Chapter Seven

37 1 0
                                    


SEVEN

Intramurals namin ngayon, kaarawan rin ni Ars. Mamaya ay bibisita kami sa bahay nila upang maki-dalo sa kanyang birthday! Inaabangan ko siya ngayon para sabay kaming maglakad tungo sa school at para batiin na rin. Kahit na nabati ko na siya kagabi, gusto ko ako una, eh.

"Matagal pa ba? Pwede namang sa schoo---" Naputol siya sa pagsasalita nang nagtatalon ako.

"Ssh, ssh, ayan na siya! Ayan na siya!" Pabulong kong sigaw habang nagpapanic. Hinawakan ni Chiv ang magkabila kong balikat at diniinan para hindi ako makatalon; para iwasan na rin ang panic ko. Okay, ayan na siya.

"Happy Birthday!" Bati ko sa kanya pagkalabas niya sa isang eskinita. Inutusan ko kasi na dito ulit siya dumaan sa may amin. May mas maayos naman kasing daan kaysa dito, pero para magsabay kami, paminsan dito siya naglalakad.

"Ay p*ta." Gulat na sabi niya. Napasimangot ako. Aga-aga, eh. Saka parang hindi siya bakla nang nagulat, ah? Sabagay, hindi naman siya ladlad na bakla.

"Good morning rin!" Biro ko sa kanya. Ngumiti naman siya at niyakap ko siya para bumating muli. "Happy happy birthday~ 19 ka na!" Bulong ko sa kanya. Bumitaw ako sa yakap at si Chiv naman ang bumati.

"Happy birthday, bro." Ani Chiv at nakipag-high five. Natawa naman ako sa 'bro' niya.

"Gift ko?" Tanong niya sa'kin. Nagkunwari akong napatigil.

"Hala, wala!" Sabi ko at nagkunwaring nagulat. Sumimangot siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pinigilan ko naman siya at inakbayan.

"Joke lang! Pwede ba 'yon? Mamaya na sa party mo! Mwa!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Nagtaka naman ako nang mapatigil siya at namula ang gilid ng tainga. Bakit? Kinikiss ko naman din siya talaga sa cheeks tuwing birthday niya. Ganun rin ako kay Chiv, nga lang kahit walang okasyon. Tinitigan niya ako.

"Pwede sa lips?" Manghang tanong niya. Humagalpak ako ng tawa. Itong baklang talagang ito!

"Hindi," Mas lalo akong natawa ng si Chiv ang sumagot para sa'kin. Napailing na lang ako. Actually, 'yung gift ko sa kanya ay mamahalin dahil naghati kami ni Chiv do'n kaya naman regalo niya na rin 'yon!

"Biro lang," Sabi niya at tumawa.

"Dapat lang," Seryosong sabi ni Chiv. Hindi ko talaga maiwasang mapangiti dito kay Chiv. Tumikhim si Ars sa sinagot ni Chiv.

"Ah, hehe. Ano ba 'yang pinaguusapan niyo?" Tanong ko para lang mabawasan 'yong awkwardness.

"Wala," Sabay nilang sagot at nag-iwas ng tingin. Napangiti ako dahil ang cute nilang dalawa.

"Ano bang kailangang isuot sa party mo mamaya, West?" Tanong ko kay Ars. Agad na nanlaki ang mata niya sa pagtawag kong West sa kanya. Una ba 'to? 'Di bale na.

"Ano ulit?" Tanong niya at nilapit ang tainga sa'kin. Natawa naman ako.

"Sabi ko, ano ang kailangan naming isuot mamaya para sa party mo?" Pag-ulit ko. Mamaya kasi ma-out of place kami dahil baka party 'yon ng mayayaman. Pero wala naman kaming choice ni Ace dahil gusto niya kaming dumalo.

"Hindi 'yon!" Reklamo niya. Tahimik lang na naglalakad si Chiv sa tabi namin. Diretso ang tingin sa daan.

"Alin, West?" Sabi ko ng may ngiti sa labi. Ngumiti siya at tumingin sa daan.

"Hmm, formal. Let's see," Sabi niya ng may ngiti sa labi. Formal? May mga cocktail gown ako sa bahay dahil minsan ay uma-attend rin kami sa party nila Papa.

Natapos na ang buong klase namin ng birthday ni Ars ang iniisip ko. Kinakabahan ako, baka hindi ako nararapat do'n. Nauna kaming umuwi ni Chiv para sa bahay na nila Ars ang diretso na'min. Pero mukhang kami pa ang nasorpresa pagka-uwi namin.

"Ma, saan galing 'yan?" Tanong ko at tinuro ang dalawang gown at tux na tinanggal nila sa box ni Papa.

"Ito? Pinadala 'to ni Arsen. Nakakatuwa talaga 'yong batang iyon. Napaka-thoughtful," Sagot ni Mama. Nalaglag ang panga ko. Mayro'n naman kaming damit kaso luma na dahil hindi rin naman na'min kailangan. 

"Ma! 'Wag na na'ting gamitin 'yan," Suway ko sa kanya.

Napatingin sa'kin si Papa. "Baka magtampo naman sa'yo 'yun?"Aniya. Napaiwas ako ng tingin at binalingan muli ang magarbong gown na galing kay Ars. Kinakain ako ng konsensya ko.

"Susuotin ko na lang 'yong pinaglumaan ko kung ayaw mo, East." Sambit ng kambal ko. Tinignan ko siya at umiling.

"Tama si Papa, baka naman magtampo si Ars. Mukhang pinasadya niya pamandin 'yong damit." Sagot ko at sumimangot.

"Hay nako, tigilan mo na 'yan, Damsel. Halika na rito nang maayusan na kita. Nako, baka magmukha ka namang dugyot do'n!" Ito talagang si Mama.

"Oh, siya, dyan na kayo. Tara na, Chiv. Tayo naman ang mag-ayos," Sabi ni Papa at kinuha 'yong dalawang malaking karton at inakbayan si Chiv para igaya paakyat. Kaya naman nag-ayos narin kami ni Mama. Naligo ulit kami ni Mama para fresh. Nagblower kami at inipitan niya ng simple ang buhok ko. Gano'n rin naman sa kanya. Hindi ko maipagkakaila na kahit ma-edad na si Mama ay bakas pa rin sa kanya ang kagandahan ng nakalipas niyang itsura.

Naglagay lang kami ng simpleng eyeshadow at mascara sa mata namin para bagayan ang kulay ng gown. Ang akin ay kulay pula. Simple pero magarbo ito. Para lang noong nagdebut ako. Nilagyan ako ng light red na eyeshadow at blush kaya mukhang natural lang ang makeup ko. Light pink lang rin ang labi ko kaya nagmukha lang simple. Si Mama naman ay gaya lang ng akin ang makeup. Hindi rin nagkakalayo ang itsura namin.

Nang matapos na kaming lahat ay naghahanda na kami ng mga dadalhin namin. Doon ko lang rin napagtanto na kulay pink ang gown ni Mama at light blue naman ang polo ni Papa at ni Chiv. Mas lalong silang nagmukhang makisig sa kanilang suot. Napangiti na lang ako sa taglay nilang kagwapuhan.

Ako lang ang naiiba na red ang gown.

"Sel, may sapatos palang kasama 'yang iyo." Sambit ni Mama at itinaas ang pares ng stilettos. Nahihiya na ako kay Ars marahil mukhang malaki ang ginugol niya para dito.

"Sit," Ani Chiv. Kumunot ang noo ko ngunit naupo rin ako sa sofa ng sala na'min.

"Hayaan mo na akong gawin 'yan, North." Sabi ni Papa at tinapik ang balikat ni Chiv. Kumunot ang noo ni Chiv at umiling.

"Ayoko nga," May diing sabi nito. Napangiti kami ni Mama. Kahit kailan talaga ay nag-aaway silang dalawa dahil sa pagiging gentlemen nila.

"Oh, ayan. Tig-isa kayo nang hindi kayo magtalo." Sabi ni Mama at inilagay sa kamay ni Papa at Chiv ang pares ng stiletto. Natawa ako kay Mama.

"Kaya ko namang magsuot nyan, eh." Reklamo ko habang nakangiti.

"Kahit na ba," Sabay na sabi at sabay rin akong nilingon ng may kunot na noo ni Papa at ni Chiv. Natawa kami ni Mama sa ikinilos ng dalawa. Manang-mana. Lumuhod na sila sa harap ko at sabay na kinuha ang paa ko upang isuot ang sapatos. Nakita kong kinuhaan kami ni Mama ng litrato. Maiigi na lang at nakangiti ako. Photo ready. Sabay rin silang tumayo at inagaw ang pares na pumps sa kamay ni Mama nang makalapit. Napangiti na lang si Mama at naupo upang maisuot ng maayos ang pumps niya.

"Let's go?" Ani Papa at nilahad ang braso kay Mama matapos masuot ang sapatos. Tumango si Mama at isinukbit rin ang kanyang braso sa braso ni Papa. Napatingin ako kay Chiv na inilahad rin ang kanyang braso at tinaasan ako ng kilay. Bahagya akong natawa at sinundan sila Mama na lumabas ng bahay. Nagulat ako nang nakasakay na sina Mama sa van na nadatnan na'min ni Chiv kanina.

"Pinadala rin ito ni Ars, halina kayo." Pagpapaliwanag ni Mama. Napa-iling na lang ako at inalalayang makasakay ni Chiv. Wala akong magagawa, ready si Ars, eh. Akala ko kanina naki-park lamang 'tong van.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon