Chapter 16

262K 8.3K 1.2K
                                    

Chapter 16


Nakahanda na ang lahat ng mga gagamitin sa pangingisda. Habang kami naman ni Florence ay hindi na maalis ang mga nakataas naming kilay dahil sa hitsura ng mga Ferell na pati kanilang mga suot ay talagang pinaghandaan sa pangingisda. Talaga ba na ganito ang mga ito?

Kapwa lang naman topless si Tristan, Nero at Owen na may kani kanilang puting towel na nakatali sa kanilang mga noo habang maangas na nakapatong sa kanilang mga balikat ang mga pamingwit nilang dala. Samantalang si Troy naman ay hindi na nagpalit ng damit at pinili na lang maglakad sa likuran ng kanyang mga pinsan, kasalukuyan lang naman siyang nakasuot ng surgical mask at kanina pang namumutla.


"Dapat tumigil ka na lang sa resthouse Troy, magsusuka ka lang dito ng magsusuka" baling sa kanya ni Owen.


"Don't mind me, I'm fine" matabang na sagot ni Troy. Sabay nagtawanan ang tatlo niyang pinsan sa unahan dahil sa sinabi niya.

Naglalakad na kami sa papunta sa ilog na sinabi ng tiyuhin ng mga Ferell. Kung hindi ako nagkakamali ay ilog sabang ang tawag dito. Mayaman daw ito sa isda at siguradong makaka isang daan daw agad ang magpipinsan. Akala ko talaga ay mapapadali na sa magpipinsan ang panghuhuli ng isda dahil sa fishpond sila manghuhuli. Pero nagkamali ako, nasabihan na pala agad ni Don Ferell ang kanyang anak na dadating ang kanyang mga apo. Kaya sa huli, mahihirapan pa rin talaga ang mga Ferell. Sana makahuli sila ng isang daan sa buong maghapon.


"Anong gagawin natin dito Lina?" tanong sa akin ni Florence.


"Hindi ko rin alam, bakit nga ba tayo isinama ng magpipinsang 'yan?" sagot ko pabalik kay Florence.

Hindi naman nagtagal ang aming paglalakad at nakarating kami sa ilog na sinasabi ng kanilang tiyuhin. At nang sandaling makita ito ng aking mga mata ay hindi ko mapigilang hindi humanga sa ganda nito. Iba pa rin talaga ang epekto ng natural at buhay na pagdaloy ng tubig kaysa sa artipisyal na pag aagos nito na karaniwan kong nakikita sa iba't ibang mamahaling resort na napupuntahan ko.

Ngayon ko pinagpasalamat na isinama ako dito ni Tristan. This place is a simple paradise. Madalas kaya ang mga Ferell dito? Bihira na lang ang may napakalinis at napakalinaw na ilog sa panahong ito. Sa sobrang linaw ng tubig ay halos makita ko na ang maliliit na isda na naglalangoy sa ilalim nito.


"Damn, I miss this place" nakapamaywang na sabi ni Owen.


"Itanong mo kay Troy kung miss niya na rin ang lugar na ito" natatawang sabi ni Nero.


"Fuck you" malutong na mura ni Troy.


"Let's start then, we can't go home late" humarap sa direksyon namin si Tristan at nagsimula itong lumapit sa akin. Bakit siya papunta sa akin? Hindi ba at nasa harapan na niya ang ilog?


"You can help me" kumindat siya sa akin bago niya ako basta na lang hinila. What the hell? Wala akong alam sa pangingisda.


"I can't help you Tristan" tinatanggal ko ang kamay ko sa kanya pero mas hinigpitan niya lang ito.


"You can" maiksing sagot niya. Lumingon ako sa likuran at napansin ko na lumalayo na kami mula sa mga pinsan niya.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon