Abigail
Maaga akong nagising ngayon dahil sa isang missed call. Ang sakit ng ulo ko >< Sino ba kasing gumising sakin ng ganitong oras?
Ang hilig maligaw ng mga unregistered number sa cellphone ko. Sino nanaman bang hinayupak to? Grabe. 17 missed calls? Ano bang kailangan nito sakin ng ganito ka aga?
Tinext ko yung number,
"Who are you and what do you want...?"
Di nagtagal nag reply din siya.
"I'm sorry Gail... I didnt mean to say those words."
Si Daniel na to panigurado. Ano siya, sineswerte?! Pagtapos niya ko sabihan ng ganun, akala ba niya ganun kadaling kalimutan yun?! Bahala siya jan... Manawa siya kaka sorry niya pero he wont please me that fast.
Tumayo na ko at nag ready para pumasok...
Pag dating ko sa school, Dumerecho kami ni Nikki sa locker ko para kumuha ng mga kailangan for the day. Pagbukas ko ng locker ko ....
*BOOOOOOGSSSSSSSSHHHHHHH*
Halos matabunan na ko ng sandamukal na letters and envelopes. Sino naman kayang mga sira ulong ginawang mailbox tong locker ko?!
"Dami nyan girl ha, secret admirers?!" sabi ni Nikki habang pinupulot yung mga hindi ko nasalong letter.
"Malay ko..." at binuksan ko yung isang pinakamalaki.
"Forgive me." basa ko sa nakasulat. Yun lang? Ang laki ng papel tapos yan lang? Si Daniel nanaman ba to? Ang demanding ng dating ah! Ano yun? Utusan sa pagpapatawad. Utot niya!
"Forgive you for what? May kasalanan ka ba sakin Gail?" tanong ni Nikki. Aissh. Isa pa to ehh.
"Engot, nakalagay dito."
"Kanino galing? Tska bakit nag sosorry?"
"Basta. Hindi nag sosorry, nag uutos. Tsss." sabi ko sabay binitawan lahat ng dala ko...
"Hindi ko pupulutin to, umayos ka! Kanino ba galing?"
"Kay Daniel." maikli kong sagot.
"Bakit daw?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Nikki.. Ayokong isipin ulit yung nangyare kagabi. Napansin ko ding pare parehas lang yung ginamit na papel sa lahat ng letters na nasa sahig ngayon. Kasi nga binitawan ko diba? :P Iba iba man ng size, pare parehas lang din naman yung papel.
"Magbasa ka pa nga ng isa Niks." utos ko at pumulot siya ng mejo maliit tapos nagbasa pa nga siya ng isa.
"Those words arent real. I have no control of myself last night. I'm sorry Abigail." basa niya dun sa papel. Pssshh. Aren't real?! Tapos inulit niya pa?! No control ?! Sarili niya yun eh! Sorry sorry. Pssshh.
"Mag kwento ka nga!" sabi ni Nikki pero umiling iling lang ako at inapak apakan lahat ng sulat sa sahig.
"Hoy! Sayang naman!" sabi niya ulit.
"Pakitapon lahat... Please?" sabi ko sa seryosong tono. Tiningnan lang niya ko tapos pinulot at tinapon na din lahat ng iyon. Ayoko munang isipin yun. Madami akong dapat gawin at isipin.
"Kahit hindi ngayon. Mamaya nalang Gail ha? Lunch? Ikwento mo samin ng barkada. Sige sige, pasok na ko sa room." Mukang na kutuban na ko ni Nikki.
"Nga pala beh, attend daw muna ng first class lahat. May announcement lang tapos next period libre na kayo." dagdag sakin ni Nikki otw to the room. Ano naman kayang announcement?
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Teen FictionThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.