Dedicated kay Anghelito! =))
Khristoffer
On the way to the room para kunin yung mga naiwan kong gamit, may nakita akong explosive revelation!
Nakita ko si Zian na tinatakpan ang mata ni Nikki at may flowers sa likod ng kabilang kamay ni Zian... Sabi na eh. Matagal ko nang kinukutuban tong dalawang to ehh. Haysss, buti pa sila.
"EHEM!" pagpaparinig ko habang dahan dahan dumaan..
Bayaaaan. >< Hindi ata ako narinig. So ayun, hinayaan ko nalang sila. Iistorbohin ko pa ba?
Tumuloy na ko sa paglalakad ng ....
"WWWOOOOHHHH!" "KAYO NAAA!" "CHEEESSYY!" Hiyaw ng mga estudyante sa Hallway A. Ano kayang meron?
Nakisiksik ako sa kumpulan ng tao ...
... na pinagsisihan ko. </3
Sobrang sakit sakin nung nakita ko...
I almost felt my heart falling out of my butt. Sasabog na ko. Parang gusto kong sapakin si Daniel at that very moment. Gusto kong sumigaw. Gusto kong higitin si Abigail papalayo sa kanya. Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala! JUSKO! Sana lamunin na ako ng sahig sa kinatatayuan ko ngayon. Now na please.
Alam mo yung feeling na nararamdaman mo na talaga yung puso mong nahahati sa dalawa? Napahawak ako sa dibdib at pinipigilan bumigay yung mga mata ko. Ayoko sa nakikita ko pero ayaw umalis ng kaluluwa ko. Siguro ito na nga ang sign ni Lord na hindi talaga kami para sa isa't isa. Sapat na naging parte siya ng buhay ko, na iba tlga yung nakalaan para sa kanya ....
........ Na sapat na yung matalik na kaming magkaibigan... :(
Tumakbo si Abigail palayo at susundan ko sana siya pero mukang hindi ako ang kailangan niya ngayon ...
Nag alisan na din yung mga nagkumpulang tao, pero nakatayo pa din ako dun...
"HOY!" pag gising sakin sa Earth ni Johnzel. Kasama niya si Nikki at Zian.
"Uyy, kayo pala!" bati ko sa kanila.
"Mag ma-mall kami mamaya. Bibili ng pang exchange gift. Sama ka?" tanong ni Jz... Um-oo naman ako agad. Si Nikki yung nabunot ko ehh. Share ^^
"Ah pare, bibili na din kami ng pangregalo kay Zian dun. Birthday niya na sa Soccer game." dagdag ni Nikki.
"Hahaha! Mag dedate kayo eh! Mamaya maka abala lang kami ni JZ!" pambibiro ko na parang walang nanyare.
"LOKO! HAHAHA! Ge. Kita kits sa waiting area mamaya... ASAP ha? Wala ng uwian. Ayain mo na din si Abigail. At kung sino man... Haha!" sabi ni Zian.
-----------------------------------
Abigail
Shiks. Gail, kumalma ka! San kaba pupunta?!?!?! Bwiseeet ><
Naiinis ako sa ginawa ni Daniel... Hindi kasi dapat ako kinilig nun eh. >< Aissshh. Bwiseeet. Galit nga ako kay Daniel diba?! Galit akoooooo! >< Papanindigan ko to!
Naglalakad ako papunta sa wala ng mapadaan ako ng Music Room....
Dun ko nilabas lahat ng galit ko through drums... Natatakot ako baka mabutas ko tong drums ehh, bayarin pa!
Pero wala na kong pakialam. Hampas kung hampas. Kung ano anong beat nalang ginawa ko basta kailangan kong ilabas tong nasa dibdib ko.
"WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko. Ayos lang yan, Sound proof naman tong music room ehh.
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Teen FictionThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.