Chapter 37

350 6 4
                                    

Abigail 

"Sorry talaga Gail..." bulong ni JZ habang magkayakap padin kami. 

"I understand. Hindi ko lang alam kung bakit niya kailangan gawin to. Hindi ko kasi kayang mawala siya o kahit sino man sa inyo. Napaka importante niyo sa buhay ko. Lalo na si Khris." sagot ko ... 

"TALAGA?!" singit ng isang pamilyar na boses. 

Lahat kami napalingon at hinanap kung saan nanggaling ang boses na yun ... 

"KHRISTOFFER?!"

Khristoffer 

Hindi ko alam kung anong enerhiya ang pumigil sakin at pinagmasdan ko nalang yung eroplanong dapat sinakyan ko na lumipad... 

Nakaupo ako ngayon dito parin sa airport ng makita ko ang barkadang madaling madali na tumatakbo papunta sa counter. Nataranta ako kaya nagtago ako sa likod ng puno. Hindi ko nga alam kung bakit ako nataranta eh. Pinagmasdan ko sila habang binabasa ang lungkot sa mga mata nila ng malaman nilang naka-alis na yung eroplanong dapat sinakyan ko.

Hindi nawala sa isip ko na gagawin ni JZ yun, na sasabihin nya din sa huli sa barkada ang tungkol sa pag alis ko. Knowing him, siya yung taong hindi makakapagtago ng sikreto for more than an hour, syempre excempted yung mga komplikadong sikreto. Yung halimbawang sinabi mong may gusto ka kay ganito, maya-maya, alam na nung crush mo yun! Yan si Johnzel and natatawa nalang ako sa achievement na nagawa nya ng maitago nya yung pinagkatiwala kong pagmamahal kay Abigail. 

Hindi ko alam kung dapat na ko magpakita sa kanila. Sayang yung mga iniiyak nila, napupunta din sa wala. Andito naman ako eh. Napagtanto ng puso ko na hindi ko dapat tinatakasan ang problema. Ngayon, sa mga kaibigan ko hinugot ang lakas ng loob para harapin ang problema. 

Muka na kong tanga dito habang pinapanuod ang mga nanyayare. Paiyak-iyak sabay punas. Tatawa, iiyak. Buang na nga talaga ako. Sayang yung plane ticket ko! Mahal kaya nun! Haha! Nagawa ko pang mag kwenta ng nasayang ko eh noh! :P 

Pero nahulog yung puso ko ng makita kong dumating si Gail at napaluhod ng marinig nyang naka-alis na ako. Hindi ko alam na ganun ako kaimportante sa kanya na magagawa niyang  magmukang timang para sakin. Maling mali ang ginawa kong pag alis ng walang iniwang explanation. Patawarin mo sana ko Gail, ang mahalaga lang, andito na ako at hindi na ko aalis palayo sakanila ulit.

"Sorry talaga Gail..." narinig kong bulong ni JZ. Pag ba ganito, lumalakas pandinig? :P

"I understand. Hindi ko lang alam kung bakit niya kailangan gawin to. Hindi ko kasi kayang mawala siya o kahit sino man sa inyo. Napaka importante niyo sa buhay ko. Lalo na si Khris." sagot ni Gail. 

Napaka importante niyo sa buhay ko. Lalo na si Khris.

Napaka importante niyo sa buhay ko. Lalo na si Khris.

Napaka importante niyo sa buhay ko. Lalo na si Khris.

Napaka importante niyo sa buhay ko. Lalo na si Khris.

Napaka importante niyo sa buhay ko. Lalo na si Khris.

Napaka importante niyo sa buhay ko. Lalo na si Khris.

".... Lalo na si Khris." pag uulit ko sa sarili ko. 

O.O She said that? As in lalo na daw ako? Shit pare. Hindi ako makapaniwala! :DDD Ngayon narinig ko na yan, wala na akong dahilan para umalis. Pero syempre nagiguilty parin ako na nasaktan ko silang lahat at kailangan ko na tigilan tong kasinungalingan kong to.

"TALAGA?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na ko mula sa pinagtataguan ko.

"KHRISTOFFER?!" sabay sabay nilang pagtataka. Yes guys, ako ito. :)

Destiny is my Best friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon