Chapter 37

202K 6.5K 1.4K
                                    

Thanks @HMnemosyne :)


Chapter 37


Akala ko makakapagpahinga na ako sa buong sabado at linggo pero mukhang nawala na ang pinapangarap kong maghapong paghinga sa kama dahil nakatanggap ako ng tawag na uuwi daw ngayong araw sa Pilipinas ang kuya ko. Bakit kaya biglaan?

Muli akong napairap sa hangin nang marinig na naman ang pagtunog ng aking telepono. Kasalukuyan na akong nagdadrive papunta sa airport at hindi ko na mabilang kung ilang sasakyan na ang na over take ko. Damn, overspeeding na ako. Padabog kong sinagot ang telepono.



"Kuya wait lang please? Nagmamadali na ako, bakit ba walang abiso ang pag uwi mo?" bakit hindi rin nasabi sa akin ni mom at dad na uuwi ang isang ito?



"Biglaan, bilisan mo. Nagugutom na ako" nangunot naman ang noo ko sa narinig ko sa kanya.



"Hindi ka ba pwedeng bumili muna ng kahit ano dyan?" mukhang matatagalan pa ako, malayo layo pa ako sa airport.



"Gusto kong sabay tayong kumain, paliparin mo na ang sasakyan mo" nahihimigan ko na ang pagkairita niya. Kahit ako ay iritado na rin, bakit hindi na lang siya bumiyahe? Bakit inabala pa ako? Haist.



"Yes, pinalilipad ko na kuya. Tumingala ka, kumaway ka ha? Para makita ko agad ang pinakagwapong kuya sa balat ng lupa" pinatay ko na ang telepono at muli kong mas pinag igi ang atensyon ko sa daan.

Hindi na ako nagdalawang isip na paharurutin ang aking sasakyan, hindi naman ako pababayaan ng mga magulang ko kung hulihin man ako sa overspeeding.

Aminado ako na sa nakalipas na tatlong taon, wala pa rin nagbago sa akin. Yes, masasabi ko na may permanente na akong trabaho sa isa sa kilalang kompanya dito sa Pilipinas pero hindi pa rin mawala sa akin ang pagiging dependent sa mga magulang ko. Haist. I am still their princess that can't grow up.



Tumagal siguro ng kalahating oras ang pagdadrive ko bago ako makarating sa airport. Malayo pa lang ay kita ko na ang nakakunot na noo ni kuya na agad namang ngumisi nang makita ako.



"What took you so long baby?" pinitik niya ang noo ko gaya nang ginagawa niya sa akin noon. Damn, isang taon ko din hindi nakita ang kuya kong ito.



"Traffic kasi sa himpapawid" sagot ko na lang sa akin. Mabilis niya na akong inakbayan habang naglalakad na kami pabalik sa aming sasakyan.



"Marami akong kaibigang foreigner, gusto mong makilala?" agad nangunot ang noo ko sa kanya. Tanda ko pa noon na halos araw araw siyang may dalang mga kabarkada niyang lalaki sa bahay na siyang pagpipilian ko daw, muntik pa siyang mapalayas ni mommy at daddy sa kalokohan niyang ito.



"Ibinubugaw mo na naman ba ako?" iritadong tanong ko sa kanya.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon