Dedicated to Ate TinnieSweetie dahil siya ang madalas kong 1st comment :) Thank you po!
Ayaw gumana nung Dedication Button eh :(
----------------------
Daniel
Mga ilang minutes na din ang nakalipas at bumukas na yung pintuan ng banyo niya. Sumingaw yung fog palabas at parang naging effect sa pagtapak niya palabas ng banyo. Naka bath robe lang siya. Ang ikli pa nung robe niya! Tapos yung ANO niya.. yung tinanong sakin ni Ate Ella, umuusbong sa pagitan nung robe! Dahan dahan siyang naglakad papunta sakin. Aissshhh! MY EYESSS! >__________<
Pinikit ko yung mata ko at tumagilid sa side kung saan hindi ko siya makikita pero tinawag niya ko sa pinaka-nakaka akit na boses na kaya niya.
"Daniel?" WAAHHH! Tigilan mo koooo! Hindi ako lilingon sayooo!
"Daniel, nandito na kooo." bakit ba ganun yung boses niyaa! Waaahhhhh! Napapraning na kooo! ><
"Daniel... Ang init kasi ehh. Pwede ko ba tanggalin tong robe ko?" WAHHH! Ano daw?!?! Wag mong gagawin yaaann! Naramdaman kong naka-lean siya at malapit na yung muka sa muka ko, binubulungan niya ko. Ang init nung hininga niyaaaa! WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!
"Daniel.... Daniel...Daniel...." Tigilan mo ko Gail! Wag mong subukan ang pagkalalaki ko! WAAHHHHHHHHH!!!!
Naramdaman kong nababasa yung muka ko! Ano ba to?!
"HOY DANIEL! KANINA KA PA JAN UNGOL NG UNGOL! ANO BANG PROBLEMA MO?!"
... At nagising ako mula sa isang weird na panaginip! PANAGINIP! Aissshh >< Nakatulog na pala ko! Shemay! Buti nalang hindi totoo yun! >< BUTI NALANG TALAGA!
Basa na yung muka ko, Tumatalsik kasi sakin yung tubig mula sa buhok ni Gail habang nagsusuklay siya sa tabi ko.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at pinunasan yung muka ko. Tinignan ko si Gail at natuwa ako sa nakita ko.
"Nakadamit ka pala." sabi ko.
"Aba! Malamang nakadamit ako! Ang weird mo! Sa tingin mo ba lalabas ako ng banyong naka hubad?!"
"Ha? Ano, wala lang. Natuwa lang ako kasi nakadamit ka!"
"Anong nakakatuwa dun?!"
"Wala lang." sagot ko sabay ngiti. Inirapan niya lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo niya. Binalik niya sa drawer yung suklay tapos tumayo sa harap ko at nag pumewang.
"Ano?! Bakit ganyan ka makatingin?!" tanong ko.
"Tayo dyan." utos niya at tumayo naman ako agad.
Umupo siya at pinagpag yung kama gamit yung unan niya tapos umupo siya sa gitna. Nakatungo lang siya at ewan ko kung anong ginagawa.
"Hoy!" tawag ko sa kanya.
"Sshhh.." tumahimik nalang ako. Baka kasi marinig pa ko ng mga tao sa baba eh. Umupo ako sa couch ng kwarto niya at kumuha ng isang manga mula sa shelves niya. Mukang luma na to. Magbabasa nalang ako xD
"Gail, mahilig ka pala sa manga." sabi ko sa kanya.
"Ssshh..." at tumahimik lang ulit ako.
Habang nagbabasa, may lumabas na di kanais-nais mula sa librong hawak ko..
"Ipiiiiiiiiiissssssssssssssssssssssss!!!!!!!" >< Aissshh! Bakit sa lahat pa ng insketo, ipis paaa! Waaahhh! Sa sobrang takot ko, nabato ko yung libro at napunit ito. Napatalon ako papuntang kama niya at nagtago sa kumot.
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Teen FictionThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.