Daniel
Haaayyy. Nakahinga na din ako ng maluwag... Sa wakas, wala na kong iniintindi. Sobrang gaang sa feeling. Di ko nalang namalayan na nakangiti ako hanggang ngayon simula nung nagbati kami ni Gail. Sabi ni Ate sobrang positive daw ng vibes ko... Sinagot na daw ba ko ng nililigawan ko, HAHAHAHAH! :| Baka may nililigawan?! Nakoooww.
Speaking of ligawan... Mang chicks kaya ako? :PP Matagal tagal na din akong SMP ehh. Maiba naman... Penge nga akong chicks jan!!!
Magkakasama kami ng boys ng barkada ngayon... Pasok na ulit ako sa barkada nila Gail pero I know may tinatago pading galit tong si Khris sa akin. Eh basta! ...
Nakatambay kami ngayon sa kwarto ni Johnzel nina Tristan, Khristoffer tapos Ako. Kasama din namin si Kuya Migz at Kuya Raven... pati din pala si Derrick.
Grabe lang! Budbud ng pictures ni Ate Pau bawat kanto ng kwarto ni Johnzel ehh. Kala mo may exhibit! Museum lang?!
Sari-sariling gawain... Nag cocomputer si JZ, si Tristan nagbabasa (Forever Nerd :P), si Khris kalaro si Kuya Migz sa iPad tapos si Kuya Raven tulog... Hahaha! Ako eto, nag nanarrate! :P Haha.. Nag kakalikot ng kung ano anong gamit ni Johnzel.
Tinitingnan ko yung album ni Ate Pau at JZ na nakalkal ko sa ilalim ng kama ni Johnzel. Sobrang sweet lang ng pictures nila, parang forever na sila. I can't imagine na maghihiwalay tong dalawang to.
Ako kaya? Kelan kaya ako mag kakaron ulit ng girlfriend...? Hmmmn ...
"Hoy Daniel! Baka kung ano makalkal mo jan ahh!" sabi ni JZ habang busy pa din. Nag tetetris pala :P (Uso eh! :P)
"Matanong ko lang... Pano kayo nag kakilala ni Ate Pau?" sabi ko sa kanya...
"Kaibigan siya ni Ate Yani ehh. Pinaka bata sa grupo nilang magkakaibigan. Tas nireto sakin ni Ate Yani... Ayun. :D" wow. uso pa pala tong reto reto na to. Hahaha!
"Pano mo siya niligawan?" tanong ko ulit.
"Edi sinuyo, Nagpaka alila, nag mistulang service araw araw, provider, sponsor, tatay, nanay... Hahaha!" ganun ba dapat manilgaw?
"Buti hindi ka pinag sibak ng kahoy tsaka pinag igib ng tubig!" singit bigla ni Khristoffer. Hahaha! Oo nga no.
"Muntik muntikan naaa! Hahaha! ..... " at sabay sabay kaming nagtawanan. Sipag ni Kuya Raven matulog, di pa nagising sa lakas ng tawa ko! XD
"WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Maka sigaw naman tong si JZ! Problema?!
"Maingay lang?! Kailangan sumigaw?!" pambabara ko
"Ehhh! Natalo tuloy ako sa Tetris! Rank down nanaman! Dami mo kasing tanong ehh!" Aba! Sinisi pa ko. Hahaha!
"Training yun! Concentration training! Hahaha!"
"Eh bakit mo ba kasi tinatanong?! May popormahan ka no???"
"Uyyyy! May popormahan si Daniel! Sino yan broooo?! Sharreeeee!" asar nila. Ganun ba yun? Pag nagtatanong ng ganung bagay may popormahan agad?!
"Hahaha! Naghahanap palang mga tol..." sagot ko.
"Try mo maghanap via internet bro!" suggest ni Kuya Migz.
"Posible ba yun?" singit ni Tristan.
"Oo naman!" sagot ni JZ tapos pinaupo niya ko sa computer chair at binuksan yung blog niya.
"Pare! Smile ka dali!" At napa smile ako bigla kasi pinicturan niya ko through the webcam. Anong balak nito?
"Tabi jan!" sabi niya ulit. Papa-upuin mo ko tas papa-alisin mo lang din ako?! Ang gulo mo dreee!
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Teen FictionThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.