Chapter 60

199K 6K 752
                                    

Chapter 60


Madiin kong hinawakan ang manibela habang panay ang palitan ng putok ng baril si Tristan at ang apat pang itim na sasakyang nakasunod sa amin. Hindi lamang tamang pagbaril at pagpapasakit sa katawang ng kalaban ang natutunan ko sa dalawang taong pagtigil ko sa Sous L'eau.

I learned how to drive, not to drive normally but to drive recklessly. Ilang beses kong hinampas ang busina ng sasakyan kapag nag oovertake ako, hanggang maaari ay ayokong may madamay sa nangyayaring habulang ito.



Ngayon ay nasa hulihan na namin ang apat na sasakyan habang bukas ang sasakyan namin sa kaliwang pintuan sa likuran. Bahagyang nakalabas ang kalahati ng katawan ni Tristan dito habang nagpapaulan ng bala sa mga kalaban.



"Damn, they're bullet proof!" narinig ko ang malakas na mura ni Tristan habang patuloy pa rin sa pakikipagpalitan ng putok. What should we expect? Hindi lang sasakyan namin ang bulletproof dito.



"Tristan! Pumasok ka na!" nang sabihin ko ito ay mabilis siyang umalis sa posisyon niya. Mabilis kong isinarada ang pinto ng sasakyan at pilit kong kinabig ang sasakyang pakanan.

Kasalukuyan kaming ginigitgit ng dalawang sasakyan sa aming magkabila. Pilit kong isinasadsad ang sasakyan pakanan para mas gitgitin ang sasakyang nasa kanan ko, kitang kita ko na ang pagdidiklap nito dahil sa pagsadsad nito sa tulay.



"Oh fuck!" sabay kaming napamura ni Tristan nang makitang may makakasalubong kaming isang napakalaking truck na puti.



"Baby!" pakinig ko ang malakas na sigaw ni Tristan sa akin. Siya mismo ang kumabig ng manibela pakaliwa na siya namang gagawin ko talaga. Sa lakas nang pagkakabig namin ay napwersa ang sasakyan sa kaliwa na bahagyang tumagilid at nawalan ng kontrol, ilang beses itong nabangga ng mga sasakyan ng mga sibilyan.

Pero sabay kaming napasigaw dalawa ni Tristan nang makalikad ng puting truck ang isa pang sasakyang humahabol sa akin.



"Fuck you!" natatawang sabi ni Tristan sa mga sasakyang kasalukuyan nang nangangalas dahil sa pagkakabangga nito.

Nang lumingon sa akin si Tristan ay mabilis ko siyang inirapan. Pinakailaman niya ang pagmamaneho ko.



"Akin ang manibela Tristan!" ngumisi siya sa akin bago niya ako hinalikan sa labi at muli siyang pumunta sa likuran ng sasakyan.

Napamura na lang ako nang makitang nadagdagan na naman ang bilang ng mga sasakyan na nakasunod sa amin. Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo, hindi ko na alintana kung may nasasabitan na akong sasakyan. Wala na akong pakialam!

Panay ang pagyuko ko nang tumatagos na ang bala sa sasakyan namin. They have good quality of guns! Damn.



Kasalukuyang nakalabas si Tristan sa bubong ng sasakyan at muling nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Kitang kita ko ang paglipad sa ere ng sasakyang ilang beses binaril ni Tristan sa gulong, nawalan ito ng control dahil sa bilis nito at bigla na lamang tumama sa malaking sasakyang kasalubong nito.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon