Chapter 43

205K 7K 2.5K
                                    


Thanks @Black-bluesters :)


Chapter 43


--Tristan Matteo Ferell--


I am not a stalker. I am not a fucking stalker. I am Cap Theo and I don't do shits like that.



"Cap Theo, maghapon ka nang nakatanaw dyan sa bintana ni Miss Lina, tama na. Awat na, kumain ka naman. Kumain naman tayo, baka natutulog na ang tao. Nagpapahinga dahil sa trabaho" agad uminit ang ulo ko sa reklamo ni Rashid na isa rin agent na katulad ko. Mabilis kong itinutok ang nguso ng baril sa kanya.



"Shut up Rashid, lumabas ka sa sasakyan ko kung nagugutom ka" bumuntong hininga siya na ilang beses ko nang narinig sa kanya maghapon. Hindi ko pa nakitang lumalabas sa kanyang terrace si Lina, makita ko lang na nakashorts ang Lina ko aalis na akong masaya. Is that a fucking stalker? I am just missing her.

Gusto ko nang paulanan ng bala ang lokong Rashid na ito sa pag aakusa sa akin ng mga maling paratang. Hindi ko maisip na ako na isang Ferell ay magiging stalker. Never in my whole life.



"Cap Theo, sa totoo lang para ka na talagang Hari ng mga stalker. Mag iisang buwan na tayong sunod ng sunod kay Miss Lina.." naningkit ang mga mata ko at tuluyan ko nang ikinasa ang baril.



"I told you, I am not a fucking stalker!" nagulat siya at mabilis niyang itinaas ang kanyang mga kamay.



"Nagbibiro lang ako Cap! Oo, hindi ka naman stalker. Admirer ka lang" lalong naningkit ang mga mata ko sa walang kwentang pinagsasabi nitong si Rashid. Bakit hindi na ako masanay sa kanya? Kung tutuusin ay mas maloko pa dito ang tagapagmana ni LG.

Ibinaba ko na muli ang aking baril at muling sumilip sa terrace ni Lina. Come on baby, come out.



Hindi rin nagtagal ay napakagat labi na lang ako nang unti unting mahawi ang kurtina at nabuksan ang sliding door ng terrace niya. Mabilis akong lumingon kay Rashid.



"Close your eyes Rashid" ngumiwi siya sa sinabi ko.



"Hindi naman ako natingin Cap, hindi rin naman nakahubad si Miss Lina. Para saan pa 'yan Cap?" tamad na sagot niya sa akin. What the fuck? Hindi niya ba narinig ang sinabi ko?



"I said, close your goddamn eyes!" pinag iinit talaga ang ulo ko.



"Alright, alright Cap stalk—Theo" hindi ko na siya pinansin nang ipikit na niya ang kanyang mata.



Muli kong ibinalik ang aking paningin sa napakagandang babae. Tulad nang inaasahan ko ay nakashorts nga ang magandang babae. Wearing a white cotton blouse and a cute messy bun on her hair. She is a divine scenery.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon