Chapter 23

422 5 5
                                        

Daniel 

Buti nalang simula na ng bakasyon... Relax relax muna ako. Noche Buena na pala mamaya... Madami nanamang pagkain!!! Magiging masaya tooooohhh! Kaso wala pa kong regalo mula kina Mom at Dad. Dugaaa >< 

Bumaba ako ng kwarto ko at hinagilap sina Mom and Dad... Nasa kusina sila, nag peprepare ng pang Noche Buena mamaya. 

"Hey Mom, Dad..." bati ko sabay akbay sa kanilang dalawa. 

"Oh, oh.. Nak' mamaya na please. Busy kami ng Daddy..." sabi agad ni Mom. Ano ba yan >< Minsan lang maglambing ehh. 

"Eh kasi Ma, wala pa kayong regalo sakin ehh. Wala pa tayong bonding as family. Lagi nalang kayong busy.." pagdradrama ko... Totoo naman pero sanay na ko. What's new? 

"Sorry anak ha... We'll make bawi nalang." singit ni Dad. Ang arte niya lang magasalita. Haha! 

Umakyat ulit ako ng kwarto ko at humiga ulit. Nilibot ko ng tingin yung malawak kong kwarto. Ano bang pede pampalipas oras?! Ayoko naman mag AnBorg.. mamaya di ako makapag Noche Buena sa ka adikan ko... Tumayo ako at binuksan yung drawer. Nakita ko yung Credit Card ko. Sabi ng Daddy, emergency cases ko lang daw gamitin to... Malaki naman daw kasi allowance ko... Oh well, dahil bored ako. EMERGENCY TO! :P  

I drove to the mall. Dumerecho ng Comic Alley at nagbibibili ng kung ano anong items dun... Pero bago yun, nag withdraw muna ko syempre :P 

Habang naglalakad kasama ang sandamukal kong pinamili, syempre hindi lang akin lahat yun! Pang regalo yung iba... Kina Tristan, Ate, Mom, Dad... at sa iba pa... , Edi ayun na nga, naglalakad ako ng may naka-apak sa paa ko. 

SOLID EH! Kulang nalang sumigaw ako dun. Eh naka tsinelas lang pa naman ako >< 

ABA ANG WALANGHIYA, HINDI MAN  LANG NAG SORRY! BUWISEEEEEETTTTTTT! 

"Manners man! Manners!" Sigaw ko dun sa lalaking naka apak sakin nang may lumapit saking matanda... 

"Iho, paskong pasko, matuto tayong magpatawad at humingi ng tawad. Kahit isang araw lang, magparaya tayo." sabi nung matanda habang hawak yung kamay ko.. Medyo natakot ako kasi ang strange diba... Super strange.. Well, for me. Kinilabutan ako ng bitawan niya na yung kamay ko. 

Pinagmasdan ko yung matanda hanggat sa makalayo siya at napansin kong may iniwan siyang something sa palad ko. Siguro nung hawak niya yung kamay ko... 

Ano ba to? Necklace?! Oo nga, necklace.. Mukang antique na ewan pero mukang importante. Sinubukan kong tanawin ulit yung matanda para ibalik sana kaso wala na siya. 

Sinipat ko yung neckalce, moon-shaped siya tapos may naka engrave sa likod na JC. Sino si JC?! 

Anyway, binulsa ko na yung necklace sabay nagpunta sa Gift Wrapping Station at pinabalot yung pang reregalo ko... 

While waiting... 

"Iho, paskong pasko, matuto tayong magpatawad at humingi ng tawad. Kahit isang araw lang, magparaya tayo."

Umulit ulit sa isip ko yan... Speaking of apologizing and giving... Naalala ko si Abigail. Hanggang ngayon pala galit parin siya sakin. Feeling ko tlaga ang demonyo ko. Patawarin kaya niya ko kung regaluhan ko siya. Kaso ano kayang ireregalo ko... Bahala na kung di niya pa kaya, basta gusto ko mapa isip siya.. 

Sinabi ko dun sa nagbabalot na babalikan ko nalang yung mga gamit ko tapos nag ikot ako sa Blue Magic ... Ano naman kayang bibilihin ko? Galit din kasi sakin mga kaibigan niya kaya hindi ko matanong. Aish.. Bahala na... 

To: Nikki Forbes

Nikki, I know you're mad but I need urgent help. Sige na oh, pasko naman ehh. 

Destiny is my Best friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon