Chapter 35

213K 6.7K 2.7K
                                    

Thanks @PinkStephie :)


Chapter 35


Pilit kong iminulat ang aking mga mata kahit ramdam ko ang hapdi nito. Ramdam na ramdam ko ang pagod nito na parang gusto na muling magsara at mamahinga pero pinilit ko itong ikurap ng ilang beses para mas makaaninaw ako ng maayos.

Alam kong nasa sariling kama ko ako ngayon. Sa kabila nang pananakit ng aking katawan ay pinilit kong makabangon pero agad akong dinaluhan ng mommy at daddy ko. Napansin ko na nasa likuran nila si kuya na nakamasid lang sa amin.



"You need to rest baby.." muli sana akong ihihiga ni mommy sa kama nang mahigpit akong tumutol.



"No mommy, I'm fine. May pupuntahan pa po ako, kumain na ba kayo ng breakfast? Sabay sabay na tayo, bakit ba kayo nasa kwarto ko?" ngumiti ako sa kanila habang pinagsisigla ang boses ko.

Pero agad sumikip ang dibdib ko nang makitang lumuluha na ang aking mommy habang pinagmamasdan ako.



"My poor girl..." mabilis akong niyakap ng mahigpit ni mommy. Ano ito? bakit bumibigat ang dibdib ko? Bakit umiiyak si mommy?



"Mommy, what happened? Nag away ba kayo Daddy?" ilang beses umiling sa akin si Daddy habang nakikita kong napapahilamos na sa kanyang mukha si kuya.



"Mommy, maghahanda pa ako. Tulungan mo akong pumili ng damit na susuotin ko ha? ipapakilala na daw ako ni Tristan sa parents niya.." naramdaman kong paulit ulit hinahaplos ni mommy ang buhok ko.



"Lina anak..." namanhid ang buong katawan ko nang yumakap na rin sa akin si Daddy. Tanging si kuya na lang ang nakikita ko na patuloy ang pag iling sa akin. Ayoko nito, ayoko nito...



"No..no..no..hindi pa rin ba ako nagigising? Hindi pa rin ba ako nagigisng mommy? Nananaginip na naman ba ako? Binabangungot pa rin ba ako?" nangangatal na ang boses ko habang ang mga kamay ko ay nanatiling nangangatal sa kanilang likuran.



"Hush..hush Lina..anak.." kusa nang bumagsak ang aking mga kamay nang unti unting lumilinaw sa aking mga alaala ang mga nangyari. At dito na nagtuluang muli ang aking mga luha. Si Tristan...



"Mommy..." napahikbi na lamang ako.



"Lina..." iniharap ako ni mommy sa kanya at pinupunasan niya ang mga luha ko.



"Daddy..." ramdam ko ang maiinit na luhang naglalandas sa pisngi ko.



"Mommy..anong gagawin ko? Iniwan na niya ako. Iniwan na niya ako..iniwan niya na ako. Iniwan na ako ni Tristan..ang sakit mommy.." wala akong tigil sa pagsasalita kasabay ang pagpatak ng aking mga luha. Walang tigil ang paghagod ng mga kamay ni mommy sa aking likuran.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon