Chapter 15

283K 9.5K 1.7K
                                    

Chapter 15


Balita sa buong Gyro Nella na pinadiretso ang mga Ferell sa guidance office pagkatapos ng kanilang napakadugong stage play na sa halip na maging historical ay naging action. Humakot lang naman sila ng napakaraming papuri mula sa mga estudyanteng may malulungkot na buhay paaralan na saglit napasaya at napatawa dahil sa kalokohan ng mga Ferell.

Sino nga ba ang hindi matatawa sa nangyari? Binaliktad lang naman nila ang buong pangyayari, sa halip na ang prinsipe ang tumulong sa prinsesa siya pa itong nagpadugo ng ilong nito.


"Bakit naman kasi kailangan ko pa siyang abangan dito?! Ano siya bata?" reklamo ni Florence habang naglalakad kami sa guidance office. Kahit si Tristan ay nagtext sa akin na sunduin ko din siya. Bakit kailangan ba nila ng moral support mula sa amin ni Florence?

Naupo na kami ni Florence sa labas ng guidance office at kasalukuyan nang nakasalang ang mga Ferell sa loobb. Naririnig mula dito ang malakas na boses ni Don Ferell.


"LG, 'yong ilong ko. Dalhin nyo na ako sa hospital, tang ina hindi ako pwedeng mapango. Gago ka talaga Tristan!" patuloy pa rin ba ang pagdugo ng ilong ni Troy?


"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nakapasok sa opisinang ito! Ano kayo? Elementay?!" halos mapapikit na lang ako sa malakas na boses ng matanda. Hindi ba nakakasama ito sa kalusugan niya? Baka bigla siyang atakihin sa puso. Hindi ba naiisip ng mga Ferell na ito ang maaring mangyari sa kanilang lolo?


"Bakit hindi nyo inayos ang pag arte? Fvck. Nadamay na naman ako" kung hindi ako nagkakamali ay si Nero ang nagsalita.


"God! I'm so tired of this" napalingon ako kay Florence.


"I can't listen to this, doon na lang tayo sa malayo maghintay" mabilis akong tumango kay Florence kahit ako ay ayaw ko nang marinig ang kanilang pagtatalo dahil naaalala ko lamang ang panahong kami ni Tristan ang nakasalang sa guidance office.

Tumagal pa ng kalahating oras bago naunang lumabas si Don Ferell sa kanyang kunot na kunot na noo. Nagdiretso na itong umalis na hindi man lang tiningnan pabalik ang kanyang mga apo. Nang mamataan kami ni Tristan at Nero mula sa malayo ay mabilis lumapit ang dalawang ito. Samantalang ang natitirang tatlo ay nagdiretso na rin ng paglalakad.


"Anong balita?" matabang na tanong ni Florence.


"Suspended" maiksing sagot sa kanya ni Nero. Lalo lamang naningkit ang mga mata ko kay Tristan Ferell na kasalukuyan na namang nakangisi.


"May community service?" tanong ko naman kay Tristan.


"Wala, 2 days suspended lang kami" wow parang hindi siya nanghihinayang sa dalawang araw.


"But hell yeah, we need to go fishing" iritadong sabi naman ni Nero.


"Fishing?" halos sabay naming tanong ni Florence.


"Pinangingisda kami ni LG" tamad na sagot ni Tristan na may pagkamot pa sa ulo.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon