The Finale - "Almost"

479 17 18
  • Dedicated kay to all my wattpad readers
                                    

A/N - Unang una, ayoko pa sanang itype to kasi ayoko pa siyang matapos. Kaso ayoko naman paghintayin kayo sa finale. Kaya ito. :) Tatapusin na natin tong puchu-puchu kong first shot story. Napasubo talaga ako dito eh. Wala kasing storyline to. Basta update kung anong maisip na next scene. Pero sa tingin ko naman, kahit papano, it turned out well. Diba? 

So this last chapter of Abigail's story is for everyone who took time to read this and appreciate what I did. Sa lahat ng sumuporta at walang sawang nag abang para sa next chapters, maraming maraming maraming salamat sa inyo. 

Di ko alam kung masasatisfy ko yung standards niyo para sa isang magandang story pero hanggang dito nalang ang best ko. Pero sabi nga nila, there's always room for improvement. 

So to all my wattpad readers, this is for you! :( =)))) 

--------------------------------------

DANIEL 

Ang dami ng pumasok sa isip ko. Pero isa lang ang malinaw... Kailangan ko to gawin. Ito nalang ang pwede kong gawin sakaling ano man ang hantungan ko. Agad agad kong dinial ang number ni Gail. Sana kahit sandali, marinig ko siya. Kahit saglit, maramdaman kong andyan siya. Kahit sandali, malaman ko kung ano ang totoong nararamdaman niya. Hindi ko man siya kaharap ngayon, at least, naririnig ko yung boses niya... 

.. Kahit sa huling pagkakataon. :(

"Hello?" kakasalita niya palang pero di ko napigilan yung luha ko. 

Huminga ako ng malalim. "Babe..." 

"Daniel! Babe ko!" lalong dumaloy yung luha ko. Ang saya pa naman nung boses niya. Patawarin mo sana ako :( 

"Hi Babe, happy birthday..." nanginginig na yung boses ko. Baka mahalata niya na umiiyak ako. Hinga Daniel. Konti nalang oras mo para marinig ang mga gusto mo marinig. 

"Salamat! Asan ka na ba? Miss na miss na miss na kita! ... Hay.. Ano ba yan.. Naiyak na tuloy ako. Haha! ... Alam mo ba pumayag na si Daddy para satin dalawa? Diba ang saya nun?! Sobrang saya ko nga ngayon kaso mas sasaya sana ako kung nandito ka. Wala tuloy akong 18th dance. Asan ka na ba ha? Gustong gusto na kita makita!" and the tears kept running down my face. Kailangan gawin sakin to? Ngayon pang pwede na lahat? Ngayon pang wala nang hadlang saming dalawa? 

"Babe, sabihin mo sakin, mahal mo ko diba? Sabihin mo nga." 

"Mahal kita Daniel. Mahal na mahal! Teka, bakit ba? Asan ka na ba?"

"Mahal na mahal kita Gail. Lagi kitang babantayan ah! Sorry kung wala kang 18th dance kasi hindi na ko aabot dyan sa party mo eh at kung dumating man yung punto na may magmahal sayong ibang lalaki, sige lang. Basta wag mo ko kakalimutan sa utak mo. Okay lang na mabura na ko sa puso mo. Ilaan mo nalang yan para sa iba. Wag na sakin... Im so sorry Abigail. Wag kang iiyak ha? Wala na ko jan para punasan yung luha mo. Sayang hindi na kita makikita."

"Huy! Umiiyak ka ba? Kinakabahan naman ako sayo babe eh! Bakit naman ako iiyak tsaka bakit ba parang nagpapaalam ka na? Galing mo magdrama ah! Hahaha! Hindi naman kita ipagpapalit eh. Pumunta ka na dito! Gusto na kita yakapin eh!"

Destiny is my Best friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon