Chapter 29

230K 7.7K 1.7K
                                    

Thanks SicilySovietski5 :)


Chapter 29


Halos takbuhin ko na ang pagbaba sa aming hagdanan habang isinusuot ang mahabang puting coat ko. Damn, I am so late. Siguradong mainit na ang ulo ng toothfairy na kapartner ko sa kahihintay sa akin.

Muntik pa akong mahulog sa hagdan sa pagmamadali ko, mabuti at mabilis ang reflexes ko at nakahawak ako agad sa hamba ng hagdan para masurportahan ang sarili ko pero sa sobrang taas ng takong ko ay hindi rin kinaya, kaya nagdiretso ako sa pagbagsak, hindi ko pinigil ang pwersa kaya hinayaan kong gumulong ako. Napamura na lang ako nang tumama ang likuran ko sa hagdan. Fuck. Pero dahil marunong ako ng simpleng landing phase para hindi masyadong masaktan ang katawan ko ay nakarating ako sa dulo ng hagdan na kaunting sakit lang sa likuran ang natamo.



Bahagya na akong nakaluhod at madrama kong itinunghay ang aking ulo na parang isang action actress. Pasimple akong tumayo at maangas na pinagpagan ang aking magkabilang balikat. Simpleng bagay.

Saan ka nakakita ng isang dentista na kasing gilas ko? Napahawi na lang ako ng aking buhok bago ako humakbang papunta sa kusina. Pero halos mapatalon na lang ako nang masalubong ko si kuya na kasalukuyang may hawak ng kape na nakangisi sa akin. Mukhang napanuod niya ang ginawa ko.



"What the hell is that stunt little sis?" nagkibit balikat na lang ako sa kabila ng kumikirot kong likuran.



"A little bit exercise kuya" taas noong sagot ko sa kanya.



"I see" pinagtaasan niya ako ng kilay. Pinauna niya akong maglakad papunta sa kusina at halos mapamura na lang ako nang bahagyang pisilin ni kuya ang likuran ko.



"Fuck! Ace naman!" iritado kong hinampas ang kamay niya.



"A little bit exercise huh? Nasaan na naman ang 'kuya' mo Isabelle Hidalgo?" inirapan ko na lamang siya bago ko inagaw ang tasa ng kapeng hawak niya at inistraight ko ito ng inom.



"I think I need our training kuya. Are you free this weekend?" tumaas na naman ang kilay niya sa sinabi ko.



"I am always free for you little sister" ako naman ngayon ang napataas ang kilay sa sagot niya.



"Wala kang babae sa weekend?" ngumisi lang siya sa akin.



"Don't ask me about that Lina, madami akong babae weekends or weekdays" nakailang irap na kaya ang nagagawa ko sa babaero kong kapatid na ito?



"Uhuh? I'm so proud of you Ace, I am honoured to be your sister" sarcastic na sagot ko.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon