Chapter 73

195K 6.4K 1.2K
                                    

Chapter 73


Kalukuyan na kaming nakasakay lahat sa isang itim na BMW. Iniwan na ni Gray ang kanyang malaking radyo pero hindi pa rin siya tumigil sa pagpapatugtog dahil ipinagpatuloy niya ito sa stereo ng sasakyan.

Nasa unahan silang dalawa ni Tristan habang kami ni Savannah ay sa likuran. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa tatlong kasama ko, hindi man lang ako makakita ng kaunting kaba o takot mula sa kanila.

Bakit kung makakilos silang tatlo ay parang pupunta lamang kami sa isang mall para manuod ng sine at kumain ng popcorn?


Si Gray na nagsisimula nang paandarin ang sasakyan na may kasama pang pagsipol sipol. Si Tristan naman ay bahagyang nakaincline ang inuupuan na parang anumang oras ay tutulog habang si Savannah naman na katabi ko ay nakadikwatrong abala pa rin sa kanyang chewing gum.

What the hell is this setting? Hindi ba nila alam kung anong sitwasyon ang kinahaharapan namin?


"Hindi man lang ba kayo maseseryosong tatlo?" bigla ko na lamang nasabi sa kanila. Bakit parang ako lamang ang tensyonado sa mga oras na ito? Hindi biro ang mga sindikatong nakaabang sa amin sa labas!

Kung mananatili silang kampante katulad nito at hindi handa, hindi malayong mangyaring ubos na kami bago pa kami makarating sa Akureyri. Damn.

We're just four for pete sake! Bakit kung makaasta ang tatlong ito ay napakadali ng mangyayaring ito sa amin?


"You need to calm yourself for a while baby. Mamaya pa ang totoong laban.." sagot sa akin ni Tristan.


"Besides kung masyado mong iisipin ang mga kalabang nakaabang sa atin lalo kang mawawala sa konsentrasyon. Don't get nervous Isabella, kasama mo kaming tatlo" napaismid na lang ako sa sinabi ni Savannah. Hinihingi ko ba ang opininyon niya?


"Just trust me baby.." lumingon na sa likuran si Tristan at nagawa pa niyang itaas ang kanyang itim na shades para kindatan lamang ako. Umirap lamang ako sa kanya.

Muli ko na lamang itiningin sa labas ang aking paningin. We're not using the usual road, hindi ito ang dinaanan namin kanina. Tanging naglalakihang puno lamang ang nakikita ko sa magkabilang panig ng aming sasakyan. Pero alam kong hindi rin magtatagal ay may mga sasakyan na rin akong makikitang nakasunod sa amin.

Ang isa pa sa kinaiinisan ko sa mga oras na ito ay ang panahon. It is damn snowing right now. Yes, I love snow but this is not a good timing. Sa halip na mas mapabilis ang biyahe namin ay mas napabagal pa ito.


"So what is your plan after this? Back to your usual life? Agent life? Hindi ka pa ba nagsasawa Matteo?" hindi ko inaasahan ang tanong na ito ni Savannah. Bakit bigla na lang siya nagtanong ng ganitong bagay?


"Maybe? I am just living because of Lina. Nakatali ang babaeng mahal ko sa resposibilidad niya sa Sous L'eau bilang isang Satchel at ako habang buhay kong itatali ang sarili ko sa kanya. So I guess, yes? I'll remain this agent with the love of my life.." natigilan ako sa sinabi ni Tristan. Pakiramdam ko ay parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

Alam kong, ako ang pinakamalaking dahilan niya kung bakit pilit siyang nanatili sa Sous L'eau. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang mga panahong pilit ko siyang pinapaalis sa trabahong ito. Ilang beses ko siyang pinipilit sabihin ang kanyang mahigpit na dahilan kung bakit ayaw niya itong iwanan para sa akin, 'yon naman pala ako rin ang malalim niyang dahilan.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon