A/N : Hello guys :)) So here’s the chapter where you get the know the answers from last chapter’s questions… 3rd to the last chapter na to. :D
VOTE DALI. HAHAHA. Para-paraan eh noh. :))
Anyway, dami ko ng sabi, HAPPY READING :D
SANA LANG HINDI KAYO MABAGOT KASI SOBRANG HABA PALA NITO FOR A CHAPTER. SORRY GUYS :( HINDI KO KASI NAMAMALAYAN EH. FEELING KO KASI ANG IKLI PALANG TAS ANG HABA NA PALA. BAKA MAWALA YUNG THRILL SA SOBRANG HABA. :(
———————-
KHRIS
Hindi pa din tumitigil yung ulan. Anong aasahan ko eh kakasimula pa nga lang. Umabot na daw yung baha sa ground floor nitong condo. Buti nalang mataas tong kanila. Kawawa naman yung kotse ko dun. Sana buo pa yung auto ko bukas. Hahaha! Masyado pang malakas yung bagyo kaya hindi din mahihila ng mga taga-talyer yun. Bukas nalang ng umaga, sigurado namang huhupa din yang ulan kahit papano, kahit saglit.
Nakaupo na kami sa dining table nila, habang si Tita Jemma nag hahanda ng Cream of Mushroom soup :) Favorite ko pa! Magkatabi kami ni Deniesse tapos katapat ko naman si Killian at katabi niya yung mom niya.
“Kain na kayo para makatulog na kayo.” sabi ni Tita habang nilalapag yung soup sa table. Nag-paparty party na yung tyan ko, tiba tiba nanaman ako nito :DDD
“Uhm.. Tita Jemma, thank you po pala sa pagpapatuloy niyo sakin dito ah. Di ko naman po sana ginustong maka-abala. Oo nga po pala, sino po yung Kevin na sinabi niyo sakin kanina na kamuka ko? May kapatid po kasi akong Kevin…” sabi ko.
“Exactly, iho. Si Kevin na kapatid mo nga, akala ko lang ikaw siya.”
“Huh? Sure po ba kayong ako yung kapatid nun? Kasi po nasa states si Kuya… Pano niyo po siya makikilala?”
“Best friend ko Kuya mo! Nung first year niya dun sa states, nagkasama kami sa dorm tas ayun, naging magkaibigan kami hanggat sa makuha niya na yung bahay ng pamilya niyo dun…” sabi ni Killian.. Teka. Ang gulo naman! Bestfriend ni Kuya si Killian? Tapos? Pano siya nakilala ni Tita Jemma? Tska bakit sila andito? Tska pano agad nila nalaman na ako yung kapatid ni Kuya?! Haayyss! @___@
“Talaga?! Bestfriend mo si Kuya Kevin? Eh pano mo nalaman na ako yung kapatid niya? I mean, agad agad?”
“Madalas ka niyang nakekwento eh. Tas ang laki ng frame niyo dun sa ulunan ng kama niya. Siguro dala ng pagka-homesick. Tsaka kamukang kamuka mo kuya mo, nung pagkakita ko nga sayo kanina dapat tatawagin kitang Kevin eh kaso naalala ko nasa States nga pala siya..”
“Ang liit naman talaga ng mundo oh… Pinagtagpo pa tayo ng tadhana. Hahaha!” Tita Jemma.
“Eh ikaw po Tita Jemma, pano niyo po ako nasabing ako si Kevin kanina?”
“Di mo ba nakita yung sandamukal na pictures nila ni Killian dyan sa taas ng drawer sa sala? Eh akala ko talaga ikaw. Minsan lang kasi magka-bestfriend tong anak ko kaya sabi ko, parte na din siya ng pamilya. ”
“Ganun po ba. Naguguluhan pa din ako pero nakakatuwa lang. Hahaha! Nga po pala, bakit ka nandito sa Pinas ngayon?” tanong ko kay Killian.
“Bakasyon lang. Babalik na din ako dun sa susunod na linggo. Namimiss na daw ako ni Kevin. Hahaha!”
Nakakatuwa lang ano? Yung pinsan ng girlfriend mo, bestfriend ng kuya mo. Diba masyadong maliit ang mundo kaya kami kami talaga ang kinonekta sa isa’t isa. Nakakamangha ang pasikot-sikot ng buhay, minsan akala mo dadalhin ka nito sa makitid na daan. Yun pala kaya ka lang napunta dun para dumating yung mga taong tutulong sayo para lumawak ulit yung daan. Tulad ni Deniesse. Akala ko, kay Abigail na matatapos ang buhay pag-ibig ko tapos bigla siyang dumating at mas pinaliwanag pa ito. Ang makata ko masyado. :D
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Teen FictionThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.
