Chapter 17

424 6 4
                                    

Wala lang pong kwentang UD to. May ma UD lang. :P 

--------------------------------------------

Abigail

Ang hirap naman pumili dito sa sandamukal na damit na binili ko. Kailangan yung sakto lang kasi hindi ko naman alam kung san kami pupunta, dapat applicable to all places yung suot ko. 

"Ateeeeee!!!" tawag ko kay Ate Yani. Magka-konekta kasi kwarto namin, pintuan lang pagitan... 

"ANNOOOO?!" sigaw niya mula sa kwarto niya. 

"SAKLOLO!!!" haha. baka anong isipin nito... 

Pumasok siya sa kwarto ko nang bonggang bihis na bihis na. At nagulantang siya ng makita niya kong naka bra't panty lang. Eh bakit ba? Magkapatid naman kami, parehas pa kaming babae.

"Ano ba yun? Maka sigaw naman toh! ... *tinignan si ako mula ulo hanggang paa* Chura mo naman?! Mag ayos ka na nga. Kahit kailan, pa importante ka eh!" pagalit niyang sinabi sakin. 

"Ang sungit mo naman! Papatulong lang eh! Pili ka dito dali!" At tinapat ko sa katawan ko yung dalawang casual dress na binili ko. 

"Magde-dress ka?!" tanong niya. 

"Oh bakit? Bawal ba?!" pambabara ko sa kanya. Alangan mag shorts ako, malay mo formal pala yun!

"Mag shorts ka lang! Damayan mo ko! Mag dala ka nalang ng dress, yan. Yung nasa kaliwa, Yung blue, dalhin mo." utos niya sakin. Pano kasi, naka shorts lang siya. Simpleng pormang pang maarte. HAHA. Sa katunayan, mukang sila ni Nikki ang magkapatid eh. Sila nagkakasundo sa ganitong bagay bagay eh. :P 

"Shorts?! Bakit?! Aissh. Buti nalang may binili din ako. Sige na. Layas! Salamat!" sabi ko at tinulak pabalik sa kwarto niya si Ate.  

I ended up wearing ripped maong shorts tapos tank top na may patong tapos simpleng favorite sneakers ko lang. Ganyan ako gumala kasama si Ate. Si Ate lang nakakapag pa shorts sakin ehh. 

.... And I'm set. Bumaba na ako at lahat na pala sila nasa kotche na. 

"Grabe naman pag papaganda mo anak. Dyan lang naman tayo eh." bati sakin ni Dad pag ka upo ko sa kotche. 

"Saan nga po ba tayo pupunta?" tanong ko. 

"Wag ka nang maraming tanong jan. Ma, Dad, san si Kuya Raven?" tanong ni ate. Onga, asan na yung paborito kong kapatid. 

"Andun na sa pupuntahan natin. Galing school eh, dumerecho lang." sagot naman ni Mommy. 

"Aaaahh... Ma, malayo ba yun? Medyo inaantok ako eh. Pwede ba matulog muna?" tanong ko ulit. 

"Sige lang nak. Gisingin nalang kita." sagot ni Dad. Wow. Ma na din pala siya ngayon >:P 

-------------

"Bruhita. Gising na oy!" sampal sakin ni Ate Yani. Di naman bonggang sampal. :P Yung sapat lang para magising ako. 

"Maka-sampal naman! Asan tayo?" 

"Eh kung lumabas na tayo para malaman mo!" 

Pagbaba ko, ang daming kotche. Ang gaganda. Ang soso-sosyal. AS IN WOWWWW! O______O

"Wow. Dad, car show pala tong pinuntahan naten. Never akong nahilig sa kotche pero in fairness, ang gaganda ha!" sabi ko kay Daddy habang sinisipat ng mata yung paligid. 

"Ohhh! Engot! Car show?! Car show?! Nasa parking lot palang tayo oy! Umayos ka nga. Tulig ka nanaman!" sabi sakin ni Ate with matching batok. HAHA. Tulig lang ako, sorry naman inaantok pa ko eh. :P Nakakahiya naman yun, buti hindi malakas pagkakasabi ko. 

"Haha! Mukang bangag pa Nak ah! Alugin natin yang utak mo ng maayos!" asar sakin ni Mom. Haha! Kalog din yan minsan si Mommy kala niyo!

