Daniel
Ano ba naman kasi yan eh! Bakit ba kasi ako sumama sama kay Tristan. Sana pala nag stay nalang ako sa bahay. Hindi naman worth it tong pag labas ko eh. Kala ko chicks talaga eh! Edi sana nasa tapat nalang ako ng computer ngayon!
Hay nakooooo.
So eto ako ngayon, naghahanap ng tataguan. Dahil wala ako sa mood gawin to, naglakad ako habang sila kumaripas sa pag takbo. Ayos na din. Kesa mataya ako.
Wala na kong mahanap ng iba ng napatingala ako at nakakita ng puno. Edi dun nalang ako. No choice eh. Patapos na yung pagbibilang ni Nikki.
Inakyat ko yung puno.
Mataas-taas din pala to noh? Yari pag nahulog ako mula dito.
"Mr. Kapre, excuse me po ha! Patago lang saglit. I don't bite!" bulong ko habang inaayos yung pagkaka-upo ko. Mahirap ng mabati ng kapre noh!
Ang sarap ng hangin dito, nakaka good vibes. Wag nalang kaya akong bumaba? Hahaha! Hala, nag enjoy?!
Pa lingat lingat ako ng tingin, malay mo may ahas o kaya kung ano. Sana walang langgam ><
Nakita ko sa baba ng kabilang puno si Khris. Alam kaya niyang nandito ako? Haha! Astig! XD
Ang cool din palang umakyat ng puno eh noh! Natatanaw ko ang buong mundo. Lol Joke, buong area lang.
Ang saya pa nga ni Zian at Nikki eh. Samu't saring hampas na ang natatanggap ni Zian tapos tuwang tuwa pa siya?! Abnormal!
Bahala kayo jan. Mag-eemote ako dito! Anuraw? LOL. Pumikit ako pero hindi ako matutulog, mamaya ma out of balance ako, namatay pa ko! Edi nabawasan nanaman pogi sa mundo! :P
Lumakas ang hangin.
Ayy, may ganon?! XD
"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!" Walastik na tili yan! Wagas! Kabingi ><
Sa gulat ko, halos mawala yung balanse ko. Sino ba yun? Walangyaaaaa!
Syempre tinignan ko yung paligid sa baba, at itong si Pam este si Abigail ay nasa paanan ng puno kung nasan ako. Pampam talaga ><
Ano nanaman bang problema nito?
Wala pang 30 seconds, 2 na kami dito sa puno.
Imba! Unggoy ba magulang nito?! Bilis umakyat ng puno eh! Partida, nahirapan pa ko dito ah!
Nasa harapan ko na siya, at priceless ang mukha nya! Ganon ba siya pag nakakakita ng pogi?! XD
Nagkatitigan kami at tinangka niyang tumili.
"KAP---"
Bago niya pa maituloy kung ano man dapat yung sasabihin niya, tinakpan ko na yung bibig niya.
"Ssshhhh!" bulong ko, nakita ko kasing papalapit sina Zian at Nikki dito. Ang ingay naman kasi ehh!
Nakita kong napansin kami ni Khris, or baka si Pam ay si Abigail lang. At ayon, siya yung nahuli ni Zian at Nikki.
"mmmmmnmnmnmnm" sabi niya habang nakatakip pa din ako sa bibig niya. Tanga lang? Baka maintindihan kita!
"Wag kang magulo! Kung ayaw mo mataya jan tulad ni Khris, shut it!" Bulong ko ulit na medyo malakas na ewan. :P
"mmnmnmmnmnmm" Aist naman >< Ang kulet!
"Pwede ba?! Whatever you're saying, I wont understand. Kaya manahimik ka nga!"
Natigilan siya for like 10 seconds at medyo nakaluwag na yung inis ko nang DILAAN NG WALANG HIYANG BABAENG TO ANG KAMAY KO! YAAAKK! ><
Syempre agad ko din tinanggal at pinahid sa kanya yung kamay ko! Punyemas Marimar! Kadiriiiiii! ><
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Teen FictionThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.