Abigail
"Ang landi. Kunware best friend..."
"Ang landi. Kunware best friend..."
"Ang landi. Kunware best friend..."
"Ang landi. Kunware best friend..."
"Ang landi. Kunware best friend..."
Paulit-ulit yang linyang yan at yang mga salitang yan sa utak ko habang nakatayo sa harap ni Daniel. Ang lalaking unang nagsabing malandi ako ><
Grabe. All my life, ngayon lang ako nasabihan ng ganun. Masakit pala talaga. Sobrang nakaka-ooffend. Wala bang kaluluwa to? Hindi man lang muna siya nag isip bago niya sabihin sakin yun. Ano ba namang masama makipag bond sa best friend mo? Define MALANDI. So pag may best friend kang lalaki, malandi ka na? Nyemas. Di ko alam sasabihin ko ><
"Anong sabi mo?" tanong ko kahit malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko.
"Bingi ka ba? Sabi ko, ang landi mo." Wow. Straight to the point.
"Eh ikaw, matalino ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Pero may utak ako at hindi ko lalandiin ang best friend ko." HINDI NGA AKO MALANDI! Sige lang! Ipagdiinan mo pa! ><
"Kung may utak ka, sana man lang iniisip mo muna kung anong mga binibitawan mong salita. Kung may utak ka sana man lang alam mo meaning ng "Malandi"....
At kumawala na ang Niagara Falls mula sa dalawang mata ko... Kung nung una, medyo nakayuko ako habang kausap ko siya. Ngayong umiiyak na ko, tumingin ako ng direcho sa dalawa niyang mata.
See through me and see how that single word would affect my whole life...
Nagpatuloy ako...
.......Kung may utak ka, alam mo kung anong pwede kong gawin pagtapos mong sabihin yan. At kung may utak ka, sana alam mo ding may nararamdaman ako."
Natahimik siya sa mga sinabi ko. Nasapul siguro. Nakatingin lang din siya sakin, parang nagi-guilty na ewan. Para bang may message siyang gusto ipahatid through his eyes na parang ako, gusto ko iparating na hindi ko siya agad mapapatawad sa sinabi niya. Muka mang mababa yung dahilan pero hindi ako ganun tao...
"... G-ga--Gail.." he utters.
"Oh ano? Ano nanaman bang sasabihin mo? Na hindi lang ako malandi, na iyakin din ako? Go ahead. Ibato mo sa pagmumuka ko!...
Nakatitig lang siya sakin. Alam kong may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya....
... Oh bakit wala kang masabi jan?! Sumagot ka! Malandi ako diba?! Diba ikaw mabaet? Diba? Super baet mo nga para ma kick out eh! Napaka arogante mo! ... Oh ano Daniel, nasan yang utak mo ngayon?!"
At kumawala na sa bibig ko ang mga salitang hindi ko alam kung saan nagmula. Basta ang alam ko, galit ako. Galit na galit ako. >__________<
"...Abigail...." bigkas niya ng pangalan ko.
Pumasok ako ng locker room at kinuha yung cellphone niya sa locker ko...
Bumalik ako at andun pa din siya sa lugar kung san ko siya iniwan..
"Oh! Baka mamaya sabihin mo naman magnanakaw ako... Congratulations Popoy. You ruined my day. Pati na rin yung pagkatao ko. " yan ang mga huling words na sinabi ko sa kanya.
Bumalik ako sa field na parang walang nangyare. Hindi na din napansin ni Khris yung mata ko. Hindi kasi halata sakin pag naiyak. Namumula lang tenga ko. Hindi na din naman halata kasi madilim na din.
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Teen FictionThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.