"Eh asan nga po ba tayo?" tanong ko ulit. Inikot ako ni Ate para iharap sa arko na nagsasabing isang carnival/amusement park/mall yung pinuntahan namin.  

"MOM! DAD!" sigaw ng isang lalaking papalapit samin. Si Kuya Raven... yes! May kakampi na ko laban kay ate! :P

"Hi Kuya!" bati namin ni Ate at sabay niya naman kaming inakbayan. 

"Oh ano aking mga kapamilya. Tara lets ?" aya samin ni Kuya. Haha! Makatagalog eh. 

"LETS GOOOO!" sabay sabi ni Mom at Dad. Haha! Hyper lang?! 

Nagiikot ikot kami ngayon. Naghahanap ng pagkakainan para sa dinner nang may makita akong stall na prize si Stitch... GUSTO KO ITRYYYY!!!!!!!!! 

Lumapit ako sa stall at pinanuod yung on game, ang galing niya! Nakuha niya yung isang minor prizes. Gusto ko talga itry kaya nung matapos yung naglalaro, sumunod na dn ako para makuha si Stitch na Jackpot. Eto yung laro na babarilin mo ung target na gumagalaw. 

"Magkano po miss?" tanong ko sa tao dun. 

"100 po, 3 tries na yun." 

"Ahh, here..." sabay nag abot ako ng 200 bill. 

"Ma'am, may 5 pesos kayo?" 

"Wait, check ko lang....." tinignan ko yung purse ko kung may 5 pisong naligaw pero wala. 

Tinanong ko si Kuya Raven kung may barya siya habang naghahanap pa din ng naligaw na 5... 

"Kuya, may 5 ka jan?" ..... "Kuya!".... ''KUYAAA!"

at nung sumuko ako sa paghahanap, nilingon ko na si Kuya.... 

ASAN YUNG KUYA KO?! 

YUNG ATE KO?!!

YUNG NANAY KO??!

PATI YUNG TATAY KO??!?!!?!

WHERE ARE YOU GUYSSSSSSS?!!!!!!!!!!!

Shit. Nasaan na yun. Patay, mawawala ako dito. Sa dinami dami ng tao! Saan ko sila hahanapin. 

"Ayy, ate. Wag nalang pala. Akin na yung 200 ko." sabay pagka abot nung pera sakin, nag ikot ikot na ko. Tinext ko si Ate pero walang respond, tinry kong tawagan sila Mom at Kuya pero walang sumasagot. Sa lakas ng ingay ng paligid, hindi tlga nila ko maririnig. Si Dad nalang pag asa ko. 

Dialling Dad

"Pick it up Dad" bulong ko sa sarili ko. Habang mejo nag papanic na. 

Ayun! Nag riring na.... 

Calling Dad

*toot toot toot*

[Dead Battery]

Fck! Shit. Sorry sa word pero bakit nayon pa ko nawalan ng battery! Nyemas na buhay to! Langya! Aissshhh. >_____________________________<

Sasakay ako ng roller coaster sabay tatanggalin yung harness pag maglo-loop na. Sasakay ako sa Ferris Wheel tapos tatalunin ko pag nasa tuktok na ko. Sasakay ako sa lahat ng agaw buhay na bagay! AYOKO NAAAAAAAAAAA!!!!! 

T___T Naiiyak na ko. Di ako sanay sa ganitong lugar. 

Naglalakad lakad pa din ako... Nang may makita akong ice cream stand. Ayun! Comfort food! Pampakalma... Bumili ako ng largest size ng ice cream. Ng may kumalabit sa akin... 

"Hi Miss. Mag-isa ka lang ba?

-------------------------------------

WHO POKED ABIGAIL?! HAHA. 

Mejo malelate po pala ako ng Update. Sa Friday yung susunod kong UD.

Abangan ang Soccer Game sa susunod na Chapter at ang Christmas Season sa susunod pang Chapters. 

Friday-Saturday-Monday-Wednesday po ang schedule ng updates ko pag kinaya ko. 

Maraming Salamat sa pag susuporta! MAHAL KO KAYONG KAPIRANGGOT KONG READERS! =)))

VOTE. COMMENT, FAN AND SPREAD!!!!!!!!

Destiny is my Best friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon