A/N: Hey people! I am back. Hahaha! Pampam na author. Oh, so eto na ang kinahatnan ng nangyare sa BoB last chapter. :)) Hope you like it!
--------
Abigail
Kung sino ka mang kumakanta ka, ghost singer ka man o hindi, si Khris ka man o hindi, basta kung sino ka man, salamat! Heaven ang boses mo. Palong palo kaya eto naman ang crowd, halatang halata ang amazement na may halong confusement sa mukha.
MURMURS EVERYWHERE! Sino daw yung kumakanta... Lahat sila, lahat kami actually, nakatuon sa nag ala statwang tayo ni Khristoffer sa gitna ng stage. Sino ba talaga yung kumakanta?
Dumating na yung part na mag baback up ako. Wew. Sana hindi ko masira yung kanta...
Maya-maya...
"Tamis ng unang tikiiiiim... Hinahanap-hanap! Di na makikita..." sumabog na yung crowd nang tumayo si Daniel sa pagtugtog ng keyboards. Sobrang ingay. SOBRAAAAAA!
Grabe, hindi na normal yung ingay. Sobrang parang tinitirador na yung eardrums ko. May naka mega phone pa! Grabihan lang?! Sobrang ingay naaa ~>__<~
"MAHAL KITA DANIEL!"
"ANG POGI MO DANIEL!"
"IYONG IYO NA KO!"
Narinig ko pang hiyaw ng mga fangirls niya sa gilid ng stage. Woah! So siya nga talaga ang kumakanta.
A/N - Mga readers, may future na kayong maging maghuhula. :P
OHMEYGESSSHH! Ang pogi ng boses niya as in WOAH! Mapapa-tulala ka tlga sa galing niya. Di magkahumayaw ang judges kakapalakpak, pati kami, hindi napasibangot, ngiti kung ngiti! GRABE. Di ko ineexpect to. Sa muka kasi ni Daniel, mukang hindi marunong kumanta ehh! Ehhh! >///< Dagdag pogi points! :"P Isigaw ko kaya na "BOYFRIEND KO YAAAN!" Hahaha! Pang asar lang sa mga fangirls nia. :P
Pero mas magaling pa din si Khris. :P Forever favorite singer ko yung bestfriend ko noh! And speaking of Khris, ano na nga bang nangyare sa kanya?!
Sinitsitan ko si Johnzel kahit mukang imposibleng marinig niya ko sa ingay ng tao. Feeling ko concert namin ehh. Sumasabay sa beat yung talon ng mga tao isama mo pa yung \m/ sign sa kamay!
"JZ!" Sinigaw ko na. Haha! Desperada eh. Buti nalang hindi narinig sa mic ko tska maingay naman. And good thing, napalingon naman siya.
Natawa nalang ako. Ngiting ngiti siya eh. Hahaha! Nagtaas siya ng kilay at sinenyasan ako ng "Bakit?"
"Chope?" sabi ko pero walang sound. Umiling lang siya. Ano ba yan?! Asan na ba kasi si Khris ehh?!
Nilibot ko ng tingin ang buong lugar, hanggang sa kasuluksulukan ng set.
AYUUUUUUUUUUUUN! Andun si Khris. Sa kaduluduluhan ng crowd. Para bang kung nasa Araneta kami, andun siya sa point na kailangan niyang gumamit ng binoculars.
Di nga. SRSLY. Ang bilis naman niyang nakapunta dun?! Di ko nga siya napansing umalis ng stage eh. And I bet, walang nakapansin simula nang kumanta si Daniel.
And magtataka talaga kayo kung pano ko nalaman na siya yun.. Bestfriend ko yun. Kilala ko tindig niya kahit kasing liit pa yan ng surot. Plus yun din ang suot niya.
Ang laking kahihiyan kay Khris nito. Kailangan niya ko ngayon pero hindi ko magawang tumayo ngayon. Nasa kalagitnaan palang kami ng kanta. Andun si Daniel, nagpapaka rockstar sa gitna ng stage. Pero kailangan ako ng bestfriend ko, at ang saklap ng wala akong magawa para puntahan siya. Kung hindi para sa banda, para sa kahihiyan na nasimulan namin kanina.
BINABASA MO ANG
Destiny is my Best friend.
Fiksi RemajaThis is a story of how Abigail deals with the bullshits of love.