Chapter 5

367K 11.5K 3.8K
                                    

Chapter 5


Nakauwi na ang maglolong Ferell at hindi ko alam kung bakit inabot sila nang maghapon dito. Bakit parang ang haba naman ng pinag usapan ng mga matatandang 'yon? Tungkol pa rin kaya sa amin ni Tristan ang pinag uusapan nila? Or about sa negosyo?

Nagkibit balikat na lang ako habang nakatingin kay mommy na kasalukuyang sinusuklay ang buhok ko sa harap ng salamin. Mabuti at nagkakaintindihan sila kapag kinakausap nila si Don Ferell, paano naman ako? Bakit hindi na lang mawala ang mga bugtong ni Tristan Ferell? Madalas magugulat na lang ako at may kung ano ano naman siyang sinasabi sa akin na kahit minsan ay hindi ko nakuha o naintindihan.


"I like him for you Lina, mabuting pamilya ang mga Ferell hija" umikot na naman ang mata ko sa sinabi ni mommy.


"I know hindi ka maniniwala sa akin mom, but to tell you honestly wala lang talaga ang nakita ng librarian sa amin ni Tristan. It was just an accident. Nangangako po akong hindi na ito mauulit. Don't oblige him to court me or something, may ibang gusto ang Ferell na 'yon" nanatiling walang imik si mommy sa sinabi ko dahil abala pa rin siya sa pagsusuklay sa akin.


"Mom? Bakit ang tagal ng usapan nyo ni Don Ferell? Wag mong sabihin na maghapon kayong nag usap tungkol sa negosyo?" kahit mga abogado si mommy at daddy may'ron din kaming ilang negosyo na pinanghahawakan, siguro ay para na rin ito kay kuya, hindi ko na sasabihin na kapag nasa 'hustong gulang na siya' mas mabuting sabihin na kapag nasa 'tamang pag iisip' na siya.


"We talked about family hija, siya pala talaga ang nagpalaki sa mga apo niya? Alam mo ba na may kasama siyang limang apo sa isang bahay? Ang galing naman ni Don Ferell, kami nga ng Daddy mo nahirapan na kayong palakihin ng kuya mo, paano pa kaya ang isang matanda na may limang lalaking apo?" alam kong nakatira sa iisang bahay ang mga Ferell pero hindi ko akalain na sabay sabay din silang mga lumaki.


"Sounds interesting mom, wala na ba silang parents? Bakit si Don Ferell ang nagpalaki sa kanila?" nagtatakang tanong ko.


"May'ron, hindi nagkwento ang Don tungkol sa bagay na 'yon. Nahiya naman kami ng daddy mo na magtanong" kibit balikat na sagot sa akin ni mommy.


"Sounds weird" natapos na sa pagsusuklay si mommy. Tumayo na ako at sinimulan ko nang pumunta sa kama para matulog. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit kailangan pang suklayin ang aking buhok gayong magugulo rin naman sa pagtulog. Haist. Mothers.

Marahan akong kinumutan ni mommy, lagi kaming ganito bago ako matulog. She's still treating me like a child. Siguro ganito talaga ang mga ina. Bahagya akong pumikit nang halikan ni mommy ang aking noo.


"Lina anak, may isang bagay lang akong hihilingin. Narinig kong tinatawag ka ni Tristan na Isabella. Ayokong marinig muli 'yon anak, sabihin mo sa kanya na wag na wag ka muling tatawagin sa pangalang 'yan hija. You're our Isabelle not someone named Isabella" kahit naguguluhan ako ay tumango na lang ako kay mommy. Sino ba si Isabella? Posible ba na may nalalaman si mommy at daddy sa mga sinabi sa akin ni Tristan?


"Anak kung hindi pa rin siya tumigil sa pagtawag sa'yo hayaan mong ako ang kumausap sa kanya. Just please, don't let him call you Isabella" dito na ako bumangon at mabilis kong hinawakan ang kamay ni mommy.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon