A/N - Sinipag ako mag update kasi nasa ayos yung mood ko para sa next chapter. Here it is :)) Please keep reading dahil konti nalang ang mga next chapters. :D
-------------------------
Johnzel
Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Aalis na si Khris at ako palang ang may alam...
WAAAAAHHH! Mababaliw na ko! Hindi ko na kaya to! Kailangan na malaman ng barkada to. I'm so sorry Khris. Di kakayanin ng konsensya ko to!
*Group Convo* *Dialling Nikki, Zian, Derrick, Abigail, Daniel*
"Heeelllloooo?!" sabay sabay nilang sagot sa pinaka bangag na boses.
"Guys, get up and fix yourselves."
"Ano ba JZ?! Anong oras palang! Wala pa ngang araw eh!" - Nikki
"Nikki? Teka. JZ? Group convo ba toh? Bakit?" - Gail
"Guys, alam kong tulog pa kayong lahat pero kailangan niyo na malaman to. Teka, asan si Daniel?"
"Kasama ko." - Gail
"Bakit kayo magkasama?" - Everyone
"I'll explain everything later. Wala daw siyang dalang phone." - Gail
"Basta kailangan niyong malaman na aalis na Khris. Nasa airport na siya ngayon at flight call nalang ang hinihintay niya. Guys, i'm so sorry for keeping this from you pero I need your help. We need to stop him. "
"Bro, bakit ngayon mo lang sinabi?" - Derrick
"Lets talk later. Now everybody get up and we have to stop him. Sa Cathedral sa village nila Gail. Hihintayin ko kayo dun in 10 minutes." - Zian
"Got it." - everyone
"Gail, wag kang mawawala. Ikaw ang kailangan namin." - JZ
"I'll be there. Dali na guys." - Gail
*ended*
Hindi ko alam kung tama tong naging desicion na to pero alam ko ito ang para sa barkada. Sorry talaga Khristoffer hindi ko kayang hayaang umalis ka na hindi mo pa at hindi ka pa namin nakikita ng matagal.
------------------------------------------
Abigail
Si Johnzel yung tumawag at hindi ko padin alam kung bakit tinago nila samin ang pag alis ni Khris. Hindi niya pwedeng gawin yun. Sobrang tagal na namin siyang hindi nakita at nakasama tapos hindi pa namin alam kung makikita pa namin siya ulit.
Wala ng oras, kailangan na naming magmadali papuntang airport kahit ganitong oras palang. Please, Khristoffer. Wag mo muna kaming iwan.
"Hihintayin kita sa labas Gail. Bilisan mo ah." sabi ni Daniel as he went out through the terrace.
Nag iwan ako ng note sa side table ko para hindi mag alala sila Ate sakin. Hindi na ko nagbihis. HIndi ko na kailangan mag ayos. Hindi naman ako superhero na kailangan pa ng kapa at maskara. Hindi din naman ako prinsesa na kailangan ng engrandeng bistida para iligtas ang kaharian niya. Si Abigail ako. Abigail lang at kailangan ko lang gawin ang parte ko para sa pinaka matalik kong guy bestfriend sa balat ng lupa.
Pagbukas ko ng pintuan, muntik ko nang makabangga si Mom.
"Mom?!"
"San ka pupunta anak?"
"Sa airport. I'll explain everything pagbalik ko."
"But nak. You cant. May emergency. Gisingin mo ang ate mo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/640931-288-k825370.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Teen FictionThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.