Chapter 34

431 3 7
                                    

a/n - sorry for the matagal na ud. wala lang po talaga akong time dahil sa school. chos. 

malapit na po pala matapos ang ating story :) abangan nalang ang mga next chapters and bonus short story :)) 

-----------------------------------------------------

Johnzel 

Yes guys. It's Johnzel again :)) 

Nasa ospital kami ngayon. Bakit kamo? Pinapatingin namin yung kamay ni Daniel. Mukang napasama lalo dahil sa nangyare kahapon. Kawawa nga kami eh. Lalo na yung mga pinsan kong sina Yani at Gail. Lalo na tong si Daniel... 

"AAAAHHH!" narinig kong sigaw mula dun sa lugar kung saan ginagamot yung bugbog na kamay ni Daniel. Bakit nga ba nabugbug? .

Flashback 

"Tol, asan na mga pinsan ko?" tanong ko kay Daniel habang nakaupo na kami sa may parking. 

"Umuwi na pare. Mukang gigilitan ng tatay eh. Aissshhh." 

"Bakit hinayaan mo na umuwi ng silang dalawa lang?!"

"Ayaw magpapigil ehh. Badtrip 'tol! Andun na ehh! Ayun na ohhh!"

"Ano nanaman ba?"

"Sasabihin ko na ng direcho sa kanyang mahal ko siya tapos bigla niya kinailangan umuwi! Ang bagal ko kasi eh. Ang tanga tanga kooo!" sabi niya sabay suntok sa puno dun sa tabi niya.

End of Flashback

Ayun. Nang dahil dun, nabugbog yung kamay niya. Di ko parin alam kung anong dapat kong gawin. Iniisip ko si Khris. Iniisip ko si Daniel. Bakit kailangan dalawang kaibigan ko pa ang sabay na magmahal sa pinsan ko?! Nakaka-tanga! Hindi ko alam kung sino ang papanigan ko. Kung sino ba dapat ang manalo sa laban para sa pinsan ko. HAAAYYYY! -__-

Mamayang gabi na nga pala yung prom. Ready na ang lahat pati yung set up ni Khris para sa kanilang dalawa ni Gail. Di ko alam kung dapat ko ba siyang pigilan sa plano niya dahil ang alam ko ay dadalhin din ni Daniel sa prom si Gail... 

"Bro, may balita ka ba sa pinsan mo? Pinapatanong ni Daniel." tanong ni Derrick.

"Kamusta na siya?"

"Ayun, Di daw pede igalaw yung kamay. Mga aabutin ng 3 linggo bago gumaling. Ang laki ng damage eh. Anong sabi ni Gail at Yani?"

"Wala pa kong balita. Hindi din magandang idea ang puntahan sila sa bahay nila. Mabait yun si tito, sobra. Pero sobrang sama niya din magalit."

"May balita ka na ba kay Khris?" 

Honestly, meron. Ako ang nagiging tenga at mata niya sa barkada. Nasa malayo siya eh. Hindi niya sinabi kung saan. Mahirap ding magpanggap na wala akong alam eh. Sobra. Alam ko ding sa hindi katagalan, aalis na siya at sasama na din sa kuya niya papuntang States. Ang hirap maglihim sa barkada lalo na't alam mo na kailangan nila yung nalalaman mo. Pero hindi ko dapat sayangin tong tiwala nabinigay sakin ni Khris. 

"Wala bro." 

"Sigurado ka?" paninigurado niya at tumango lang din ako. Tango ng kasinungalingan. 

"Mga dre. Uwi na tayo. May prom pa tayong pag popogian!" sabi bigla ni Daniel sa likod namin. Mukang masaya pa ang tono. 

"Sa lahat ng nabaldado ang kamay, ikaw na yata ang pinakamasaya."

"Ganun talaga!" tapos umalis na din kami ng ospital. 

Kakalimutan ko muna tong mga problema ko. Basta dapat mag enjoy ako ngayung gabi. 

Destiny is my Best friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon