Chapter 57

196K 7.2K 2.6K
                                    

Thanks @maartekang :)


Chapter 57


Hindi ko na naintindihan ang sinabi ni Gray dahil lalong lumakas ang music ng beach bar na lalong nakapagpasigla sa aking pagsayaw. Mukhang ang lasing na kumakanta ng 'Mondo Bongo' ay kapareho kong nababaliw sa kantang ito dahil inulit na naman niya ang pagkanta nito.

Ang banda na sumusuporta sa lasing na kumakanta ay may pagkanative dahil sa mga wooden instrument nito, hindi rin sila masyadong 'rock' at medyo mild lang ang tinutugtog nila, hindi kagaya nang naunang banda kanina.



Iba talaga ang epekto ng kantang ito, ang nakakahalinang pagpalo ng mga musikero sa kanilang wooden drum, marahang pagstrum nila ng gitara, may mga gumagamit pa ng plauta, tambourine at maracas na lalong tumama sa kantang tinutugtog nila.

Lalo kong ni sway ang ulo ko habang nakataas ang mga kamay ko at unti unti ko ibinababa habang nakangisi sa lalaking may hawak ng camera. Halos matuwa pa ako habang nililipad ng hangin ang aking maiksing buhok, lalo pa akong ginanahang sumayaw.

Kagat labi siyang naiiling habang hawak ang camera at nakatitig sa akin. Wala naman masamang sumayaw, hindi naman ito sexy dance, hindi naman ako naghuhubad. Besides! This is mondo bongo! Kailangan ko itong sayawin.


I was patrolling a Pachinko

Nude noodle model parlor in the Nefarious zone

Hanging out with insects under ducting

The C.I.A was on the phone

Well, such is life

Latino caribo, mondo bongo

The flower looks good in your hair

Latino caribo, mondo bongo

Nobody said it was fair, oh


Lumakas ang pagtawa ko nang muntik na akong matumba dahil sa pag ikot ko. Nakita kong bahagyang napahakbang si Gray papalapit sa akin pero nang mapansin niyang hindi na naman ako tuluyang matutumba ay pinagpatuloy niya ang pagtatapat sa akin ng camera.



"You're so beautiful Lina.." may sinabi na naman siyang hindi ko narinig ng maayos. Pinagpatuloy ko na lamang ulit ang pagsasayaw at sa pagkakataong ito ay tumalikod na ako sa kanya habang patuloy ako sa mabagal na pag sway ng aking mga kamay.


Latino caribo, mondo bongo

The flower looks good in your hair

Latino caribo, mondo bongo

Nobody said it was fair

Latino caribo, mondo bongo

The flower looks good in your hair

Latino caribo, mondo bongo

Nobody said it was fair


Wala akong tigil sa pagsayaw dahil habang lalo kong dinadama ang hanging panggabi at magandang tugtugan. Pakiramdam ko ay isa akong dyosa na pinapasayaw sa ilalim ng mga bituin.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon