dati pa. Pero bakit mas mahirap pa ata ang ngayon? "Pakiramdam ko kailangan ko pang makilala ng maigi 'yong taong iniwan ko sa mahabang panahon. I know we've changed," Saad ko ng nakayuko. Halos hindi ko na marinig ang sinabi ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"For the better?" Aniya.  Tumango ako.

"For the better," Sambit ko at sumulyap sa kanya. He smiled sweetly. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, sobrang saya ko sa ngiti niya. Tumikhim siya at naglahad ng kamay. Kumunot ang noo ko ngunit tinanggap rin ito.

"Arsen Raid Jimenez. Shall we start, again?" Aniya na nakapagpangiti sa'kin.

"East Damsel Anderson. Yeah, sure!" Sagot ko at ngumiti.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon