Chapter 9

271K 9.5K 1.8K
                                    

Chapter 9


Pilit akong nagpapalag nang hawakan ako ni Nero, maging ang natitirang tatlong Ferell ay tumulong na rin sa kanya para mailayo ako kay kuya at Tristan na kasalukyan pa rin nagtatalo. Saka nila niluwagan ang pagkakahawak nila sa akin nang tuluyan na kaming nakalayo sa dalawa.


"What the fuck is that?!" sigaw ko sa mga Ferell na hindi makatingin sa aking mga mata.


"We don't know, labas kami sa usapan nila. Ang alam lang namin na dapat naming gawin ay huwag silang hayaang abalahin ng kahit sino" napanganga na lang ako sa sagot ni Nero.


"Hahayaan nyo silang magpatayan? Anong klaseng mga pinsan kayo?" halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sagot nila sa akin. Hahakbang na sana ako pabalik nang makita kong nakaharang na si Troy, Aldus at Owen na bahagya nang umiiling sa akin.


"Hindi pwede, Lina" umiiling na sabi ni Troy.


"God! Nagkakasakitan na sila, wala pa rin kayong gagawin?" sigaw ko. Wala na akong pakialam kung may makapansin na sa aming mga bisitang naglalabasan.


"We can't meddle on his affairs, si Tristan 'yan Lina. Nagsasabi siya kapag kailangan niya ng tulong namin. Katulad nang kung papaano kami naritong apat ngayon. But this time, we know he can handle your brother alone" sagot sa akin ni Aldus na lalong nagpagusot ng aking mukha.


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Aldus? My brother is a trained fighter, hindi siya kakayanin ni Tristan" napapikit na lang ako nang maalala ko ang nakita ko kanina. Damn, ano nang mangyayari sa kay Tristan?


"Our cousin is a Ferell, Lina. He is a born fighter. We are naturally fighters" kibit balikat na sagot ni Nero na parang hindi natatakot sa maaaring mangyari sa kanilang pinsan.


"Don't underestimate our genes" napailing na lang ako nang kumindat pa sa akin si Owen. Saan nila pinagkukuha ang mga sinasabi nila?


"Let me ask then, kilala nyo na ba si kuya? I have overheard few of their conversation" narinig kong bahagyang tumawa si Troy sa tanong ko.


"Saan nga ba natin nakilala ang mayabang na 'yon?" hindi na ako magsasalita sa salitang ginamit niya kay kuya dahil totoo naman.


"Sa bar, hindi ba at siya ang nakaagaw ni Tristan sa isang babaae?" simpleng sagot ni Aldus. What the hell? 'yon lang ba ang ikinagagalit ni kuya? Bakit may sinasabi pa siyang magugulo ang buhay ko?


"Look who's coming.." ngising sabi ni Nero. Lumingon na ako sa likuran at nakita ko lang naman ang maangas na si Tristan Ferell na tamad na tamad na nag iinat.


"Alright" sabay na sabi ng mga Ferell. Sinalubong siya ni Owen at Troy na nakipaghigh five sa kanya. Nagpunta pa si Troy sa likuran nito para magmasahe. Seriously?


"See?" nakataas na kilay na sabi sa akin ni Aldus. Hindi ko siya pinansin at nagsimula na ang aking malalaking hakbang hanggang sa magkaharapan na kami ni Tristan. Hindi na nag aksaya pa ng oras ang aking mga kamay dahil malakas ko itong pinalipad sa pisngi niya.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon