Chapter 68

178K 5.8K 485
                                    

Chapter 68


Hindi ko na hinintay pa na magdalawang sabi pa si Gray, wala na akong pakialam kung magalit sa akin si Tristan sa gagawin kong ito.

I am doing this for him.



Sinimulan ko nang humakbang papalapit sa kotse habang pilit na inaalalayan si Tristan na nakaakbay na at nahihirapan nang maglakad.

Hindi na muling tumingin sa amin si Gray hanggang sa tuluyan na kaming makasakay. Nang pasimple ko siyang tingnan ay sobrang higpit ng hawak na niya sa manibela.

Why is he helping us? Alam niyang mapapahamak siya sa ginawa niyang ito.



Muling kong ibinaling ang atensyon ko kay Tristan, ikinalong ko sa aking mga hita ang kanyang ulunan habang marahan kong hinahaplos ang kanyang pisngi.



"Tristan.." kinakabahan kong tawag sa kanya. Halos hindi na siya makapagsalita habang hawak ang nadurugo niyang tagiliran. Fuck! Bakit kailangan kalimutan ko ang tama niya sa tagilliran?!



"Tristan.." pilit kong tinatapik ang pisngi niya. Nagsisimula na naman siyang pumikit. Fuck! I don't like this. No, no, no not again. Nangangatal na ang katawan ko, nahihirapan na naman akong huminga. This is not good.

Calm down Lina, you can't break down like this. He needs you to be strong.



"Tristan baby, don't sleep please.." nangangatal na ang mga kamay ko habang tinatapik ko siya.



"I am not, I am not Lina.." pilit na sabi niya habang idinidiin ang aking mga kamay sa kanyang pisngi.

Naramdaman kong pinapaharurot na ni Gray ang sasakyan, hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginawa kong desisyon. Maaaring nililinlang niya lamang ako para ibalik sa kuta nila? Maaaring sariling paraan niya lamang ito para sumama na ako nang kusa? pero bakit kailangan niya pang patayin ang mga kasamahan niya? Alam niyang sa sandaling 'yon, hindi na kami makakalaban pa ni Tristan. Magagawa niya ang lahat nang gusto niya. Para saan ang lahat nang ito?

Bakit hiniyaan niya pang madukot kami ni Tristan kung sa huli ay tutulungan niya kaming makatakas? Hindi ba at mas dinadala niya sa kapahamakan ang sarili niyang buhay?



"Why helping us?" biglang tanong ko kay Gray. Akala ko ay hindi niya ako sasagutin dahil nanatili lamang siyang tahimik hanggang sa marinig ko siyang magsalita.



"Alam mo ang rason ko Isabella.." mahinang sagot niya sa akin. Rason? That he's in love with me? Bakit hanggang ngayon ay hirap na hirap pa din akong paniwalaan na mahal ako ng lalaking ito? Papaano lumalim nang ganito?

Ilang taon na ba nang huli kaming nagkita? Wala ba siyang ibang babaeng nakilala? Why me?



"Who is that Lina?" nahihirapang tanong ni Tristan. Napakagat labi na lang ako, sa panghihina niya ay hindi na rin niya mabosesan si Gray.


Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon