Chapter 59

228K 6.7K 1.3K
                                    


Chapter 59


After 3 years.


Magkakalahating taon na ang nakararaan nang ikinasal si Nero at Florence. Pinaka magandang kasal na nasaksihan ko sa buong buhay ko. Kasal na punong puno ng pagmamahal, hindi lamang sa pagitan ni Nero at Florence maging sa lahat ng mga bisitang dumalo dito.

Pinangarap ko din ang ganitong klase ng kasal, mga kamag anak ko at kamag anak ni Tristan, mga kaibigan, kakilala at malalayong mga kamag anak. Gusto kong malaman ng lahat ng malalapit sa akin na tuluyan na akong itinali at inangkin ng lalaking mahal ko pero mukhang kailangan ko nang tanggapin na kailanman ay hindi ako kayang bigyan ni Tristan ng ganitong klase ng kasal.

Alam ko namang hindi masusukat ang tatag at pagmamahalan ng dalawang tao sa pamamagitan ng dami ng taong nakasaksi ng pag iisang dibdib niyo. Pero kahit pagbalibaliktarin ko ang mundo, babae lang ako at nangangarap ng ganitong klase ng kasal. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hanggang nagmamahalan kami ni Tristan ay hindi na importante kung marami ang makasaksi ng aming kasal, pero gusto kong malaman ng lahat na pag aari na ako ni Tristan.

Masisisi ko ba ang sarili ko? Lahat ng babae ay pinangarap maglakad habang suot ang kanyang damit pangkasal sa harap ng lahat nang kanyang mahahalaga sa buhay.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila, nakarating na sila sa harap ng dambana, nabasbasan na sila ng diyos. Isang bagay na matagal ko na rin pinapangarap na mangyari sa amin ni Tristan.

Oo at ilang beses na niya akong inalok ng kasal pero ako itong pilit tumatanggi sa kanya, magkakaroon ka ba ng lakas ng loob na magpakasal kung alam ko sa sarili ko na marami pang problema na nakapaligid sa aming dalawa?

Masasabi kong isang malaking katangahan ang magpakasal na may napakaraming problema. Lalo na sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang relasyon namin ni Tristan, lalo na at pareho na kami ng trabaho.



Matapos ang isang taong pag iisip ay tinanggap ko na kung sino ako. Ilang beses ko itong pinag isipan at isinapuso bago ako magbaba ng desisyon. Sino nga ba ang matinong babae na pipiliing mabuhay na napapalibutan ng mga baril at kanyon? Pero ito ako ngayon at niyakap ito.

At habang tumatagal ako sa mundong ito, lalo kong nararamdaman na dito talaga ako nararapat.

Dalawang taon na akong nasa Sous L'eau kasama si Tristan at ang totoo kong ama. Mabigat man ang naging desisyon ko, alam kong ito ang gustong sundin ng puso at isipan ko.



Kung halos mamamatay na ako sa training na pinagagawa sa akin ng daddy ko noon, ngayon ay halos umiyak ako araw araw dahil sa training na ibinibigay sa akin ng tunay kong ama. Akala ko talaga ay gusto niya lamang akong patayin pero habang tumatagal ay talagang napapansin ko ang pag angat ko sa larangan ng baril, iba't ibang armas at kung anuman na kailangan ko sa tuwing may misyon.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong pormal na misyon mag isa, laging nakasunod sa akin si Tristan kahit sa akin mismo nakatoka ang misyon. Sa huli ay siya mismo ang tumatapos na wala akong nagagawa.

Hindi ko naman tuluyang iniwan ang mga magulang ko na siyang nagpalaki sa akin. Limang beses sa isang buwan ako dumadalaw sa kanila, paminsan ay tumitigil ako ng isang linggo para makasama sila. For them I am still their princess, the Linnalyn Isabelle Hidalgo.



Pero sa mundong tanging putok lang ng mga baril ang aking maririnig. Kilala ko bilang isang Satchel.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon