Daniel
"HOY! LABAS NA!" sabi nung isa kong pinsan ko sakin ng makarating kami sa paparoonan namin. Wow ah! Sa sarili ko pang kotche ako pinalabas... Asan ba kami? Bar ba talaga?! Mamaya magaya kami kay Elisa, may mawala din akong pinsan. :P
3 kotche yung dala naming magpipinsan. Yung kotche ko, na amin naman talaga ni ate pero inaangkin ko, tapos sa mga pinsan ko na yung 2. Asan ba kami?
"ETO ANG BAR!" sabi nung pinsan ko.
"Kelan pa naging bar to?" sabi ko ng makita kong hindi naman tlga bar yung pinuntahan namen.
"Asa ka namang bar talaga! Pwede ka ba sa bar?!" sabi sakin ni Ate. K.Fine. Ako na underage.
"Anong trip niyong gawin dito?" tanong ko.
"Imamassacre lahat ng nandito." sagot nung pinakamatanda kong pinsan. Haha! As if!
"Tara na." aya nila at dumerecho kami sa isang restaurant.
Doon kami kumain ng dinner. Sila lang pala. Busog pa ko dun sa kinain kong tons of carbonara. Di ko na maaatim kumain pa.
Nang matapos na lahat kumain, pinaclear na nila yung table. Tumayo na ko...
''San ka punta bro?" tanong sakin ni Ate.
"Aalis na. Eh kayo, bakit nakaupo pa kayo jan?"
"Sino ba nagsabi sayong aalis na tayo?"
Aishh. Ano nanaman bang trip to. Basag ako dun ahh so umupo nalang ako ulit at naghintay ng mangyayari. Dumating yung waiter na may dalang empty wine bottle.
"SPIN THE BOTTLE?!" tanong kong tanga tangahan. Malamang. HAHA.
"Ay hinde! Ipupukpok yang bote isa isa sa ulo natin kung saan mabasag, matigas ulo!" Pambabara sakin ng mga pinsan ko;. HAHAHAHAH! Laughtrip talaga pag magkakasama kami.
"Oh ako magspin!" presenta nung pinaka matanda kong pinsan. So spinin niya na nga kaso ang duga! Halatang tinapat niya sakin ng sadya ehhh! Lakas tlgang mantrip nitong mga tooo!
"OoohhH! Madugas ka ahhH! Umayos ka Kuya! Ulitin mo yan!" reklamo ko.
"Walaaaa! Wallaa! Sayo tumapat ehh. Ulitin ka jan?!" sunod sunod nilang udyo sakin. Sige! AKo nanaman pinagtutulungan!
"Truth!" sabi ko agad. Wala namang magagawa pag nag protesta pa ko eh. Tska kung dare, sobrang wild nung papagawa sakin ng mga to.
"Anong truth ka jan? Sinong nagsabing may truth? HAHA! Dare!!!" sigaw nila. Haissh. Nkakahiya. Ang ingay nila. HAHA.
"Whatever! May choice pa ba ko!" sigaw ko. Nagbulungan sila dun, pinaguusapan yung idedare sakin.
"Oh ano na?" tanong ko.
"Ang unang babaeng naka-blue na makikita mo paglabas naten, alukin mong sumakay ng Roller Coaster. Syempre exempted ang seniors at medyo matatanda na. Mga gantong ka age bracket lang naten. :P" Explain ni Ate.
"Ang dali naman!" sabi ko. HAHA! MAyabang na kung mayabang, madali na yan sa lagay na yan kasi mahirap talaga sila pag nagpapadare ehh.
Lumabas kami. Nangunguna ako. Nagsisipat ng mata sa mga babaeng na blue. Napansin ko naka-blue din pala ako. HAHA. Grabe. Soulmate ko sana yung makita ko xD
Ayun! May babaeng naka blue sa may Ice cream stand ...
"Oh bro! Kaya mo yan! good luck!" Sabi nung isa kong pinsan.
"Oo naman! Ako pa." pagmamayabang ko. Nilapitan ko yung babae, kinalabit ko at sinabing...
"Hi Miss. Mag-isa ka lang ba?"
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Подростковая литератураThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.