Chapter 64

197K 6.2K 617
                                    

Chapter 64


-Flashback-


Pagkatapos ng nangyari sa bar sa pagitan namin ni Tristan ay humingi ako ng isang buwan sa kanya para mag isip. Hindi na naman siya nakipagtalo pa sa akin dahil agad na siyang sumang ayon sa gusto ko.

Ang ganitong malaking desisyon ay hindi kayang pag isipan ng isa o dalawang araw lamang, kailangan nito ng panahon at matinding pagsasapuso.

Mananatili ba akong isang Hidalgo? Na pipiliing mabuhay sa isang pamilyang may kaakibat nang kapahamakan o sa mismong aking pinanggalingan na siyang kaakibat ay kamatayan? Akala ko noon, ang pagiging anak ng dalawang abogado ay talagang masasabing napakadelikado pero mukhang nagkakamali ako, higit na mas delikado ang maging anak ng may ari ng isang organisasyong ilang beses nang isinumpa ng daang mga sindikato.

Sinong mag aakalang sa isang iglap ay mababago ang buhay ko? Akala ko noon, isang napakalaking rebelasyon na ang malamang nagmahal ako ng isang lalaking nabubuhay sa paghawak ng baril, akala ko ay ito na ang pinakamatinding rebelasyon ng aking buhay. Pero mukhang muli na naman akong nagkamali, sinong mag aakalang isa akong ampon? Na ako ang nawawalang anak ng lalaking nagmamay ari ng isang napakamakapangyarihang organisasyon?

Ngayon ko masasabing, talaga pa lang mapanlinlang ang buhay. Kung hindi ka matatag ikaw mismo ang matutumba sa reyalidad.



Huminga ako nang malalim habang nakaharap sa pintuan ng aking tunay na ama. Ilang timba na ang iniluha ko kay mommy, daddy at kuya nang sabihin ko sa kanila ang aking desisyon.

Sa isang buwan kong pag iisip, iisa lang ang naging desisyon ng puso at kaluluwa ko. At alam ko sa sarili kong kahit kailan ay hindi ko pagsisihan ang desisyong pinili ko. I am made for guns, my hands are made to kill people and my heart, body and soul are united to serve Sous L'eau, my father's beloved agency, my future family.

Ito na ang araw ng aking pagdedesisyon. Marahan akong kumatok sa pintuan at hindi ko na hinintay pa na may magsalita dahil ako na mismo ang nagbukas nito. Agad kong nakita ang aking ama na malapad na nakangiti sa akin habang naglalagay ng kape sa dalawang tasa na nasa ibabaw ng kanyang lamesa.



"Maupo ka muna hija, umiinom ka ba ng kape?" ngiting sabi sa akin ng aking ama. Hindi ko siya pinansin at nagmadali na akong tumakbo sa kanya para yakapin siya nang napakahigpit. Hindi ko na inalintana ang nabasag na tasa na kanyang nabitawan.



"Enough with the formality Papa, hindi ba dapat ay niyayakap mo na ako?" umiiyak na sabi ko. Naramdaman kong gumanti siya nang mahigpit na yakap sa akin.



"Isabella anak..." lalo akong napaluha nang maramdaman kong hinalikan niya ang ibabaw ng aking ulo.



"Papa, tinatanggap ko na. Sasama na ako sa mundong ginagalawan mo, alam kong pilit akong inilayo ni Mama sa mundong ito pero kung lalayo pa ako, sinong pamilya pa ang susuporta sa'yo? Pipiliin ko pa rin bang lumayo sa'yo ngayong nagkita na tayo?" umiiyak na sabi ko. Si Papa na mismo ang kumalas nang pagkakayakap at marahan niyang pinunasan ang aking mga luha.



"Sigurado ka ba Isabella anak?" marahan akong tumango sa kanya.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon