Chapter 62

176K 5.8K 895
                                    

Chapter 62


Nang matapos umalingawngaw ang kasuklam suklam na boses ng emcee. Agad kumalampag ang malakas na bell hudyat nang pagsisimula ng laban ni Tristan sa pagitan ng lalaking sinasabing dati rin agent.

Napatayo akong muli at napahawak na lang ako sa bubog na siyang pinagkukulungan ko habang pinapanuod sa ring ang lalaking mahal ko. Ilang beses ko nang nakitang lumaban si Tristan, labanan sa baril, patalim, dahas ng katawan at maging sa pagmamaneho pero ibang usapan kapag ganito.

Alam kong iba ang kaba na nararamdaman ngayon ni Tristan, there is a time pressure. Oras na siyang nanakaw sa atensyon niya sa gitna ng labanan, he can't focus having me inside this deathly box. Shit.

We're both surrounded by these dangerous enemies. These syndicates, that ex agent and even the time. Sa labanang ito hindi lamang tao ang kalaban, maging ang oras na siyang maaaring pumatay sa akin.



Nangangatal akong muling napatungo sa aking mga paa na kasalukuyan nang nabababad sa tubig. Tristan needs to hurry, I'll definitely drown in no time.

Kakayanin ko bang panuorin ang labanang ito? Sinong babae ang kayang panuorin ang lalaking kanyang minamahal na nakikipaglaro kay kamatayan?



Muli kong pinagmasdan ang kahon na siyang pinagkukulungan ko. Dumadaloy ang tubig mula sa dalawang itim na tubong konektado sa kahong bubog. May mga maliliit na butas na siyang pinagkukunan ko ng hanging pero hindi na ito sapat kapag tuluyan nang tumaas ang tubig.

There is no way I can escape on this shitlike thing, wala man lang akong makitang butas na maaari ko itong sirain o ano. At kung makawala man ako dito, ilang sniper ang nakaabang sa akin para patamaan ang ulo ko?

Nagsimula nang umikot ang isang napasexy na round girl sa ring na halos hubad na sa aking paningin. Pero ang mas nakapagpamura sa akin ay nang matapos itong umikot ay mabilis nitong hinalikan sa labi si Tristan na mukhang nagulat din sa ginawa nito.



"Oh, affair with the round girl?" nakitang mabilis sumulyap sa akin si Tristan.



"Tristan!" malakas na sigaw ko nang makitang susugod na sa kanya ang kalaban. Mabilis nakaiwas si Tristan sa atake ng lalaki pero agad itong nagpatuloy sa pagpapalipad nito ng suntok mula sa iba't ibang direksyon, halos mapapikit na lamang ako habang iniiwasan ni Tristan ang mga patalim. Kinakabahan akong tamaan siya nito, kung maaari ko lamang siyang tulungan sa mga oras na ito.

If I could just do something for him..

Magkamali lang siya ng pag ilag ay matatamaan siya ng patalim na nasa kamay ng lalaki. Nang macorner si Tristan sa gilid ng ring ay ilang beses akong muling nagkakalampag sa bubog. He needs to run! He can't die again! Not again! Not in front of my eyes again!

Agad nakayuko si Tristan at mabilis nitong binigyan ng malakas na bodyblow ang lalaki. Natumba itong mamamaluktot.



"Go! Go! Go Tristan!" nangangatal na sigaw ko. Unahan na niya ang lalaki, he's on his knees! Samantalahin na niya ang oras na ito! May pagkakataon na si Tristan na saksakin ang lalaki pero nanatili lamang itong nakatitig sa lalaking nagsisimula nang bumangon.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon