Chapter 40

229K 7.1K 1.9K
                                    

Merry Christmas!



Chapter 40


Maaga akong pumasok sa trabaho dahil hindi na ako nakatulog nang maayos sa mga nangyayari sa akin. Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang pakiramdam ko na may laging nakamata sa akin. Mga matang hindi lang basta titig ang ginagawa sa akin, mga matang parang nanghuhubad.

Bigla na lang akong kikilabutan at paninindigan ng balahibo at kapag inilibot ko naman ang aking paningin sa paligid ay wala akong makitang nakamata sa akin. Lalo nang lumalakas ang aking nerbiyos at hindi ko na alam kung napaparanoid na ako sa pauli ulit na pagtingin sa paligid. Fuck. Baka mapagkamalan na akong baliw ng mga taong maaaring makapansin sa mga ikinikilos ko.



Hahakbang pa sana ako papasok sa aking cubicle nang may mapansin akong hindi maganda sa aking mga mata. A bouquet of red roses. Kinakabahan akong lumapit dito at nangangatal ang kamay ko para tingnan kung kanino nangggaling ang bulaklak.



"Good morning beautiful Lina. Nice hair style, lalo kang gumanda" bati sa akin ni Jean na kadarating lamang.



"Thanks" tipid kong sagot sa kanya.



"Oh, another suitor?" napansin niya na rin ang bulaklak na sumira sa umaga ko. Napakagat labi na lang ako nang tumama ang aking hinala. Mula ito kay Mr. Lady Rider, ang manyakis kong stalker.

Nanlalambot akong napaupo sa aking swivel chair at napahilamos na lang ako sa aking sarili. Pepestehin ba ako ng hayop na ito hanggang sa umabot nang linggo? Akala ba niya ay makikipag one night stand ako sa kanya? Tang ina niya!



"Saang area na naman 'yang manliligaw mo Lina?" umiling na lang ako sa nakangising si Jean.



"Magboyfriend ka na kasi! Nang hindi ka na nahihirapan sa mga bulaklak na natatanggap mo" tipid lang akong ngumiti sa kanya bago ako tumayo at damputin ang bulaklak. Agad ko itong itinapon sa basurahan.

Nang makabalik ako sa cubicle ko ay kinuha ko agad ang aking telepono. Nagdiretso muna ako sa washroom para dito makipagchat sa hayop na stalker. Nakita kong may email na naman ako mula sa hayop kong stalker. May ni send na naman itong picture ko at napamura na lang ako nang mapansin na suot ko ngayon ang nasa litrato. Ibig sabihin ngayon niya lang ito kinuha. Damn. Nakasunod na naman ba siya sa akin? Kinakabahan kong inilinga ang sarili ko sa paligid. Fuck!

Wala na ba siyang ginagawa sa buhay kundi sundan ako?



Nang tingnan ko ulit ang email ko ay may invitation na pala ako sa hangout niya. Inaaccept ko na ito para hindi na ako mahirapan magreply. Saka ko na lang siya ibablock kapag sigurado na akong nadelete na niya lahat. Pero paano? Fuck.

Nagchat na ako sa kanya.



Lina Isabelle: 'Name your price, babayaran ko ang lahat ng pictures at videos ko' dahil stalker ko siya, mabilis siyang mareply sa message ko.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon