a/n - isa po akong lecheng author. ahaha! eh kasi pinalitan ko yung description nitong story kung kelan patapos na XD yun lang! shareeee :)))
Abigail
Hindi parin ako maka-get over dun sa nangyare sa airport kagabi. As in, damn man! Nakakapanlinlang! >_<
Kakadating ko lang sa ospital ngayon. Nandito nga ako, stuck naman yung utak ko sa hindi pag alis ni Khris. Ewan ko ba. Diba dapat nga natutuwa ako kasi nga hindi na siya aalis. Hindi na nya kami iiwan. Pero bakit ganun? Nainis ako nung nalaman kong hindi siya aalis. Naurat ako ng malaman kong hindi na siya tumuloy.
Ang topakin ng utak at puso ko. Nung aalis siya, grabe ako maka-iyak. Nung hindi na siya aalis, hindi naman ako masaya. Tapos ngayong hindi ko siya makausap ng matino, lalo ko naman siyang namimiss! Ano ba tlgang gusto ko? Nakaka-tanga naman yung mga ganitong sitwasyon...
"Gail. Nalulunod ako." may biglang nagsalita. Kilala ko tong linyang to ah!
"Huh? Bakit?" sagot ko... Si Ate pala yung nagsalita.
"Eh kasi ang lalim ng iniisip mo eh!" Haynakuu -.-"
[ a/n - if you guys could remember, sinabi ni Khris kay Gail yan noon. Kung di niyo maalala, check Chapter 4 :D ]
"Tss. Dun ka nga." sabi ko sa kanya. Nakakainis. Naalala ko lang tuloy ulit si Khris.
"Eh bakit ba? Ang sungit nito! Ano bang iniisip mo?" Chismosang ate! XD
"Wala! Alis nga dyan... Ang ingay ingay mo, pag nagising si Daddy!" tapos tumayo ako at naglakad lakad sa paligid ng ospital.
Di ko napansin, dito na pala ako napadpad.
... Sa Chapel.
Senyales na ni God to.
Naglakad ako papunta sa isang upuan at lumuhod. Ang daming nagdadasal. Ang daming umiiyak at halatang mas mabigat yung problema nila kaysa sa akin. Dito ko na realize na mabuti pa yung kalagayan ko. Kung malas ako, may mas malas sakin...
Pinagdasal ko ang pag galing agad ng Daddy, na sana hindi na kami matuloy sa States , ang pagka-ayos namin ni Khris, ang pagkabuo muli ng barkada, ang lamat sa pamilya namin at yung iba pang kailangan kong hilingin sa Diyos...
Pagkatapos ko magdasal, I stayed a bit longer. I dont know why pero may pumipigil sakin lumabas ng chapel. Pero hindi rin ganun katagal, nag desisyon na ko para sa sarili ko. Tumayo ako at nang magsimula akong maglakad palabas, napatigil ako.
Nakatayo lang ako dun, nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang batiin o wag muna. Aba'y ewan at bigla nalang akong dumire-direcho na parang walang nakita pero pinigilan niya ko.
"Abigail, kausapin mo naman ako oh." sabi ni Khris.
"Ano ba kailangan nating pag-usapan?"
"Gail, I know, aaminin ko, I was wrong. Sobrang maling takbuhan ko kayo palayo at bigla nalang umalis ng walang pasabi. Pero pinagsisisihan ko na lahat yun. Sorry na Gail.. Please?"
"Why?"
"Ha?"
"Anong ha? Bakit Khris?! Bakit?! Bakit ka umalis? Bakit ka nagtago? Bakit bigla mo nalang kaming iniwan? Sabihin mo nga! Magsalita ka! Bakit?!" .. this time, humarap na ako sa kanya at sinuntok suntok yung dibdib niya. Naiinis ako! Pasensya nalang po sa mga nagdadasal pero hindi ko na matimpi yung inis ko. At sa sobrang inis ko, naiyak na din ako...
"Gail, makinig ka sakin." pero patuloy padin ako sa paghampas at pagsuntok sa kanya at siya, na mukang hindi nasasaktan, patuloy padin sa pag sangga.
Hinila niya ako palabas ng chapel at dun kami nag usap...
"Gail! Tumigil ka nga!" sigaw niya. Sinandal niya ako sa pader at kinulong sa pagitan ng mga braso niya. Hindi ko naman siya masisisi, alam kong nasaktan ko din siya, di ko nga lang alam kung pano.
"Oh, ano na ngayon? Magsalita ka na nga!"
"Isang beses ko lang sasabihin sayo to kaya makinig ka ng mabuti."
Huminga siya ng malalim at mukang hinila lahat ng courage na meron siya para sabihing...
... " Gail, kaya ako umalis, kaya ako nagtago, kaya ako umiwas at kaya ako nagplanong umalis ng Pilipinas, lahat yun Gail dahil sayo! Alam mo ba yun, ha? Dahil sayo yun!"
"Dahil sakin?"
"Oo! Lahat yun dahil sayo! Kaya ako hindi natuloy dahil sayo! Kaya ako nandito dahil sayo! Abigail, tatlong taon ko tinago to. Tatlong taon, mula 1st year. Mula nung unang beses na magkita tayo, Gail. Ganun katagal pero kahit kailan hindi ko nasabi sayo... "
"Khristoffer..."
"Patapusin mo ko para matapos na din lahat ng to. Gail, mahal kita. Narinig mo ba yun? Mahal ko ang best friend ko at napaka tanga ko! Napaka tanga ko para mahulog sayo! Gail, hindi ako magugulat kung lalayuan mo ko pero sana wag mong baliwalain to 'cause I took up all my courage to say this to you."
"Khris---" at hindi ko na napigilan at niyakap ko nalang siya.. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan yung sinabi niya pero hindi ko alam kung bakit ako natuwa. Hindi niya ko niyakap pabalik pero hindi ko yun pinansin...
"Bitawan mo ko..." sabi niya at dahil sa gulat ko'y kumalas ako sa pagkayakap ko sa kanya..
"Alam ko namang si Daniel ang mahal mo eh. Sinabi ko lang sayo to para hindi naman magmuka kang tangang clueless. Gail, you dont have to pretend you like me."
"But I love you Khris!"
"Bilang bestfriend..."
At natahimik lang ako....
"Pero hindi nga yun ang gusto ko! Naiintindihan mo ba ako?! Hindi mo alam kung gano ko ka gustong mahalin ka ng kung anong gusto mo pabalik eh. Pero pwede bang maging masaya nalang tayo para sa isa't isa? Na nandito ka, andito ako... Ganun ka-simple...Everything will be okay Khris."
"Everything will always be okay when you're not the one in the situation." this time, nanginginig na yung boses niya. I can feel the lump in his throat habang pinipigilan niya ung mga luha niyang babagsak na. Ilang minuto kami natahimik pero nakakulong parin ako sa mga braso niya. Nakayuko ako at tumayo na siya ng tuwid at tumingala at tumingin siya sa kisame... Malamang, pinipigilan yung luha.
"Gail, sorry ah. Sorry kasi we ended up like this or "I" ended up like this. Hindi ko ginusto to. Pinigilan ko pero its too late. Tell Tito Marco to be fine soon. I love you Gail and I will always be here for you." and he kissed my head tapos naglakad paalis. Hindi ko na siya pinigilan. Im still under a state of shock at hindi ko pa alam kung pano ko haharapin tong mga nangyayare sa buhay ko.
---------------------------------------
Sorry kung bitin at maikli lang guyss... Yan palang ma UD ko ngayon.. Dont worry kasi bakasyon na kami kaya I have loads of time to UD na :)))
HOPE YOU LIKE IT! :D
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Novela JuvenilThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.