Chapter 31

235K 7.2K 1.4K
                                    

Thanks @MylenMina


Chapter 31


Ilang beses kong sinipat ang aking relo habang nasa biyahe ako papunta sa pantalan ng Leviathan kung saan nakadaong ang cruise ship na siyang pagdadausan ng engrandeng kaarawan ni Florence. Kung hindi ako nagkakamali ay tanging malalapit na tao lamang ang mga imbitado.

Mahigpit na sabi ng mga kaibigan ni Florence na 7:30 pa lang ng gabi ay dapat kumpleto na ang mga bisita. Pero nang tingnan ko ang relo ko ay halos labinlimang minuto na akong huli. Damn, bakit inabot ako ng traffic ngayon?



Wala sa sarili kong muling pinaikot sa aking daliri ang laruang baril na hawak ko. Damn, bakit ba ako kinakabahan ngayon? Birthday ng kaibigan ko, bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba late na naman ako? Damn. Nakakahiya na kay Florence. Kung hindi lang sana masyadong nag abala si mommy sa magiging make up ko sana makakarating ako ng tama sa oras. Haist.



"Can't you stop that Lina? Why so nervous? You looked so tense.." itinigil ko ang pagpapaikot sa aking baril dahil sa sinabi ng aking kuya na nasa driver's seat. Kahit siya ay nahahalata na ang kakaibang ikinikilos ko.



"Am I? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kuya" sagot ko na lamang sa kanya. Pinili ko munang itanaw ang aking paningin sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang ilang sasakyan nalalampasan namin na may bukas na bintana. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinapanuod ang isang mag anak sa loob ng kanilang sasakyan. Sinusubuan ng asawang babae ang kanyang asawa na nagmamaneho habang nagtatawanan naman ang mga anak nito sa likuran.



"Alam mo kuya, ipapakilala na daw ako ni Tristan sa mga magulang niya" magaang sabi ko sa kapatid ko. Ano kayang klaseng magulang ang mayroon si Tristan? Istrikto ba sila? Mapangmata? Paano kaya nila ako pakikitunguhan?



"Uhuh? Akala ko nasa ibang bansa ang magulang ng mokong?" tanong sa akin ni kuya.



"Uuwi daw sila ngayong gabi, bukas ko na sila makikilala" kinakabahan ba ako dahil dito?



"Oh, seryoso ka na ba talaga Lina? Meeting his parents is another commitment, kung masisira kayo ng Ferell na 'yon malaki ang magiging epekto nito sa relasyon ng pamilya nila sa ating mga magulang. Isipin mo ang mga gagawin mo, masyado ka pang bata para sa malalim na relasyon Lina. Enjoy your life sister.." halos hindi ako nakakurap habang nakatitig sa aking kuya. Saan niya nakuha ang mga sinabi niyang ito sa akin? Nasaan ang kuya ko?



"Ace? Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Agad akong napapikit nang pitikin niya ako sa aking noo.



"I am little sis, ayoko lang na magsisi ka sa bandang huli. Ayokong mapagaya ka pa sa akin.." dito na ako tuluyang napanganga. What the hell? Ano itong naririnig ko sa aking kuya?

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon