THIRTY TWO
Sobra akong nangangatog. Alam kong hindi ito kaba dahil ngayon ay nakapwesto na ako katabi ang harp ko at si Chiv naman sa kanyang piano. Nanginginig ako dahil sa mga sinabi ni Arsen. Hindi ko alam pero ang lakas ng epekto nito sa'kin.
Tumingin ako kay Chiv at sinalubong ang kanyang titig. Hinintay na'ming matapos ang palakpakan bago kami nag-umpisang tumipa. Tumango kami sa isa't isa at saka nagsimula. Sinubukan kong alisin sa isip ko ang nangyari kanina para maka-pagfocus sa pagkanta pero sadyang hindi ko kaya.
Unang beses namin itong kumanta sa harap ng maraming tao. Usually kumakanta ako tuwing gumagawa ng gawaing bahay o kaya'y sinasabayan ang kanta sa mga palabas samantalang si Chiv naman ay hindi kumakanta kahit sobrang ganda ng boses. Ngunit ngayon ay napilit siyang kumanta ni Lola at Lolo.
Tale as old as time
True as it can be
Barely even friends
Then somebody bends
Unexpectedly.
Just a little change
Small to say the least
Both a little scared
Neither one prepared
Beauty and the BeastEver just the same
Ever a surprise
Ever as before
Ever just as sure
As the sun will rise
Tale as old as time
Tune as old as song
Bittersweet and strange
Finding you can change
Learning you were wrongCertain as the sun
Rising in the east
Tale as old as time
Song as old as rhyme
Beauty and the Beast
Tale as old as time
Song as old as rhyme
Beauty and the BeastPagka-kanta na'min ni Chiv ng huling linya ay lumingon ako kay Ars na halos mabura ako sa mundong ito kung titigan ako. Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga manonood samantalang si Chiv ay tumayo at inalalayan ako sa gown ko bago kami nagbigay galang sa mga manu-nood.
"Wow, that was perfect!" Komento ni Tita, mom ni Ars. Ngayon ko lang nalaman na nagkagulat-gulat rin sila pagtanggal nila ng mga maskara.
"Hindi ka nagsasabi na may ganyan pala kayong talent," Ani Tito. Bahagya akong tumawa.
"Natutunan lang rin po na'min 'yon sa Paris at pinagpatuloy po sa London," Sagot ko. Nagulat ako nang makaramdam ako na may humawak sa kamay ko sa ilalim ng table.
"You must have been very busy," Komento ng Lola ni Arsen na kararating lang rin kanina.
"Sobra po, pinagsabay-sabay ko po kasi lahat sa pag-aaral ko." Hirap kong sagot dahil pinaglalaruan ni Ars ang daliri ko. Kinurot ko ang daliri niya ngunit tumawa lamang siya.
"Please let me hold your hand, my beauty." Bulong niya sa'kin na nakapagpataas ng mga balahibo ko.
"How about you, Orly?" Tanong ng Lolo ni Ars kay Chiv.
"Gano'n rin po. Itinuon ko rin po kasi ang pansin ko sa paghawak ng business," Sagot ni Chiv na siya namang nadugtungan na ng usapan tungkol sa business industry. Samantalang ako ay nanatiling tahimik dahil wala naman akong alam doon ngunit nagulat na lamang ako nang magpaalam si Ars.
"Labas lang po kami ni Sel, catch up." Aniya at nagkibit-balikat. Napa-ngiti silang lahat.
"You too are really close. Sige, pero ingatan mo." Sagot naman ni Lolo. Ngumiti si Ars at tumayo na ngunit hindi ako makatayo dahil hawak-hawak niya ang kamay ko.
"I surely will," Naka-ngiting sagot niya. Pinansilatan ko siya ngunit bigla niyang itinaas ang kamay na'ming magkasiklop at hinila ako patayo. "Sandali lang po kami," Aniya at hinila na ako. Subalit ang sandali niyang sinabi ay tumagal ng ilang oras. Nakapag-usap na rin kami. We said sorry to each other at napagkasunduan na quits kami marahil ay pareho kaming nagkamali.
"Since when did you learn that?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pumalag at hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Basta't hinayaan ko na lang na umayon ang lahat sa nararamdaman ko.
"What?" Tanong ko. "Harp?" Dagdag ko at tumango naman siya.
"You look so good playing that. Ang ganda tignan ng kamay mo tuwing tumitipa ito papunta sa kabilang string. Mukhang bihasa ka na," Aniya. Tumango ako.
"Ten years is enough to study it," Sambit ko.
"You started ever since you left?" Tanong niya. Tumango-tango ako.
"Sa Paris. There I met this certain guy who plays the harp so damn good. It happened na tinuruan niya ako pati na rin ang instructor ko," Pagkwento ko. Biglang kumunot ang noo niya.
"Who's that guy?" Tanong niya. Ako naman ang kumunot ang noo ngunit bigla ring napa-ngiti.
"Chasm is his name. Mayroon siyang kulay gold na buhok at napakabait niya. I adore him lalo na kapag tumutug---" Napatigil ako sa pagsalita nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Pumikit pa siya at halos tatlumpong segundo ang tinagal nito. Nakaramdam ako ng init sa aking mukha at sobrang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko.
"I'm sorry, you made me feel jealous. Didn't you know the thing called, 'reverse psychology?' You should have not said those the moment I asked." Sambit niya. He changed. A lot. Ngunit tingin ko ang bumago sa kanya ay ang panahon na magkahiwalay kami. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o natutuwa talaga ako kasi hindi ko alam. Basta ang alam ko ay masaya ako at hindi alintana ang kung ano mang gawin niya sa'kin. Which is odd, because hindi naman ako ganito sa ibang lalaki kahit na kay Chasm.
"That was my first..." Bulong ko.
"Oh, gusto mo pa ng second?" Sambit niya. Napa-kurap ako at agad na umiling. "Sorry, baka na-disappoint kita. It's just... Sobra kitang namiss. Sobra akong nangulila sa'yo," Pagpapaliwanag niya.
"Okay lang, I liked it." Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko kaya tinakpan ko ito. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, pero alam kong kakaiba 'to. Masyadong mabilis pero hindi ko alam. Bigla ko na lamang naramdaman. I just have this feeling na gusto ko ito at natutuwa akong ganito kami. Ang saya sa pakiramdam.
"Sel... Do you like me?" Nanliliit matang tanong niya. May kung ano akong naramdaman sa katawan ko ng tanungin niya 'yon.
"I don't know. I seriously don't know. You are my best friend... Before. This can't happen so fast that yesterday you were just a best friend to then the following day... I already like you? Hindi ko alam, Ars. Naguguluhan ako. Masaya ako ngayon. Hindi ko alam kung dahil okay na tayo o dahil sa mga kinikilos mo. It's just..." Tumigil ako at nilagay ang palad ko sa kaliwang dibdib ko, "My heart beats so fast and loud everytime na malapit ka o nagkakadikit tayo. At... Ang saya lang," Mahinang sabi ko. I heard him chuckled.
"Fine, you are confused. But I'll make sure that you're going to be my girl someday. Kasi kung ako ang tatanungin mo? I'd die just to make you happy," Sambit niya at ngumiti sa'kin.
"Are you... Drunk?" Tanong ko na ikinatawa niya.
"No, just in love." Then my heart reached abnormal rate again. This guy.

BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomansaI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...