Chapter 61

184K 5.9K 847
                                    


Chapter 61


Gusto kong tawagin ang pangalan ni mommy habang nararamdaman ang kirot sa ulo at katawan ko. Sobrang lamig ng pakiramdam ko at halos mamaluktot na ako para lamang mainitan ang sarili ko.

Nasaan ako? Bakit sobrang lamig? Bakit ko nakakarinig ng sobrang ingay? Bakit hindi sila mga manahimik? Hindi ba nila alam na gusto kong magpahinga?

I need to sle---. Hindi ko na naituloy ang nasa isip ko nang maalala ang lahat nang pangyayari bago ako magkaganito.

We were captured! Si Tristan?



Pinilit kong imulat ang aking mga mata sa kabila nang pagpupumilit nitong bumagsak. Nanatili pa rin maingay ang buong kapaligiran na parang punong puno ng napakapal na tao ang buong lugar kung nasaan ako.

Nang tuluyan ko nang imulat ang aking mga mata ay agad akong nasilaw sa napakaliwanag na ilaw na tumatama sa aking katawan. Nagawa ko pang iharang ang aking mga kamay sa aking mga mata dahil sa liwanag na nakakasilaw.

Isang malakas na boses ang umalingawngaw na siyang nagpatahimik sa maingay na kapaligiran. Nasaan ako? Hindi ko makita ng maayos ang kinalalagyan ko dahil sa liwanag na ito.



"Silencio, silencio gente.." Spanish? Saang bansa kami dinala ng mga ito? Nasaan si Tristan?



"Within a minute our wonderful show will start!" masiglang sabi ng lalaking may kumikinang na kasuotan. Malakas na sigawan at palakpakan ang narinig ko dahil sa sinabi niya.

What the hell is happening? Nasaan ako? Who are these people? Nasaan si Tristan?

Naiinis ako sa kinalalagyan ko, sa kabila nang liwanag na tumatama sa aking katawan ay sobrang lamig ng pakiramdam ko. Where am I? Pinilit kong tumayo sa kabila nang nangangatal kong tuhod, humawak ako sa salaming bubog para alalayan ako.

Salaming bubog? Ilang beses kong pinagmasdan kung nasaan ako. Nagawa ko pa itong kapain para makumpirma ang sarili ko. Kasalukayan akong nakakulong sa isang mahabang kahong bubog. May maliit na butas dito na siyang pinanggagalingan ng hangin at dalawang magkabilang butas na konektado sa dalawang kulay itim na tubo.

Where the hell am I?



"Hey! Hey you fucker! Paalisin mo ako dito! Hayop ka! Anong gagawin mo sa akin?!" malakas na sigaw ko sa lalaking nakataas ang kilay sa akin. Sasabihin ko bang lalaki siya? He's gay!

Punong puno ng make up ang mukha niya at kumikinang siya sa panget niyang kasuotan. He's damn creepy!

Agad akong napahawak sa akin tenga nang marinig ako ng matinis na tunog. Oh shit. Stop. Stop! Napaluhod na lang ako sa sakit na nararamdaman ko sa aking tenga.



"Sinong hayop Hidalgo?" tanong sa akin ng lalaki. He's a Filipino! Sino siya? Bakit kilala niya ako?!



"Tumayo ka! Impaktang anak ng mga inutil na abogado!" agad nag init ang dugo sa narinig ko. At nang tangkain ko nang bumangon ay halos mapanganga na lang ako nang tumama ang paningin ko san g mga taong nakikita kong mukhang nasisiyahang pinapanuod ako.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon