Chapter Twenty Seven

8 0 0
                                    

TWENTY SEVEN

Sumunod na araw ay sa workshop agad kami pumunta ni Chiv para sa harp. Excited kasi akong matuto at saka ito rin naman ang naka-schedule. Pero nagulat ako nang wala si kuyang golden hair. Pero ano pa nga ba ang inaasahan ko? Baka namili lang rin siya kahapon.

Nakinig ako ng maigi at nagtiis kahit sa totoo lang ay ang dami kong reklamo. But that's normal. Si Chiv ay nag-aral ng piano habang hinihintay ako. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko dahil ito ang gusto ko kahit medyo mahirap. Syempre, hindi ko naman makikuha ito agad. Actually, ngayon ay hapon na rin. Magtatanghalian na kasi nang magising ako dahil lagi-lagi akong pagod at mapapagod since baguhan lang ako sa ganito. Pero at least, masaya naman ako sa ganito.

Hindi naman ako nag-expect na matututo agad ako ng harp sa isahang session lang kaya natuwa na ako kahit konti pa lang ang natipa ko. Nagrequest rin ako kay Chiv na ipagpatuloy na lamang ang piano lesson niya habang hinihintay ako. Gusto kasi hindi ako nawawala sa paningin niya.

"No, Chiv. Dyan ka na lang, I'll be okay." Sabi ko at tumakbo na paalis. Nakakaramdam ako ng pagod kasi tuloy-tuloy itong ginagawa ko. Pero ayos lang, mas gusto ko ito kaysa walang ginagawa. Mas nalilibang ako.

"One, two, three, turn." Sabi ng instructor na'min. Ngayon ay mabababang heels muna ang pinag-aaralan namin. Kung paano ito lakarin ng maayos kahit mababa lang. Pagkatapos namin i-testing ay pinagsuot kami ng mga gown at dress na kailangan naming mailakad ng maayos. Next week ay magkakaroon kami ng fashion show at kinakabahan ako dahil unang beses ko 'yon at ayoko namang pangit ang kalabasan kaya talagang pinag-aralan ko ng maigi.

Ilang araw na ang nakalipas at natutuwa ako sa sarili ko kasi halos perpekto ko na ang modeling. Minadali ang pagtuturo sa'kin dahil may potential daw ako kaya naman halos kalahati ng araw ay nagpa-practice kami at ang kalahati naman ay para sa pag-aaral ko ng harp na medyo naiintindihan ko na. Magagaling kasi talaga ang mga ni-rekomenda ni Hailey sa'min. Pag may free time rin ako ay pumupunta kami ni Chiv sa gym dito. Utos kasi n instructor namin sa modeling na mas maganda kung handa ang katawan na'min sa fashion show.

"You are too busy," Bulong ni Chiv sa'kin habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

"I miss you too, North. Ganito talaga ang magiging sched ko lalo na pag nag-umpisa na akong mag-aral ng pagdu-doctor. Panigurado ikaw rin," Sambit ko na ikinasimangot niya.

"Hindi ko matitiis ang ganito," Komento niya. Natawa naman ako. My twin is being too clingy but I love it.

"Hmm, pag naging busy tayong dalawa, let's make sure na maglalaan tayo ng oras sa isa't isa." Sagot ko. Tumango naman siya. Bumalik lang kami sa hotel kasi nagjogging kami. Susunod namay ay mag-gym kami for one hour saka kami lilibot muli sa labas.

Lumipas ang linggo at dumating ang araw ng fashion show namin. Maaga kaming nagprepare ni Chiv. Si Hailey ay kumuha na ng makeup artist ko noong nakaraang linggo pa. Ang mga damit na susuotin ko ay hindi ko pa nakikita, maski nasusukat. Ang alam ko lang ay mga gown ang susuotin namin para challenging daw sa paglalakad. Iilang oras na lamang ang meron kami kaya nagsimula na kaming mag-ayos. Ang french makeup artist ko ay sinimulan ng bigyan ng buhay ang mukha ko. Nakaka-panibago sa pakiramdam lalo na't maraming tao ang manonood kaya naman sobra lang ang kaba ko.

Sa gitna ng pag-aayos ko ay may narinig akong pamilyar na boses sa labas. "Where is she? I need to see her, these are the gowns that she is going to wear." Ani ng babae. Kumunot ang noo ko sa pagtataka ngunit biglang bumukas ang pinto kaya Napatingin kami doon at sinalubong ang nakataas na kilay ng Lola ko.

"How are you doing?" Tanong niya. Tumayo ako at nakipagbeso sa kanya. Ngumiti ako.

"Ano pong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman.

"Doesn't matter, I'm asking you, how are you doing?" Pag-ulit niya. Umiling-iling ako.

"I'm good, Lola. Thanks for everything," Nakangiting sagot ko. She rolled her eyes at winagayway ang kanyang pamaypay.

"Whatever. Here are the clothes you are going to wear," Sambit niya at tinuro ang rack na puro gown at heels ang nakalagay. "Make sure to do your best," Iyon na lamang ang huli kong narinig sa kanya bago siya maglaho. I should not fail her. Ito na ang chance ko para ipakita sa kanya na karapat-dapat ako.

Binibisan na ako agad ng formal gown para sa magandang umpisa. Number eleven ako at fifteen lamang kaming lahat. Sa ngayon ay number eight na ang rumarampa.

"Hey," Rinig kong tawag sa'kin at tinapik pa ang balikat ko. Lumingon ako sa tumapik at nakita ko ang kambal ko, "Goodluck," Aniya at hinalikan ako sa pisngi. Sakto namang ako na ang susunod kaya huminga ako ng malalim at ngumiti. Paglabas ko sa backstage ay nagulat ako sa sumalubong sa'kin. Sobrang liwanag ng mga ilaw at ang daming nanonood. Umikot-ikot ako sa gitna at sakto namang nakita ko sina Lola kasama ang parents ko. Mas lalong lumawak ang ngiti ko kahit na pabalik na ako.

"That was nice! Keep on going, Easel!" Komento ni Hailey habang tinutulungan nila ako ni Elisse sa pagpapalit ng panibagong gown.

"Sobra akong kinakabahan, baka madapa ako." Sambit ko at humawak sa dibdib ko para pakiramdaman ang tibok ng puso ko.

"You can do it!" Pagcheer sa'kin ni Elisse at marahan akong tinulak dahil ako na ang susunod. Kumaway-kaway ako kahit na sobra akong kinakabahan. Pero tinanim ko sa isipan ko na dapat i-enjoy ko ang pagtayo sa stage ngayon at dapat confident tayo sa sarili natin kaya naman kahit papaano ay nabura na ang kaba sa dibdib ko at napalitan ng excitement. Naka-ilang rampa pa kami bago ang gown na may petticoat. Ngayon ay palakihan kami ng gown ngunit ang dala ni Lola ay sobrang haba at sobrang ganda. Dinaig ko pa ata ang mga kinasal, nagdebut at nagbeauty pageant.

"Wow, Easel. You just look like..." Hindi makapaniwalang wika ni Elisse.

"A goddess! Gosh, Easel! Pasado na," Ani Hailey at tumawa. Ngumiti ako at tumango.

"Thank you so much," Sabi ko at nag-umpisa ng maglakad. Dahan-dahan lamang ang lakad ko sa stage kunpara kanina. Ngayon ay parang damang-dama ko bawat hakbang na ginagawa ko. Pagdaan ko sa harap at sa gitna ng hirado ay nagcourtesy ako na halos nakaluhod na ako. Tumayo ako at gumawa ng malaking ikot--- hindi alintana kung anuman ang mabangga ng mahaba kong gown at kumaway na tila nanalo ako sa beauty queen. Nakakatuwang isipin na nagtagumpay ako sa ngayon at nakakatuwang isipin na nagawa ko ang mga ganitong bagay.

Nagpalit pa kami ng mas simpleng gown at pumila sa stage kasama ang mga co-models ko. Ngumiti muli ako nang mahagip ng paningin ko ang pamilya ko. Nakita ko ang malalaking ngiti nila bukod kay Lola na nakataas lamang ang kilay. Didn't I make her proud? Ini-alis ko muna sa isipan ko 'yon para hindi masira ang gabing ito. Kahit pa kumirot ang puso ko sa naging reaction ni Lola.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon